chapter 75

11.2K 253 15
                                    

Melody P.O.V

'Y-yan na ba ang dark kingdom?'- kinakabahan kong tanong ng makita ang palasyong tila pinaglipasan na ng panahon.

'Oo' - seryoso namang sagot ni koharu habang matamang nakatingin sa palasyo.

Kahit na sabihing malayo pa kami sa palasyo ay hindi ko parin maiwasang mangilabot dahil sa aking nakikita. Tanging kadiliman lang ang makikita mo sa paligid habang ang palasyo naman ay napapalibutan ng itim na ulap.

'kailangan na muna nating magpalit'- sambit ni kate, hindi naman nalalayo ay pananamit ng mga dark user sa pananamit namin, ang kaibahan nga lang ay itim ang kulay ng kanilang suot.

Agad kaming nagpalit ng aming suot at bahagya ring ginulo namin ang aming buhok, at nag lagay ng itim na likido sa aming labi.

'Kailangan nating mag ingat, isang maling galaw lang at buhay natin ang kapalit' - sambit ni koharu habang nagmamasid sa paligid.

Tahimik kaming naglalakad patungong palasyo at hangang maaari ay umiiwas kami sa mga dark user.

Kong sa aming lugar ay mga masayang user na nag uusap at nagtatrabaho ang makikita mo, dito naman ay mga user na nag aaway, nagpapayabangan, at naglalandian ang makikita mo sa paligid.

Matiwasay naman kaming nakarating sa harap ng palasyo, ngunit kong naging madali lang ang pagdaan namin kanina ay kabaliktaran naman ng sa ngayon. Masyadong madami ang nagbabantay sa labas ng palasyo at sa tingin ko ay hindi pa man kami nakakapasok ay siguradong nabisto na kami.

'Ano nang gagawin natin? Masyado silang madami '- nagaalalang sambit ni fiona.

'Siguradong magtataka sila kong papasok tayo'- sambit naman ni mark

'Ako nang bahala sa ating pagpasok'- sambit ni dylan saka inilabas ang kanyang wand na nakatago sa kanyang damit.

Nakalimutan kong may kasama nga pala kaming wizard.

Agad namang nag concentrate si dylan habang kami ay tahimik lamang na naghihintay.

*et invisibilla nobis*

Sambit niya saka namin naramdaman ang pagbalot sa amin ng kanyang kapang yarihan.

'Masyado tayong marami kaya Hindi magtatagal ang spell na ginamit ko kaya kailangan nating magmadali' -sambit ni dylan at nauna nang maglakad.

tahimik kaming naglalakad patungo sa loob ng palasya, kahit na kasi hindi kami nakikita ay naririnig parin nila ang aming boses na maaaring maging dahilan ng aming pagkahuli.

'Saan tayo dadaan?'-tanong ni troy ng makapasok kami, pagkapasok kasi namin ay mga hallway agad ang bumungad sa amin.

'Sumunod kayo sa akin'- seryosong sambit ni koharu at nauna nang naglakad patungo sa pangalawang hallway.

Hindi na lamang kami nagtanong kong bakit alam niya ang daan dahil may tiwala naman kami sa kanya, alam naming hindi niya kami ipapahamak lalo na si sophia.

Isang madilim at mahabang hallway ang aming dinaanan  kaya naman hindi ko maiwasang mangilabot, hindi ako sanay sa ganitong lugar.

'Wag kang matatakot nandito lang kami....ako'- nakangiting sambit ni alex sabay hawak sa aking kamay at mahina itong pinisil.

Tila naman isang spell ang kanyang sinabi dahil biglang nawala ang aking kaba at wala sa sariling napangiti.

'Thanks' -pagpapasalamat ko, akala ko ay bibitiwan niya na ang aking kamay ngunit mas lalo niya lamang itong hinigpitan habang nag lalakad kami.

'Nandito na tayo'- sambit ni koharu ng makarating kami sa isang pintuang kulay itim.

'Kong ganon ay tara na'- agad na sambit ni mark at akmang bubuksan ang pintuan ng pigilan siya ni ethan

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon