chapter 79

10.6K 269 10
                                    

Sophia P.O.V

'M-maawa ka samin'- pagmamaka awa sa akin ng dalawang impostor na nagpangap bilang reyna at hari ng invictus kingdom.

Kong nangtataka kayo kong anong ginagawa ko, nandito lang naman ako sa invictus kingdom. Inaalis ang mga basurang kumakalat. *smirk*

==Flashback==

Pag labas ko ng clinic ay agad na kong nagtungo sa likod ng academy. Pinili ko ang lugar kong saan hindi nadadaanan ng tao nang sa ganon ay walang makakita sa akin dahil siguradong magtataka sila.

Nang masiguro akong walang tao ay agad na kong gumawa ng portal na kakasya lang ang isang tao. Agad na kong pumasok ng mabuo ang portal at inilabas naman ako nito sa aking kwarto, sa dati kong kwarto.

Maganda ang pagkaka ayos ng aking kwarto, dati parin ang itsura. Akala ko ay isang sunog na kwarto ang madadatnan ko pero ni isang bagay na nagpapatunay na nagkasunog at sumabog ang aking kwarto ay wala akong makita.

Hindi na ko nagtagal pa sa aking kwarto at agad na bumaba kong saan ang throne room, alam kong nandun ang dalawang user na hinahanap ko.

Pagkarating ko sa harap ng pinto ay walang pagdadalawang isip ko itong binuksan at doon nakita ko ang dalawa na nagsasaya=_='

'Masaya ba ang magpangap?'- malamig kong tanong na ikinatayo ng dalawa .

'Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na bawal ang pumasok sa kwartong ito ng walang pahintulot ko'- seryosong tanong ng lalaki at mukhang sinasadyang niyang palamigin ang kanyang boses ng matakot ako pero pasensya siya dahil kilalang kilala ko ang ugali ng taong tunay na nagmamay ari ng posisyon niya ngayon.

'Hindi mo rin ba alam na bawal ang umangkin ng hindi sayo?'- malamig kong sambit na ikibigla nila.

'Lapastangan kang bata ka, dahil sa hindi mo samin pag respeto ay maari ka naming ipapatay'- sabat naman ng reyna kuno.

'Ipapatay? Hahaha kong makakalabas pa kayo dito ng buhay'- malademonyo kong sambit saka ibinuka ang aking kamay at doon nakita namin ang nagyari ng mawala ang mga magulang ko at kong paana magbago ang kanilang mukha.

Dahil siguro sa inis at takot na mabisto kaya ako sinugod ng hari daw kuno ng isang itim na mahika, halos parehas lang naman ang kapangyarihan ng mga dark user sa light user ngunit ang kaibahan nga lang ay itim ang kapangyarihan nila.

Hindi pa man siya nakakakalapit ay agad ko na siyang pinatigil sa kanyang pwesto sa pamamagitan ng pag manipula ng kanyang isip.

'a-anong ginawa mo sakin'- nahihintakutang sambit niya ng hindi niya naigalaw ang kanyang katawan.

   'Pakawalan mo siya'- galit na sambit ng babae at saka nag summon ng mga insecto at pina atake sa akin.

Gamit naman ang hangin ay inalis ko ang oxygen sa mga insekto na naging dahilan ng pagkamatay nila.

'A-anong klase kang nilalang?'- hindi makapaniwalang tanong ng babae ng walang kahirap hirap ko lang na napatay ang kanyang mga insekto.

Hindi na lamang ako kumibo at kapwa sila ikinulong sa cage na gawa sa lightning. Wala akong oras para makipag laro sa kanila, marami pa akong gagawin kaya agad ko na itong tataposin.

=end of flashback==

Isang malademonyong ngisi lang ang ibinigay ko sa kanya. kong dati ay nagpapangap pa akong mahina pero iba na ngayon iisa isahin ko ang mga traydor na kumakalat dito sa kaharian namin

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon