chapter 32

16.7K 451 6
                                    

HM Lance P.O.V

*blaaggg**bogsh*

Bigla na lang akong napatayo ng makarinig ako ng mga Ingay galing sa labas at hindi na nag alinlangan pa at mabilis na tumakbo patungong gate kong saan naroroon  nanggaling ang ingay.

'Shit, bakit ngayon pa'- naiinis kong sambit at mas binilisan pa ang aking pagtakbo. It's been 1 week and 3 days simula ng pumunta ang mga elites sa death forest kaya naman sigurado akong mahihirapan kami sa mga kalaban.

Nang makarating ako sa gate ay kitang kita ko ang mga nanghihina kong estudyante na pilit paring nakikipag laban sa mga dark user na  nakapasok, hindi bihasa sa kanilang kapangyarihan ang aking mga estudyante kaya naman madali silang nanghihina.

Agad akong umiwas ng maramdaman ko ang isang bagay na papalapit sa akin  hindi na ko nag aksaya pa ng oras at agad na nagsummon ng mga bato at itinapon sa lalaking bumato sa akin ng dark ball ngunit agad din niya itong naiwasan.

'Hahahaha napakahina mo naman para sa isang headmaster'- nanguuyam na sambit niya na ikinainis ko.

Hindi na lamang ako kumibo at gumawa ng espada  na gawa na bato habang siya naman ay gumawa rin ng espadang napapalibutan ng itim na usok.

Hindi ko inaasahan ang biglaang pag atake niya sakin kaya naman nadaplisan ako sa aking pisngi.

'Aba't bakit sa mukha ko pa? Pwede naman sa katawan ah'- naiinis na sambit ko na nginisian niya lamang.mapapatay ko talaga ang lalaking to=_=, paano na lang kong masira ang mukha ko.

Agad kong sinangga ang kanyang espada ng umatake siyang muli, aba't kutang kuta na siya kong hahayaan ko nanaman siya.

Nakikita ko kong hindi pa masyadong galamay ng aking kalaban ang pakikipag laban gamit ang espada kaya naman humanap ako ng tyempo at ng makahanap ako ay agad kong isinaksak ang aking espada sa kanyang puso at hindi kalaunan ay naging abo. Tsk makapag yabang mahina naman pala=_=.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong napakadami parin ng mga kalaban habang ang aking mga eatudyante naman ay nanghihina na.

Agad kong hinanap si Drax isa sa mga guro ng paaralang ito na may kakayahang magsummon ng tao o hayop. Hindi naman ako nabigo sa aking paghahanap at nakita ko siyang nakikipag laban sa isang dark user. Gamit ang aking espada ay sinaksak ko ang dark user na kalaban ni drax habang nakatuon ang attention kay drax.

'HM lance'- sambit ni drax ng makita ako.

'May ipapagawa ako sayo'- seryoso kong sambit.

'Ano po yon?'- drax.

'Gusto ko isummon mo ang mga elites'- sambit ko, alam kong training ngayon ng mga elites ngunit kailangang kailangan namin sila siguro naman ay sapat na ang isang linggo at tatlong araw nilang pananatili sa death forest.

'Ngunit aabutin ng sampong minuto ang pagsummon ko sa kanila HM dahil hindi madyadong gagana ang aking kapangyarihan sa death forest'- sambit ni drax.

'Naiintindihan ko, simulan mo na at ako ang magbabantay sayo'- sambit ko habang nag indian seat na lamang siya at nagsimula ng magconcentrate.

Sophia P.O.V

' shit, cyclops'- sambit ni mark ng palibutan kami ng sampong cyclops na nanlilisik pa ang mata.

Pang Isang linggo at tatlong araw na simula ng pumunta kami dito  sa death forest at hangang ngayon ay tila naglalakbay kami sa kawalan. Sa bawat araw naming pananatili rito ay iba't ibang klase na ng halimaw ang nakaharap namin, sa isang araw ay dalawang o kaya naman ay tatlong beses kami nakakasagupa ng mga halimaw at pasalamat na lang kami at hangang ngayon ay buhay pa kami.

Katulad ng dati ay pinalabas na namin ang aming mga sandata, hindi kami gumagamit ng kapangyarihan para hindi agad maubos ang aming lakas kaya naman mano mano kami kong makipag laban.

Bumunot ng mga malalaking kahoy ang mga cyclops at iwinasiwas sa amin kaya naman agad kaming umiwas ngunit hindi ko napansin ang isa pang kahoy na papunta sa deriksyon ko na naging sanhi ng aking pagkabalibag.

'SOPHIA!'- nag aalala nag aalala nilang sigaw.

'Shit, sophia are you okay?'- nag aalalang tanong ni haru ng makalapit sa akin na sinagot ko na lamang ng tango.

'Sigurado ka?, kong gusto mo kami na lang ang makikipaglaban'- sambit niya.

'Don't worry I'm ok'- paninigurado ko at agad na tumayo kahit na medyo masakit ang aking katawan.

'Sa susunod mag iingat ka'- sambit niya at agad  na bumalik sa makikipag laban.

Pupuntahan ko na sana ang aking mga kalaban ng makita kong unti unting nawawala ang aking katawan, at nang tignan ko ang aking mga kasama ay ganon din ang nangyayari sakanila.

'A-anong nangyayari saatin?'- kinakabahang sambit ni melody na ikinatigil ng mga kasama ko, nabigla sila ng makita ang unti unting pagkawala ng kanilang katawan.

'Sophia'- Pupuntahan na sana ako si haru ng tuluyang mawala ang aming mga katawan at paglipas ng ilang segundo ay namalayan ko na lamang na nadito na kami sa academy.

'Anong nangyayari?'- nag aalalang sambit ni kate ng makita ang mga estudyanting nakahandusay at ang ibang nakikipag laban.

'Dark users'- malamig kong sambit at agad na lumapit sa kay HM.

'Mabuti at nandito na kayo'- pagod na sambit ni HM.

'ano pong  nangyari HM'- tanong ni mark.

'Duh obviously may mga nakapasok sa dark users'- pambabara ni kate  kay mark na ikinailing na lamang HM. Tsk kailan kaya matututong mag seryoso ang mga to =_=.

'Let's go, tulungan natin ang mga estudyante'- seryosong sambit ni haru at agad na naglakad patungo sa mga kalaban.

'Sa wakas magagamit ko na rin ang kapangyarihan ko'- natutuwang sambit alex at mas na una pa samin.

________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon