chapter 80

11.3K 302 16
                                    

Sophia P.O.V

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng nagising sina kaito at haru at kahapon nga ay  inilabas na sila, naging maayos naman ang nga nagdaang araw.

Bumalik na sa dati ang academy simula ng dumating dito ang mga magulang ni kaito. Sa pagkaka alam ko ay pansamantala lang ang pamamahala ng mga magulang ni kaito dahil nga sa kapwa prinsepe at prinsesa sila at kailangan din sila sa kanilang kaharian.

'Ang boring naman, kahapon pa tayo nakatambay dito sa dorm'- nakasimangot na sambit ni mark.

'Oo nga'- sang ayong naman ni alex.

Hindi ko rin naman sila masisisi dahil talaga namang boring dito sa dorm. Kahapon kasi ay maghapon lang kami sa dorm dahil nga sa lumabas na sina kaito at haru, gustohin man naming umalis ay hindi kami maka alis dahil kailangan naming bantayan ang dalawa. Bilin ng head healer na magpahinga na muna sila sa dorm ng hindi mabigla ang kanilang katawan at alam namin kong gaano katigas ang kanilang ulo kaya naman talagang binantayan namin sila. Noong una ay ayaw pa nila pero wala na rin naman silang nagawa ng pagtulongan sila ng iba pang lalaki.

'ano kaya kong mamasyal na lang tayo sa labas?'- pagsasuggest ni tracy na nakikinig pala kina mark, samantalang kanina ay abalang abala siya sa pag aayos ng kanyang buhok.

'Nakakasawa nang mamasyal sa academy'- sambit naman ni ni vince na sinang ayonan ng iba.

'edi sa labas'- sambit ni tracy.

'Salamat na lang pero ayaw kong mapagalitan nila tito at tita, nakakatakot kaya sila kong magalit'- umiiling na sambit ni troy. Napasimangot na lamang si tracy sa tinuran ni troy at ipinagpatuloy ang pag aayos ng kanyang buhok.

*tok*tok*tok*

'Pare may kumakatok'- sambit ni vince kay troy.

'Mark pakibuksan nga ng pinto'- sambit naman ni troy na abala sa pag lalaro ng bola sa kanyang kamay.

'Alex buksan mo daw'- sambit naman ni mark na nakahilata sa sahig.

'Pero---'- alex

'Wala nang pero pero'- sambit ng tatlo na ikinakamot na lang ni alex sa kanyang batok saka umalis at nagtungo sa pinto.Napa iling na lang ako sa katamaran ng tatlo.

'Anong kailangan mo?'- rinig naming tanong ni alex sa taong nasa pinto.

'Pinapatawag po kayo nina prinsesa Yvonne at prinsepe Karl, pumunta daw po kayo sa kanilang opisina ngayon din'- nagalang na sambit ng lalaking kausap ni alex.

'Sige, susunod na lang kami'- sambit ni alex .

'Sige po at mauuna na ko'- sambit ng kausap ni alex na sa tingin ko ay sinagot niya na lamang ng tango dahil hindi na siya nagsalita at isinara na ang pinto.

'pinapa-----'- alex

'Alam namin'- sabay sabay na sambit nila.

'*pout* pwede bang pataposin nyo muna ako kapag nagsasalita ako'- parang batang naiinis na sambit ni alex at padabog na umupo.

'Let's go'- malamig kong sambit saka tumayo, mukha kasing wala pang balak umalis ang mga kasama ko.

'Saan?'- tanong ni melody.

'Office'- malamig kong sambit at nauna nang mag lalakad palabas, bahala sila kong susunod sila o hindi.

Hindi na rin naman nag aksaya pa nang panahon ang mga kasama ko at sumunod na sakin.

'Ano kayang kailangan satin nila tito at tita?'- sambit ni mica na tila nag iisip nang malalim.

'Aba malay namin, magkakasana lang naman tayo'- pambabara sa kanya ni vince.

'Wag ka na nga lang magsalita kong wala ka rin namang sasabihing maganda'- naiinis na sambit ni mica habang si vince naman ay itinaas na lang ang dalawang kamay na tila sumusuko.

'Ikaw kaito alam mo ba?'- tanong ni ethan kay kaito na sinagot naman nito ng iling.

'tara na at nang masagot na ang mga tanong natin'- sambit ni troy ng makatapat kami sa pinto ng office nila tito at tita saka nauna nang kumatok at pumasok. Dahil sa pag iisip ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa opisina nila tito.

Sabay sabay kaming pumasok sa opisina nila tito at tita at sa gitna nga ay kita ko ang seryosong mukha ng dalawa habang nakatitig sa isang papel na sa tingin ko ay isang sulat

'Ipinapatawa niyo daw po kami'- magalang na sambit ni fiona.

'Maupo kayo mga bata'- seryosong sambit ni tito.

'May problema po ba?'- tanong ni ethan ng maka upo kami habang ang iba naman ay tahimik lang na nakikinig.

'May nagpadala ng isang sulat'- seryosong sambit ni tito.

'ano pong sabi?'- seryosong sambit ni haru.

' nakalagay dito na kailangan daw magtipon tipon ang lahat ng hari at reyna kasama kayong dark elites sa invictus kingdom'- paliwanag ni tita.

'sa tingin niyo po ay hindi  ba yan bitag? Baka po may masamang plano satin ang nagpadala ng sulat na yan'- nag aalalang sambut ni melody.

'Nakalagay dito na galitong ito sa prinsesa ng invictus kingdom'- sambit ni tito na ikinagulat ng mga kasama ko. Sino ba namang hindi kong malalaman mo na lang na  nag padala ng sulat ang taong akala mo ay patay na.

'P-pero, matagal na pong patay ang prinsesa.'- hindi makapaniwalang sambit ni kate.

'Yon din ang akala namin. Ngunit ang sulat na to ang nagpapatunay na buhay pa siya'- masayang sambit ni tito.

'Paano po kayo nakakasigurong da prinsesa nga talaga nanggaling ang sulat na yan?'- tanong ni mark

'Dahil yon sa logo sa ilalim ng sulat, tanging ang prisesa lang ang may kakayahang gumamit ng logo na yon ng hindi nanghihina'- paliwanag ni tito saka pinakita sa amin ang logo sa ilalim.

Ang logong sinasabi niya ay ang logo na tanging ako lang ang may kakayahang gumamit dahil sa may kakayahan itong higupin ang kapangyarihan ng gumagamit.

'Kong ganon ay talagang buhay ang prinsesa?'- hindi nakapaniwalanv sambit ni dylan na kanina pa nananahimik. Bakas ang saya sa mukha ng mga kasamo ko.

'bukas tayo pupunta sa invictus kingdom kaya kailangan niyong maagang gumising , nasabihan na rin namin ang iba pang hari at reyna at sa kaharian na lang daw tayo magkita kita.

'Wahhh excited na kong makilala ang prinsesa'- mahinag sambit ni kate sa aking tabi.

'Sige po at mauuna na kami nang makapag handa kami para bukas'- magalang na sambit ni ethan na sinagot naman ng isang ngiti at tangi ni tita.

_________________________
Antok na antok na po ako kaya hindi ko na naayos ang chap na to, siguro ay bukas ko na lang to aayusin.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon