chapter 64

12.3K 336 8
                                    

Kaito P.O.V

'What the'- tanging naisambit ko pagkalabas ng portal ng may sumalubong sa aking isang malaking bato na buti na lang at nailagan ko.

'Ikaw ba ang sasanayin ko?'- maangas na sambit ng lalaking na nasa harap ko.

'Obviously-_-'- bored ko namang sagot. Seryoso ba talaga si master na ito ang magsasanay sa akin? Mukha atang tambay lang to sa tabi tabi=_=.

Inilibot ko ang aking paningin at saka ko lang napagtantong nasa bunganga kami ng bulkan na mukhang puputok any time.

'ako nga pala si ash ang magsasanay sayo ng isang lingo at kong iniisip mo kong bakit sa dinami dami ng pagsasanayan ay dito pa sa bulka. Aba malay ko dahil mismong ang kapangyarihan niyo o kaya ay si rej ang pumipili kong saan kayo mapupunta'- mahaba niyang salaysay. Na hindi ko naman tinatanong =_=.

'Tss'- ako

'Ang sungit sungit mo talaga, dapat kasi babae na lang ang napunta sa akin para hindi boring'- sambit niya kaya walang pasabi ko siyang binato ng isang lava blade na agad niya namang naiwasan.

'Abat bawal yon. Basta basta ka na lang nangbabato'- pag aangal niya, samantalang kanina lang eh binato niya agad sa akin ang isang malaking bato pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng portal =_=.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagsimula nang maglakad lakad. Kahit na nadito kami sa bukana ng bulkan ay hindi ko ramdam ang init ng mga lava sa paligid dahil sa kapangyarihan ko kaya walang problema sa akin kong dito kami mag sasanay.

'Hindi pa ba tayo magsisimula?'- tanong ko ng makita siyang prenteng naka upo sa gilid.

'Mamaya na tinatamad pa ko'- sambit niya naman. Baka naman wala kaming magawa nito sa loob ng isang linggo o kaya naman ay hindi pa tapos ang isang linggo ay mapatay ko na to=_=.

Dahil sa wala rin naman akong mapapala sa kanya kaya naghanap na lang ako ng magandang pwesto kong saan makakatulog ako. Pakiramdam ko ay naglakad ako ng malayo dahil siguro sa portal.

Alex P.O.V

'Hello po, anong pangalan nyo?^_^'- masaya kong tanong sa taong nasa harap ko.

'Ako si alea ang magsasanay sayo'- kalmado niyang pagpapakilala.

'Hello ate alea ako naman si alex^_^'- sambit ko na sinagot niya lang ng tanggo.

'Maghanda ka na at sisimulan na natin ang iyong pagsasanay.'- sambit niya na nagpalaki ng mata ko.

'Pwede bang magpahinga na muna tayo ng 30 mins? ^___^'- sambit ko na ikinakunot ng noo niya.

'Hindi pa tayo nagsisimula ng iyong pagsasanay kaya bakit gusto mo na agad magpahinga?'- naka kunot noo niyang tanong.

'*pout* eh sa nagugutom ako'- nakanguso kong sambit malay natin baka maawa hehehe.

'Tsk 15 mins'- kalmado niyang sambit.

'Eh 30 mins dapat'- pag aangal ko naman. Buti nga at 30 min lang hiningi ko at hindi isang oras eh *pout*

'10 mins, isa pang angal at bababa ng bababa ang oras na ibibigay ko sayo'- sambit niya na nakapagpatahimik sa akin.

Dali dali ko na lang na binuksan ang bag ko na naglalaman ng napakaraming chocolate saka mabilis na nilantakan. Dahil sa bad siya kaya hindi ko siya bibigyan ng pagkain ko.

Mica P.O.V

'Wahhhh time out muna...wahhhhhh'- sigaw ko habang nagtatatakbo palayo sa mga halimaw na humahabol sa akin.

Mag iisang oras na simula ng pumasok ako sa portal at mag iisang oras na rin akong hinahabol ng ibat ibang halimaw na alaga ni Sharia, ang tagapag sanay ko.

'Hindi sila titigil hangat hindi mo sila kinakalaban'- mataray na sambit ni Sharia.

'Sandali nga lang, wahhhhh'- sigaw ko nanaman ng habulin ako ng iba pang halimaw.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng palibutan ako ng apat na halimaw. Akmang kakagatin ako ng isang halimaw kaya wala na kong nagawa kundi ang pumikit na lamang ng mata.ngunit makalipas ang ilang sandali ay wala parin akong nararamdamang sakit kaya napagpasyahan kong imulat ang aking mga mata at nang maimulat ko na ang aking mga mata ay nakita ko ang mga halimaw na nasa tabi ni sharia.

'Magpahinga ka na muna at baka hindi pa nag sisimula ang training ay patay ka na'- mataray niyang sambit at isa isang pinakain ang mga alaga niya.

'H-hindi pa yon training?'- nanlalaki ang mata kong sambit.

'Warm up pa lang yon'- sagot niya naman na mas nagpalaki ng mata ko.

Dylan P.O.V

'Hello, hanai at your service^_^'- nakangiting bungad sa akin ng isang babae pagkalabas ko ng portal habang nakasaludo.

'Ok?'- naguguluhan ko namang sagot.

'Tara kain muna tayo^___^' sambit niya saka lumapit sa isang bato na maraming nakalatag na pagkain.

Hindi na lamang ako kumibo habang pinagmamasdan siyang nilalantakan ang mga pagkain sa harap niya na parang ilang decadang hindi nakakain.

Nandito ba talaga ako para mag training o mag alaga ng bata?-_-.

Master rej P.O.V

Nang makapasok sila sa bawat portal ay agad na kong bumalik sa aking bahay. Hindi ibig sabihin na hindi ako sumama sa kanila ay wala na kong gagawin.

Sa isang linggong pag sasanay nila ay gagawa naman ako ng mga potion na maari nilang magamit. Gustohin ko mang sumama sa kanilang paglalakbay ay hindi na maaari dahil marami pa kong dapat gawin at asikasohin at isa pa matanda na rin ako at baka makasagabal pa ko sa kanilang paglalakbay.

Habang nasa bahay ay hindi ko maiwasang isipin ang batang nag ngangalang sophia.

Kong titignan sa panlabas na kaanyuan ay mapagkakamalan mo itong mahina dahil sa napaka amo at inosente nitong mukha kaya hindi ko maiwasang mamangha ng magawa niyang makawala sa aking ilusyon kaya mas pinili kong ipadala siya sa dead land imbis na isa sa mga prinsipe o prinsesa. Alam kong hindi lang yon ang kanyang buong lakas at gusto ko itong mas mahasa at si val lang ang nakikita kong maaring makagawa non.

Sana nga lang ay sapat na ang isang linggong pagsasanay para matalo nila ang mga dark user.

____________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon