chapter 40

17.1K 471 4
                                    

Sophia P.O.V

'Hindi sa amin siya sasama'- pagmamatigas ni melody

'Saamin'- naiinis na sambit naman ni mica.

Sabado ngayon at pahinga namin kaya naman balak ko sanang magkulong na lang sa kwarto at magpahinga, ngunit malabo ma atang mangyari yon lalo na ngayong nandito ang buong dark class at elites sa harap ko =_=.

'Sabi na kasing saamin siya sasama'- sambit ni melody.

'para walang away, magsama sama  na lang tayo'- nakabusangot na sambit ni fiona, halata sa mukha niya ang pagka irita kina mica at melody.

'Oo nga tama, tama sama sama na lang tayong mamasyal para masaya^_^'- sang ayon naman ni alex at pumapalakpak pa na parang bata.

Napagpasyagan naming pumunta sa pamilihan na malapit lang naman sa fortis magicum academy. mabuti na lang at pumayag si HM dave, bawal kasing lumabas ng academy ang mga estudyante kaya naman nagtataka ako kong paano nila napapayag si HM.

'Tara doon tayo'- excited na sambit ni tracy habang nakaturo sa tindahan ng mga damit.

'Ayaw doon na lang tayo'- pagkokontra naman ni mica at tinuro ang isa pang tindahan ng mga damit.

'Sa mga sandals muna tayo'- sambit naman ni melody

'Gusto ko ng bag'- kate

  'Foods'- sambit naman ni alex

' shut the f+ck up'- seryosong sambit ni ethan na ikinatahimik nila.

'Pumunta kayo kong saan nyo gustong pumunta, magkita kita na lang tayo dito mamayo para kumain'- dugtong ni ethan ng manahimik na ang mga kasama ko. Agad naman kaming sumang ayon sa kanyang naisip, mas maganda nga yon para walang away.

After naming mapag usapan ang oras ng pagkikita ay nagkanya kanya na kami.

Wala akong maisip na gawin kaya naman napagpasyahan ko na lang na maglakad lakad, habang naglalakad ay napukaw ang aking pansin ng isang hindi kalayuang tindahan na nagtitinda ng mga pets. Mahilig ako sa nga hayop kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sarili na pumunta para tignan ang iba't ibang klase ng hayop. May nakita akong ibon, aso, pusa, isda, rabbit at kong ano ano pa.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay agad ng napatingin sa akin ang matandang nagtitinda. Walang tao sa loob naliban na lang sa matanda kaya naman rinig na rinig ang linikhang tunog ng lumang pinto ng buksan ko.

'magandang umaga binibini^_^'- nakangiting sambit ng matanda ng salubongin ako.

'Morning=_='- maikli kong sambit at inilibot ang aking paningin.

'Ako nga pala si Aloe, tawagin mo na lang akong lolo aloe'- sambit ng matanda na sinagot ko na lamang ng tango.

'pumili ka lang diyan ng gusto mo binibini, doon lang ako sa aking mesa'  sambit niya at itinuro ang isang katamtamang mesa.

Isa isa kong tinignan ang mga pets na nasa loob ngunit wala akong magustuhan ni isa. Magaganda naman sila, kaya lang hindi ko talaga malaman kong bakit tila may hinahanap ang aking mata.napako ang paningin ko ng madako ito sa pinakasulok kong saan tahimik na nakahiga ang isang maliit na tigre. Kong iniisap niyo ang natural na tigre ay nag kakamali kayo. Kulay itim ito na may halong dark violet ang balahibo habang gold naman ang kanyang mata.

Tila wala sa sariling lumapit ako sa tigre na ngayon ay nakatitig na rin sa akin ang mga mata niyang kulay ginto na tila nang aakit.

Bago pa man ako nakalapit ay naramdaman kong may pumigil sa aking braso.

'Mapanganib ang tigreng yan ija, huwag kang basta basta lalapit'- sambit ng matanda na nasa likod ko na pala .

Ibis na lumayo sa tigre ay mas binilisan ko pa ang paglapit dito, dahan dahan kong ipinasok sa kanyang kulungan ang aking kamay, pinapakiramdaman ko kong magagalit ba siya. Ngunit ng makita kong nakatitig lamang siya sa akin ay mas inilapit ko ang aking kamay hangang sa mahawakan ko ang nalambot niyang balahibo. Napangiti ako ng nakita kong mas isiniksik pa nito ang kanyang ulo sa aking kamay.

Binalingan ko naman ang matanda at kong hindi lang ako marunong magtago ng emosyon ay baka naglulupasay na ko kakatawa. Paano ba naman kasi eh naka nganga siya habang nanglalaki ang mata, kaunti na lang at sasayad na sa lupa ang kanyang panga.

'I want to buy him'- sambit ko  na tinutukoy ang tigreng hawak ko nakita ko naman ang galak sa mata ng tigre at masiglang tumayo sa kanyang kulungan.

'Akala ko ay hindi na mabibili ang tigreng yan, nasyado kasi itong mailap sa mga users^_^'- nakangiting sambit ni lolo Aloe.

Agad kong binayarang ang tigreng nakita ko at nang makuha ko ang susi ay walang pag aalinlangan ko itong binuksan, wala akong balak na ilagay siya sa kulungan kaya naman hindi na ko nito bibili.

' i'll call you Sep'- walang emosyon kong sambit ng lumapit ito sa akin. Hindi masyadong malaki si sep, para lang naman siyang tuta sa laki nito pero makikita mo ang tapang sa mukha nito.

Agad naman akong umalis sa tindahang yon para bumalik sa lugar na napagkasunduan namin habang si Sep naman ay tahimik na na naglalak sa aking gilid.

Pagkarating ko dun ay wala pa ang mga kasama ko kaya naupo na muna ako sa isang kahoy at kinandong si sep.tahimik na natutulog si sep sa aking mga hita habang ako naman ay mahina itong hinahaplos, alam kong may iba sa tigreng binili ko ramdam ko ang malakas na pwersang nanggagaling sa kanya.

___________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon