chapter 16

20.2K 561 6
                                    

Sophia P.O.V
'tara na guys, excited na ko'- nagmamadaling sambit ni mica habang naglalakad patungong pamilihan. Napagpasyahan kasi naming mamasyal muna bago umuwi ng academy.

Pang apat na araw na namin ngayon kaya naman kailangan na naming makabalik, may ibinigay sa aming seed of portal si headmaster kaya naman hindi na kami mahihirapan pang bumalik at kong nagtataka kayo kong bakit hindi  kami gumamit ng portal papunta dito ay dahil may barrier ang lugar na to na pumipigil sa portal .

Pagkarating namin sa pamilihan ay napunta agad sa amin ang attention ng mga tao, lalo na ang mga kababaehan na parang kitikiti na nakatingin sa mga kasama kong lalaki.

Nagsimula nang mamili ang mga kasama ko ng mga pwede nilang mabili habang ako naman ay naglalakad lamang habang tumitingin tingin sa paligid.

Hapon na nang mapagpasyahan naming bumalik sa bahay nina iñigo. Doon na lang kasi namin naisip na gumawa ng portal patungong academy.

-----

'Maraming salamat po master rex sa pagpapatuloy sa amin'- magalang na sambit ni fiona

'Isang karangalan para sa akin ang makatulong sa academia^_^'- nakangiting sambit ni master rex

'Sige po at aalis na po kami. Maraming salamat nga rin pala iñigo'- vince

'Walang anuman vince.magiigat kayo'- sambit naman ni iñigo bago kami pumasok sa portal.

Magkalabas na pagkalabas pa lang namin ay isang nakangiting mukha agad ni headmaster ang bumungad sa amin.

'Maligayang pagbabalik ^__^'- nakangiting pagbati ni headmaster .

'Salamat po HM'-tracy

'Ito na po pala ang Fi flowers na inyong pinapakuha HM'- sambit ni fiona sabay bigay ng bag na naglalaman ng mga bulaklak.

'Maraming salamat, alam kong pagod kayo kaya maaari na kayong magpahinga sa inyong dorm'- HM

'Hay mabuti naman, kanina pa gustong bumagsak ng mga mata ko'- inaantok sa sambit ni mica

Sabay sabay na kaming nagtungo sa aming dorm para na rin makapagpahinga, talagang napagod ako sa aming pamamasyal kaya gusto ko munang bawiin ang aking lakas.

_____________________

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok sa aming unang klase. Hindi ko alam kong bakit kanina pa ko hindi ma pakali dito sa aking upuan kaya naman nagpaalam na muna ako sakanila na lalabas.

Habang naglalakad ay bigla na lang tumunog ang alarm na hudyat na may nakapasok sa academy. Agad akong tumakbo sa lugar kong saan nararamdaman ko ang itim na inirheya at dinala naman ako nito sa likod ng academy kong saan matatagpuan ang isang forest. Nabigla ako ng makita ko ang halos sampong naglalakihang halimaw na nagbubuga ng asido sa aking harapan. Paanong nakapasok ang halimaw dito? Sa pagkakaalam ko ay hindi basta basta nakakapasok ng academy ang mga dark user at dark creature. Posible kayang...?

Dahil sa labis na pag iisip ay hindi ko na namalayan ang pag ataki ng isang dark creature gamit ang kanyang matatalas na kuko. Napakagad labi ako ng maramdaman ang hapdi ng aking sugat sa aking braso ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at nag summon ng isang espada.

Bago pa ko sunugod ay nakita ko na ang aking mga kasama habang tumatakbo patungo sa akin.

'O my god, ok ka lang sophia?'- nag aalalang tanong ni fiona ng makita ang braso kong puno ng dugo.

'Yeah'- walang emosyon kong sagot

'Kami na lang ang makikipag laban, dito ka lang'- sambit ni troy na sinagot ko naman ng tango

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon