chapter 78

10.9K 272 20
                                    

Sophia P.O.V

Kagigising ko pa lang ay agad na kong nagtungo kila kaito at haru dahil sa napag alaman kong gising na sila. Tila nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan sa balitang aking nalaman, ngayong gising na sila ay maaari na kong kumilos.

*tok*tok*tok*

Hindi pa man sila nakakasagot ay agad ko nang binuksan ang pinto, hindi man halata ay sabik na kong makita sila.

Pagkapasok ko ay tanging si mark at kate lang ang nagbabantay siguro ay nagpapahinga na muna ang iba.

'Kamusta na kayo?'- tanong ko ng makalapit sa kanila.

'Ayos lang, ikaw?'- sabay na sambit ng dalawa saka sila nag samaan ng tingin, nabagok ba ang ulo nila at mukhang wala pa sila sa katinuan?=_=

'Wag ka nang magtaka sa kinikilos nila sophia, ganyan na sila simula pa ng magising sila'- natatawang sambit ni mark na sinagot ko na lamang nang tango.

'Gutom na ko *pout*'- pagpapa awa ni haru habang hinihimas ang tiyan .

'Me too, pwede mo ba akong ipag balat ng prutas?'- sambit naman ni kaito. Sinagot ko na lamang sila ng tango, siguro nga ay nagugutom lang sila.

'ako ang nauna kaya dapat ako ang una niyang ipagbabalat ng prutas'- sambit ni haru.

'Pero ako ang nagsabing ipagbalat ng prutas'- sangot naman ni kaito.

' tumigil na nga kayo, parehas ko na lang kayong ipagbabalat'- inis kong sambit kong makapag away daig oa ang bata, para naman silang batang pinagalitan ng magulang habang nakayoko habang ang dalawa(mark,kate) ay mahinak tumatawa sa isang gilid, mukha bang nakakatawa ang pinaggagawa ng dalawang to? =_=.

Kumuha na ko ng dalawang  mansanas at agad na binalatan, tahimik namang nagmamasid sa akin ang dalawa. Buti na lang at hindi na sila nag iingay dahil sa totoo lang ang sakit sa tenga-_-.

'Heto'- sambit ko saka ko inabot sakanilang dalawa ang mansanas magkalapit lang naman ang kama nilang dalawa kaya hindi ako nahihirapang kausapin sila.

'Ahhh'- nakangangang sambit ni kaito habang ako ang nakatingin lang sa kanya na tila nagtatanong.

'Subuan mo ko'- sambit ni kaito.

'Ako rin'- sabat din ni haru habang nakanganga, dahil sa inis ko kaya magkasabay kong isinubo ang buong mansanas sa kanila at nagtungo sa upuan katabi nila kate. Bahala na sila sa buhay nila, mukhang malakas na rin naman sila .

'Hahahahahahhahaha'- tawa ng dalawa(kate, mark) na halos maglupasay na sa sahig habang sina kaito at haru naman ay masama ang tingin kina kate at mark.

'May nakakatawa ba?'- malamig na tanong ni kaito.

'Pinagtatawanan niyo ba kami?'- sambit naman ni haru.

'Haha p-para  haha k-kayong mga bata'- sambit ni mark at dahil siguro sa inis kaya sabay na ibinato ng dalawa ang hawak nilang mansanas kay mark na agad nitong naiwasan.

'Yuck mga laway niyo'- sambit ni mark habang tila nandidiri.

Hindi ko na lamang sila pinansin at itinuon ang aking attention sa pagbabasa ng librong nasa mesa, hindi ko alam kong kanino to pero sa tingin ko ay sinadyang iniwan to dahil kong sakaling maboring ang nagbabantay ay may babasahin.

Mga isang oras na ang lumipas ng mapag pasyahan kong matulog na muna, tulog na rin kasi ang mga kasama ko at wala namang problema dito kong saan pweding matulog dahil may mga mini bed naman sa gilid.

Someone P.O.V

'Anong balita'- malamig na tanong ng aming pinuno.

'Naipon ko na po ang lahat ng ating kampon at sinasanay'- magalang kong sambit sa aming pinuno, bawat sabihin ko ay aking pinag aaralan dahil kahit isang pagkakamali lang ang buhay ko ang kapalit, kong asawa nga niya ay nagawa niyang patayin kami pa kayang isang hamak na alipin lamang.

'Magaling, sanayin mo lang sila ng sanayin dahil hindi magtatagal ay lulusob na tayo sa iba pang kaharian ng sa ganon ay ako na ang mamuno sa buong magic world hahahaa'- sambit ng aming pinuno.

'Masusunod po.....lord Malum'- magalang kong sambit. Saka umalis ng palasyo

(Malum is a latin word means evil)
(Pinagsama ko na lang po ung lairux at malum para hindi kayo malito, sadyang makakalimutin po kasi ako kaya nakalimutan kong may nilagay na pangalan na pala ako sa pinuno ng mga dark user  ^_^)

Lord Lairux Malum P.O.V

Pagka alis ng aking alipin ay saka naman ako nagtungo sa aking mga bihag.

'Kamusta na kayo aking mga kaibigan'- nakangisi kong pagbati sa taong nasa harap ko na sinagot lang nila ng masamang tingin.

'Ganyan ba kayo bumati sa bisita niyo?'- nakangisi ko paring sambit.

'Anong kailangan mo samin?'- malamig na sambit ni wyatt. Oo wyatt lang ang tawag ko sakanya dahil hindi magtatagal ay ako na rin kikilalaning hari ng buong magic world.

'Wala naman akong kailangan gusto ko lang kayong makita bago ko tuluyang sakupin ang buong magic world'- sambit ko na ikinagalit niya pero wala siyang magawa dahil masyado siyang mahina para saktan ako.

'Hinding hindi ka mananalo malum tandaan mo yan'- galit na sambit ni wyatt habang ang asawa naman niya ay tahimik  sa kanyang tabi na masama ring nakatingin sa akin.

'Hahaha at sino naman ang tatalo sakin? Ang anak niyong matagal nang patay?'- sambit ko.

'Hayop ka, wala kang karapatang bangitin pa ang anak ko'- galit na sambit ng asawa ni wyatt, nakakatawa ang kanilang kalagayan. Yan ang nagagawa ng pagmamahal, ng dahil sa pagmamahal na yan kaya sila humihina.

Hindi maalis alis sa mukha ko ang ngiti ng umalis ako ng selda, maghintay lang kayo at hindi magtatagal ay luluhod din kayo sa harap ko, sa ngayon ay pagbibigyan ko na muna kayong magsaya.

Sophia P.O.V

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa aking paligid.

'Sabi na sayo wag kang maingay, gising na tuloy si sophia'- bulong ni melody kay alex na naririnig naman namin.

'Anong ako ikaw kaya ang maingay'- bulong naman ni alex at katulad ni melody ay rinig din namin ang bulong niya o kong talagang bulong yon.

'Tumigil na nga kayo diyan, kanina pa kayo'- pagsasaway sa kanila ni mica.

Nandito ngayon ang mga kaibigan ko at sila kaito at haru naman ay tulog parin hangang ngayon, buti na lang at ako lang ang nagising sa kanilang kaingayan.

May kanya kanyang ginagawa ang mga kaibigan ko, si ethan ay nagbabasa habang sina alex at melody naman ay naghaharutan na sinasaway naman ni mica. Tahimik namang nakikinig sa music si fiona at si tracy at troy ay kapwa kumakain. Si mark at kate naman ay tulog pa hanggang ngayon habang si vince at dylan naman ay naglalaro.

'San ka pupunta?'- tanong ni mica ng makita akong tumayo na nakakuha ng attetion ng iba naming kaibigan.

'Maglilinis ng basura'- sambit ko saka lumabas ng hindi hinihintay ang sasabihin nila.

.
________________________________________

Hahaha nakakatuwa po mga comment niyo kaya ginaganahan akong mag ud.

TY po sa pagbabasa ng story ko ^_^

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon