chapter 87

10.2K 256 0
                                    

Haru P.O.V

Hindi pa man tuluyang nauubos ang nga halimaw nang sumunod namang sumugod ang mga dark user.

Inatake ako nang isang dark user na may kapangyarihang thorn maniputor, sa unang tingin pa lang ay mapapansin mo na agad na napapalibutan ito nang lason dahil sa kulay nitong lila.

'Maligaya akong makita kang muli mahal na prinsepe*evil smirk*'- sambit nang lalaking nasa harap ko na hindi ko naman sinagot at tinignan na lamang siya nang matalim.

'Bakit hindi kasi pumanig ka na lang sa amin? Siguradong mas magiging makapangyarihan ka oras na manalo tayo'- sambit niya.

'Hinding hindi ako papanig sa inyo, mas mabuti nang mamatay kesa ang maging kasing sama niyo'- malamig kong sambit.

'Kong ganon ay wala na kong magagawa kundi ang patayin ka'- sambit niya saka nag paulan sa akin nang napakaraming tinik. Iwas naman ako nang iwas sa mga tinik na patungo sa akin ngunit hindi parin naiiwasang masugatan ako dahil sa dami nito, mabuti na lang at isa akong poison manipulator kaya walang epekto sa akin ang lason nang tinik pero kong isang ordinaryong estudyante ako ay tiyak akong wala pang isang minuto ay nakabulagta na ako.

Nang maubos ang tinik ay agad akong gumawa nang isang poison sword at mabilis siyang sinugod, gumawa naman siya nang isang sword na gawa sa thorn at agad na ginamit panangga sa akin.

Lumipas ang ilang minuto ay patuloy parin kami sa pagpapalitan nang tira, kapwa may mga sugat na rin kami ngunit walang ni isa mang sumusuko.

Third person P.O.V

Abala sa pakikipaglaban ang lahat na light user sa mga nagsisidatingan na dark user.

Si mica na abala sa pakikipaglaban sa isang acid manipulator.

'Wala kang laban sa akin'- sambit nang babaeng acid manipulator at binato si mica nang isang acid ball.

Ingat na ingat si mica na hindi matamaan nang mga acid ball dahil oras na matamaan siya ay tiyak na mabubutas ang kanyang kayawan.

Muli namang binato si mica nang mga acid ball at sa pagkakataong ito ay kinontrol niya ang mga acid ball, water manipulator si mica habang liquid naman ang acid kaya naman nagagawa niya iyong kontrolin. itinapon pabalik ni mica sa kanyang kalaban ang acid ball at dahil sa pagkabila ay hindi agad naka iwas ang babae at natamaan siya sa kanyang balikat, hindi man umiepekto sa kanya ang acid na tumama ay nakatamo parin siya nang mga sugat dahil sa malakas na pwersang ginamit ni mica.

Hindi pa man nakakarecover ang babae ay agad nang gumawa si mica nang isang malaking water ball sa pwesto ng babae, sinigurado ni mica na hindi na makakalabas ang babae hangang sa unti unti itong malunod. Nang hindi na humihinga ang babae ay siya namang pagkawala nang water ball ngunit tutulong na sana siya sa iba nang hindi niya mapansin ang isang malaking kahoy na patama sa kanya na siyang ikinabalibag niya.

Vince P .O.V

Kita ko ang pagkabalinag ni mica kaya naman gamit ang aking kapangyarihan ay gumawa ako nang dalawang makapal na pader at unti unting inipit ang lalaking may gawa non.

Super strength ang kapangyarihan nang lalaking nag tapon nang malaking kahoy kay mica kaya naman hindi ko siya basta basta maipit sa ginawa Kong earth wall dahil pilit niya itong pinipigilan at dahil sadyang malakas ako kaya naman hindi parin ako nagpatalo at mas dinagdagan ang aking lakas hangang sa tuluyan na siyang maipit, himala na lang kong mabubuhay pa siya sa lagay na yon.

Val P.O.V

Bawat lumapit sa aking dark user ay agad ko ring pinapatay gamit ang aking sandata, malalakas ang mga light user ngunit habang tumatagal ay mas dumadami ang mga dark user.kaya naman kahit na anong lakas namin ay alam kong manghihina at mapapagod rin kami kong patuloy parin sa pagdami ang mga dark user.

Bawat makita kong light user na nanghihina na ay agad kong tinutulungan at dinadala sa pinakamalapit na healer, hindi pa man nagtatagal ang laban ay kita ko na ang pagod sa mata nang mga estudyante. Hinahanap rin nang mga mata ko si sophia pero hindi ko siya makita.

Dahil siguro sa sobrang pag iisip kaya hindi ko na napansin ang isang dark user sa aking likod at naramdaman ko na lang ang pagtumba nito.

Nakita kong may tama ng arrow sa puso ang dark user at nang sundan ko ang pinanggalingan nito ay doon ko nakita ang hinahanap ko.

'Focus'- narinig kong boses sa aking isip. Napatango na lamang ako kay sophia at muling itinuon ang aking pansin sa mga kalaban.

Mark P.O.V

Kong tinatamaan nga naman ako nang swerte, super speed ang kapangyarihan nang lalaking kaharap ko ngayon kaya naman hindi maalis alis ang aking ngisi dahil alam kong walang panlaban ito sa aking kapangyarihan.

Buong laban lang akong nakangisi sa aking kalaban dahil kong nagtatangka man siyang lumapit sa akin gamit ang super speed ay agad ko siyang pinapabagal sa pamamagitan nang pagpapabagal sa oras sa kanyang paligid. Ang galing at ang gwapo ko talaga.

Dahil sa masyado akong abala sa pagpuri sa aking sarili kaya naman hindi ko napansin ang muling paglapit nang lalaki at huli na nang nakita ko at isang malakas na suntok ang tinamo nang gwapo kong mukha.

'Ang lakas din naman nang loob mong sugatan ang mukha ko'- inis kong sambit sa kaharap ko habang isang nakakainis na ngisi lamang ang kanyang isinagot.

Akmang susugod nanaman siya pero sa pagkakataong to ay talagang nasa kanya ang attention ko. Gaya nang kanina ay muli ko nanaman siya pinabagal at malakas na sinipa. Mamaya ko na muna siya tataposin, mas gusto kong pahirapan na muna siya.

Ethan P.O.V

Kaharap namin ngayon ni fiona ang dark user na kambal at nagtatagay nang kapangyarihan na pagmamanipula nang katawan at isip.

'A-arghh'- kita ko ang sakit sa mukha ni fiona nang sugatan niya ang sarili niya gamit ang hawak niyang kutsilyo. mahirap maging kalaban ang dalawa dahil sa kanilang kapangyarin at galamay na din nila ang kanilang kapangyarihan kaya naman nagagawa narin nilang pasunorin kaming mga royalties.

Hindi na ko nag aksaya pa nang oras at gumawa nang mga fire blade at itinapon patungo sa dalawa. Ang kahinaan nang dalawa ay isang royalties lang ang kaya nilang manipulahin kaya kong sino man ang minamanipula nila sa amin ay agad na sumusugod ang isa.

Daplis lang ang naging tama nang lalaki habang ang babae naman ay sa mismong tiyan tumama ang fire blade.

Dahil sa ginawa ko kaya naman nawala ang kontrol nila kay fiona kaya naman muli agad naming pinagsama ang aming kapangyarihan.

Matagal na namin itong sinasanay kaya naman gamay na namin ang pagsasanib nang kapangyarihan.

Gumawa ni fiona nang isang katamtamang laki nang tornado habang ako naman ay nagpalabas nang apoy at mabilis na pinagsama.

Kasing laki nang dalawang palapag na bahay ang laki nang fire tornado na ginawa namin kaya naman maging ang ibang dark user ay nahigop na rin.

Sinigurado namin na walang madadamay na light user at tanging mga dark user lang ang madadaanan nang fire tornado at makalipas lang ang dalawang minuto ay bigla na lang nawala ang tornado.

Hindi madali ang technique na ginawa namin kaya naman hangang dalawang minuto lang ang kayang itagal nang fire tornado namin.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon