Simula

2.8K 57 2
                                    


Ipinatawag ako ni Mr. See.

I've waited for this to happen, long enough that I thought it never will.

Alam kong hindi pa rin niya ako napapatawad sa nagawa kong kasalanan at hindi pa rin niya ako napaparusahan dahil dito. Knowing him for years, sigurado akong hindi niya ako gugustuhing makita ng walang dahilan.

From the top of my drawer, I immediately grabbed all the things that I use to hide my identity. This has always been part of my job in order to separate work from my personal life - na alam kong paulit-ulit akong pumapalya.

Ibabaon ko na sana sa limot ang mga gamit na 'to kaya naman luma at maalikabok na ang mga 'to ngayon.

After wearing a black suit jacket on top of my white shirt, I paired it with a black jeans and wore my black trapper sunglasses as well. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at dahil nakikilala pa rin ako sa ayos ko, sinuot ko na maging ang itim kong sumbrero at half mask. Siguradong hindi na kita ang mukha ko ngayon.

Dahil mukhang maayos na ako, kinuha ko ang susi at wallet ko bago naglakad palabas ng kwarto. Kaya lang ay natigilan ako dahil pakiramdam ko may nakalimutan akong mahalagang bagay.

I went back to my room and picked up my gun from my vault. I guess I'd bring one just to be safe - danger is always lingering in the corners of the mansion kaya napakaimportanteng maging handa.

With the See family, the unexpected always happens.

I stared in dismay at the M1911 pistol in my hands. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang nakaukit na mga letra rito na sa unang tingin ay parang gasgas lamang.

E R O S

Ito ang pangalang ibinigay ni Mr. See sa akin. Ito na rin ang gamit ko sa trabaho para matago ang totoong pagkatao ko. Kung iisipin, malayo ang kahulugan ng pangalang 'to sa trabaho ko. I do not do things with love. I know I can never be the God of Love.

"It's because you can never show your face just like Eros. It's forbidden." I can still remember Mr. See's reply when I asked him about it one time.

Nang makarating ako sa mansyon, hindi ko napigilan ang pagtitig sa ganda nito. It's a modern masterpiece with a Greek Revival style. I heard that Tuscan and modernist elements were used in this house. Kaya kung may isang bagay talaga na hanga ako pagdating kay Mrs. See, iyon ay ang ugali nitong hindi papahuli lalo na pagdating sa technology. Kita ito sa mansyon na tinitirhan ng kanyang pamilya na siya mismo ang pumili ng disenyo maging sa maliliit na detalye. Despite being situated in the city, its state-of-the-art design allows it connect with nature. Napapalibutan kasi ito ng mga puno at sa sobrang lawak ng lupain, aakalin mong nagiisang bahay lang siya sa lugar na ito.

Pinagbuksan agad ako ng pintuan ng mga katulong pagkatok ko. Natuwa ako dahil naaalala pa rin nila ako kahit na matagal akong nawala. Yumuko lang ako sa kanila bilang pagbati bago nagtuloy-tuloy papasok.

Agad nagbalik sa isip ko ang hindi mabilang na alaala.

"Gusto kong iwan ang lahat para lang makasama ka."

Napatingin ako sa paligid dahil parang may narinig akong boses. But I guess I was just hallucinating again. Ako lang naman ang tao kaya imposibleng may marinig akong boses. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Hindi pa man ako nakakalayo ay halos kumawala na ang puso ko mula sa aking dibdib. Alam kong hindi ko ito dapat maramdaman pero hindi ko mapigilan. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay magpanggap na normal lang ang lahat kahit na alam kong mababasa ni Mr. See ang tungkol dito. It's as if he knows me so well that he can read through me.

Tutuloy na sana ako sa pangalawang palapag kung saan matatagpuan ang opisina ni Mr. See nang maramdaman kong may papalapit sa akin mula sa likod. Yabag pa lang ay napansin ko na ito agad dahil hindi ito naging maingat. Rinig na rinig ko rin ang mabilis na paghinga nito kahit na alam kong sinusubukan niyang hinaan.

Kung sino man ito, mukhang hindi rin siya sigurado sa kanyang ginagawang paglapit sa akin. Posible ring may bitbit siya na balak niyang gamitin sa akin kaya maingat ang pagkilos niya.

Hinawakan ko ang baril sa pantalon ko at dahan-dahan itong inilibas. Pinakiramdaman ko munang mabuti kung gaano kalayo ang nasa likod ko at bago pa man ito makalapit pa ay mabilis ko nang hinarap at tinutukan ng baril.

Bumagsak ang hawak nitong walis at halatang namutla dahil sa pagkagulat. Nanlaki ang mga mata niya sa hawak kong baril at napalunok siya kasabay nito. Nanginginig din ang kanyang mga kamay pero agad siyang umayos ng tayo at itinago ito sa kanyang likuran.

"S-Sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay namin?!" She asked with a high-pitched voice.

Sa unang pagkakataon ay muntikan ko nang mabitawan ang baril na hawak ko. This should never happen even when I'm not on duty.

Nanlamig ang buong katawan ko at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ang kaninang mabilis na kabog ng dibdib ko ay biglang tumigil. Hindi rin ako makahinga ng maayos at hirap lumunok.

Nakaramdam na naman ako ng labis na panghihina dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Ever?" bulong ko kahit na hirap na hirap akong bigkasin ang kanyang pangalan.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon