Kabanata 26: Goodbye Ever Rose See

630 24 15
                                    

Tulala ako habang nasa sasakyan kasama si Eros. Papunta kami ngayon sa ba- hindi pala. Hindi ko alam kung saan kami papunta at kung ano na ang susunod kong mga hakbang. Pagkatapos nang nangyari kanina sa party, ayoko nang ilagay pa sa panganib ang buhay ni Eros. Desidido akong umalis din sa poder niya para hindi na siya mapahamak pa. Ayoko sa lahat ang maging pabigat sa kahit na sino lalo na sa mga taong pinahahalagahan ko.

"Kung sinisisi mo ang sarili mo, pwede mo nang itigil ngayon pa lang. Baka bigla mo na lang akong iwan." His last sentence surprised me the most. Para kasing may iba sa pagkakasabi niya nito. Kung wala siyang girlfriend, iisipin kong may gusto na rin siya sa akin.

And I know it's too good to be true.

Nakatingin lang ako sa bintana nang maisipan kong silipin ang sugat sa kanyang leeg. May marka pa rin ito ng nangyari kanina...

Tanda ko kung paano ako umiyak at nagmakaawa. I was so frustrated. So damn frustrated that I even fell on my knees.

Pinadaan ako ni Tita Felicia sa likod upang hindi makita ng kahit na sino kaya kami nakaalis ng party ni Eros. Aabutan pa sana niya ako ng pera pero hindi ko na tinanggap pa. I deserve better... I know. But I am choosing our lives than what I deserve alone.

"Mababaw lang 'to kaya 'wag mo kong bigyan ng ganyang mukha." sarkastikong sabi niya nang magtagpo ang mga mata namin at umirap na lang ako.

"Saan mo ba ako balak dalhin? Wala ka nang makukuha sa akin." walang gana kong sinabi.

"At nakakasigurado kang wala?" sa suot niyang maskara ay hindi ko mabasa ng buo ang nasa isip niya. He looked serious and.... hot.

FOCUS EVER!

Then I heard his laugh. This man is unbelievable indeed. Paanong nakakatawa pa siya ngayon? At ano ang mayroon sa tawa niya at kayang-kaya niyang pahupain ang sakit sa loob ko?

Natahimik kami saglit bago siya nagsalitang muli, "Don't ever look down on yourself. Huli na ang nangyari kanina."

***

"Ayoko! Ayokong iwanan ang natitirang alaala ng mga magulang ko!" I screamed at Tita Felicia. Hindi ko alam kung tototohanin niyang patayin si Eros. Akala niya ay isa lamang ito sa kanyang mga tauhan at hindi ko gustong mapahamak ang kahit na sino lalo na siya!

"Wala nang mangyayari kung pagpipilitan mo ang sarili mo rito. You better start a new life without all the complexity. Leave your name and leave everything here." Napatitig ako sa mga mata ni Eros na nagpapakita pala talaga ng nararamdaman niya.

Walang takot kung hindi awa ang nakikita ko mula sa kanya. Ayokong maawa siya sa akin...

Sa ilang ulit na pakiusap ko kay Tita ay nakita ko ang pagpapalit ng awa papuntang galit sa mukha ni Eros. Lumalim ang tingin nito na para bang tumutunaw sa kaloob-looban ko.

***

Nakatulog ako sa byahe namin. Siguro dahil sa pagod ay hindi ko na namalayang nakatigil na pala ang sasakyan. Nagulat na nga lang ako dahil sa nahuli kong nakatingin sa akin si Eros pero agad din itong nag-iwas ng tingin.

"Tulog mantika." komento niya at napa-tss na lang ako. Kahit kailan ang sungit niya talaga sa akin.

"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya dahil pagtingin ko sa bintana ay hindi ito ang rest house ng pamilya namin. Hindi rin ako pamilyar dito. Siguradong nasa probinsya kami at wala sa Maynila dahil tahimik ang lugar na 'to.

"Bahay namin." Nang sabihin niya ito ay agad naman siyang bumaba ng kotse. Dito na ako nagalangang sumunod. Natatakot kasi akong hindi ko na gustuhing mawala sa poder niya kapag nagtagal pang magkasama kami.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon