Kabanata 28: Mom!

547 20 6
                                    

Medyo masakit ang ulo ko habang unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko. Sa unang bukas ay nakita ko ang malungkot na mukha ni Mommy na nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

Nagsisi ako dahil sa pagpikit at pagbukas ulit ng mga mata ko ay nawala na siya. Narinig ko na lang ang boses ni Eros at Bianca na papalapit sa akin.

Si Mommy ba talaga ang nakita ko o ito lang ang gusto kong makita?

Nandito ako sa ospital. Alam ko dahil sa amoy pa lang dito. "A-anong nangyari?" tanong ko nang makalapit sa akin si Eros at Bianca.

Hinawakan ni Bianca ang kamay ko bago nagsalita. "Bigla ka na lang sumigaw eh. Ano bang nangyari sa loob?" tanong niya sa akin habang namumula na ang mga mata at ilong dahil sa pag-iyak. Napakamaalalahanin naman niya at hindi ko alam pero natutuwa ako dahil sa pinapakita niyang concern sa akin. Sana may kapatid akong kagaya niya.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" Ito naman ang naging bungad sa akin ni Eros kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. Hindi ko alam kung nagagalit ba siya o nagaalala lang.

Ang natatandaan ko, nakita ko na iba na 'yung gumagawa sa buhok ko kaya sumigaw ako... Ikinwento ko ito sa kanila at sinabi naman nilang ako lang daw ang naabutan nila sa loob kung saan ako dinala. Nanaginip lang ba ako? Hindi ko alam...

Ayoko na lang itong pagusapan pa. Mabuti at hindi na nila pinilit pang manatili ako ng ospital. Gusto ko na rin kasi talagang umuwi...

Lumabas kami ng ospital nang wala akong sinasabi. Hindi ko kasi alam kung anong salita ang dapat pang lumabas mula sa akin. I've had enough of this life already. Palagi na lang may gustong manakit sa akin. Nasa kanila na nga ang lahat kaya ano pang kailangan nila? Nakahawak lang sa akin si Bianca para alalayan ako kahit hindi naman ako nagkaroon ng problema sa mga binti. Nakakatuwa lang talaga siya.

"Kunin ko lang 'yung kotse. Intayin niyo ako rito." sabi ni Eros at nang tingnan ko siya'y malalim ang tingin na ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan nito dahil agad din naman niyang pinutol sa pag-alis niya.

"Ayos ka na ba talaga?" tanong sa akin ni Bianca at tumango lang ako bilang pagsagot. "Hay! Grabe 'yung pagaalala ni Kuya, muntikan na niyang suntukin 'yung mga taga parlor kung hindi ko pa napigilan. Ngayon ko lang nakita 'yun na sobrang protective sa ibang babae bukod sa akin eh." Oo nga pala at sobrang protective niyang kapatid, pero hindi naman niya ako kapatid kaya bakit naman?

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Bianca. Ano man ang sagot sa tanong ko ay oo na. Aaminin kong kinikilig ako dahil sinabi niya. Sino ba namang hindi? Parang knight in shining armor ko talaga si Eros.

"Sa susunod talaga hindi na kita iiwanan- " Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinabi ni Bianca dahil sa nakita ko sa may parking lot si Mommy! Kanina nakita ko siya sa loob, posible kayang siya rin ang nakikita ko ngayon?

Hindi ko na siya masyadong makita dahil sa tumalikod na siya at may kung sinong nagpapasakay sa kanya sa loob ng kotse. Kailangan ko si Mommy ngayon, hindi pwedeng iwan niya na naman ako! Nakita kong hindi naman niya ginustong sumakay kaya hindi siya pwedeng makalayo!

Kumalas ako sa pagkakahawak ni Bianca at tumakbo palapit sa papalayong kotse kung saan ko nakitang sumakay si Mommy.

"Ev- PSYCHE!!!!!" I heard Bianca but all I have in mind is my mom.

"Mommy...Mommy... MOM-!" Nakalayo na 'yung kotse at alam kong hindi ko na ito maaabutan pa. Nawalan na ako nang pag-asa kaya bumagal na ako sa pagtakbo. Narinig ko na lang ang sarili ko na humihikbi. Umiiyak na pala ako kanina pa sa paghabol ko sa nanay ko.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon