Kabanata 27: STAY

593 22 5
                                    

I was the one who stopped the kiss and not him. Kung hindi ko pa kinailangang huminga ay hindi ako titigil at nakakapagtaka lang. Akala ko itutulak niya ako pero tumugon siya sa galaw ng labi ko. I am not a kissing freak nor an expert in kissing someone. In fact, he is the only man I've ever kissed.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang nakayuko pa rin. Iniisip ko kung ako ba ang dehado sa nangyari dahil sa lalaki siya at babae ako. Sa ginawa ko ay para ko na ring ipinagtapat na may nararamdaman ako sa kanya hindi man sa salita kung hindi sa gawa.

Nahihiya ako na hindi ko maintindihan. Wala rin siyang sinasabi at tahimik lang sa harapan ko. Tanda ko pa rin kung paano lumalim ang halik namin sa isa't isa na para bang matagal namin inintay ang pagkakataon na 'to. Ano ba ang nasa isip niya? Kinakabahan ako lalo na't baka nagbago na ang tingin niya sa akin.

I was an heiress and now I'm just a nobody. Ano pa ang maaari kong ibigay sa kanya hindi ba? Gaya na lang din ako ng marami... Isa pa, may mahal na siyang iba alam ko. Kung sino ito? I am yet to get my heart really shattered.

"Kuya?" Boses iyon ni Bianca kaya naman nagmadali ako papunta sa pinto upang ituloy ang balak kong pagalis bago pa man nila ako mapigilan ng tuluyan. Kaya nga lang ay hinawakan ako ni Eros sa beywang at inilapit sa kanyang bibig ang tainga ko.

"Stay near. Wag kang lalayo sa tabi ko." I gulped with what he said. Gusto kong malaman kung bakit ito ang gusto niya pero bumitaw na siya sa akin dahil sa paglapit ni Bianca kung nasaan kami.

"Ano ba 'yan hindi man lang kayo magbukas ng ilaw. Para kayong multo." binuksan na niya ang ilaw at nangamba akong makita nila na nangangamatis ang magkabilang pisngi ko. "Baka nagmumultuhan na kayo ah."

Napatingin kami pareho kay Bianca at kasabay 'nun ang pagtawa nito. "Grabe nakakatakot!" At nag-make sound siya na parang multo siya habang papalayo sa amin.

Mas nag-init ang pisngi ko. Sinulyapan ko si Eros at mabilis na nakita ang pulang mukha nito.

***

Nandito kaming tatlo sa mall hindi kalayuan sa tinutuluyan nila para bumili ng mga damit ko. Alam na ni Bianca ang buong pangyayari kaya naman kumportable na akong kasama sila. Masarap kasi na walang itinatago.

Maaga kaming nagpunta rito para hindi pa gaanong marami ang tao. After all, I still look like Ever Rose See. Pinagsuot muna nila ako ng itim na salamin para hindi agad makilala ng iba. Nagmukha tuloy akong genius sa ayos ko.

Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko? Gumagawa pa kaya sila ng paraan para mahanap ako o naniwala na silang patay ako?

"Anong bagong style mo?" tanong ni Bianca na umagaw sa atensyon ko. Kami lang halos ang naguusap dahil sa hindi naman nakikisali sa girl time namin si Eros. Gusto ko sana kaso ano namang sasabihin niya sa amin 'di ba?

Nakita kong abala siya sa pagtingin-tingin sa paligid. Nakasuot siya ng itim na sumbrero pero wala na siyang suot na shades. Mas kita ko tuloy ang mukha niya. Ang astig niya sa simpleng pantalon at white shirt...

Muntikan nang makita ni Bianca na pinagmamasdan ko ang kapatid niya kaya nag-iwas agad ako ng tingin. "Kasi ang kilala ng lahat na Ever, mahilig sa mga sophisticated look pero hindi ganuon ka-girly. Siguro ngayon I'll go for a little boyish look on my wardrobe." Nang sabihin ko ito ay naghanap agad kami sa department store ng section kung saan puro statement shirts ang makikita. Bumili kami nito at pati na rin ng mga ripped jeans.

Nakapila na kami para magbayad nang maisip kong oo nga pala sino magbabayad eh wala akong pera? Nahihiya akong sabihin sa kanila...

Nagulat ako dahil nang ako na ang nasa harap ng counter ay may pumatong na kung ano sa ulo ko. Pagtingala ko ay nakita ko si Eros sa tabi ko at may isinuot pala siyang kulay maroon na sumbrero sa akin. "Pakisama na rin 'to. Isusuot na niya." sabi pa niya sabay turo sa nakasuot sa ulo ko.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon