Kabanata 67: Greek Myth Corp.

404 13 1
                                    

I woke up with a headache.

Pagkatapos ba naman namin uminom ni Edward kagabi ay paanong 'di sasakit ng ganito ang ulo ko. Mabuti na nga lang hindi siya masamang tao at gentleman kung hindi ay baka napahamak na ako. Nakailang lata rin kami bago ako sumuko. Hindi naman niya ako pinabayaan bago iniwan dito sa condo ko.

Masyado na ba akong naging kampante at nagawa kong uminom hanggang madaling araw dito sa condo kasama ang isang lalaki na kakakita ko lang ng personal sa loob ng isang araw? Hindi ako naging maingat lalo na at naging maluwag ako pagdating kay Edward.

I was not thinking straight last night. I was so frustrated... I wanted Tyrell but no one responded!

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Mabuti na lang at may ready made akong mushroom soup at agad ko itong niluto. Kailangan ko munang maging stable bago ako pumasok sa opisina... Nalalasahan ko pa rin sa bibig ko ang pait ng ininom ko kagabi and it sucks.

Kahit na may natitirang sakit ng ulo ay pumasok din naman ako. Ayokong magkaroon sila ng dahilan para pagdudahan ang kakayahan ko.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay nakapagkwento ako sa mga kaibigan ko tungkol kay Edward. Syempre ay nagulat sila, napagalitan ako at nakatanggap din ng kilig mula kay Emily. Naguluhan nga ako sa kanilang mga reaksyon.

"I ship you guys!" sabi pa nga ni Emily dahil sa maganda raw ang love story namin ni Edward kapag nagkataon. Love story na nagsimula sa pagiging inspirasyon at nagtapos sa pag-iibigan.

Pero tila wala nang gaganda pa sa love story namin ni Tyrell na talagang sinubok ng pagkakataon...

Isang linggo na naman akong nagsunog ng kilay sa opisina but the only difference is that, there were several times na kasama ko si Edward. Gusto niya raw kasi akong mas makilala pa para sa kanyang isinusulat. Kung minsan ay nasa opisina lang kami at kung minsan naman ay kumakain sa labas kung saan siya nagpa-reserve. Hindi ko na muling hinayaan pa na magpunta kami sa condo dahil sa alam ko nang hindi iyon tama.

No matter how hard we tried to keep this closeness to ourselves ay talagang sumisingaw ito sa ibang tao. Nagkakaroon na ng usap-usapan tungkol sa aming dalawa sa opisina at pati na rin sa kanyang mundo na pilit naming iniiwasan.

I'm not expert when it comes to love lalo na at si Tyrell lang naman ang lalaking mahal ko. Pero being with Edward, magaan ang loob ko. Just like how I am when I'm with my friends. Hindi ko naman na iyon binukas bilang usapan namin ni Edward dahil ayokong isipin niya na assuming ako or what. All I know is that he's too kind to me and I feel guilty lalo na at ako naman talaga ang fan niya. I really can't accept someone courting me right now... Hindi pa ako handa.

"Siguro ang dami mo nang pinaiyak na lalaki?" tanong niya noong naglasing kami. I am drunk pero malinaw ang alaala ko.

With a faint smile, I replied. "Baka ako ang umiyak!" Because it's true. Ilang beses akong umiyak nang dahil kay Tyrell.

"Si Ms. Ever Rose See? Iiyak dahil sa lalaki? Am I honored to see that as well?" Humalakhak siya pagkatapos.

From time to time I hear words like that from him. May mga pahapyaw na hugot. Mga linyang alam kong may laman at ibang ibig sabihin. Naikwento ko sa kanya si Tyrell. Everything in the past. Ang gusto ko lang sa kanyang ugali ay magaling siyang makinig. He knows how to understand people. He knows how to comfort me and makes me feel safe with whatever I'm about to tell him. He never mocked my love for Tyrell.

"Is it hard for you to fall in love?" mahirap ang naging tanong niya isang beses.

"I..." only fell once "... actually don't know," mahina kong sagot. It was almost a whisper.

"Then would you like to know again?" Sa mga ganitong tanong niya ay hindi ako sumasagot.

He'a too fast. It feels unreal to be loved by another guy when all I have in mind is to bring back someone from the grave. Ganito ba talaga ang isang manunulat?

Nahirapan ako sa mga sumunod na araw lalo na sa pagbabalik ni Tyrell sa alaala ko. Pagkatapos ko siyang makita noon ay hindi ko malaman ngayon kung paano ko pa buburahin sa isip ko ang posibilidad na buhay siya.

Edward also tells me na may sumusunod sa akin pero wala naman siyang magawa dahil eksperto ito at nawawala agad kapag natutunugan. Just like my Eros...

Pagdating ng Friday ay agad kong pinuntahan ang address na binigay sa akin ni Emily. Mabuti at libre naman ako. Mag-isa lamang ako dahil wala namang maaaring sumama sa akin. Gusto ko kasi na tigilan na ako ng mga kaibigan ko. Ilang texts at tawag ba ang natatanggap ko sa kanila sa isang linggo para lang makasigurado talaga silang ayos ako? Parang anak na nga nila akong dalawa eh. Hindi naman ako pwedeng magkaroon ng boyfriend bigla na pwedeng kong makasama lagi kaya it's better this way. Of course, Edward will never be part of the choices. Ayokong makaabala sa kanyang schedule lalo na at parang celebrity na rin siya.

"Is this Greek Myth Corp.?" tanong ko sa nakaputing lalaki na nagbukas ng pintuan para sa akin. Matangkad ito at malaki ang katawan. Papasang bouncer kung tutuusin.

Weird naman ng pangalan ng kumpanyang ito. Greek Myth Corporation. Talaga bang pagkakatiwalaan ko ito gaya ng sabi ni Emily sa akin? Sa labas ay kitang-kita na halos made of glass ang building na ito. Pagdating sa loob ay modernized ang mga kagamitan at ginamitan talaga ng bagong teknolohiya.

"Yes Ma'am," sagot nito sa akin pero seryoso pa rin ang kanyang mukha. Katakot ah!

"I'm Ever Rose See," nang sabihin ko ang pangalan ko ay agad nagliwanag ang kanyang mukha at ngumiti sa akin. Ang kaninang tamad niyang mga mata ay kumislap.

"Ay Ma'am halika po at dadalhin kita sa boss namin. Kanina pa po siya nagiintay sa opisina," sabi nito at nagtaka tuloy ako. Siguro ay sinabi ni Emily na pupunta ako rito para kumuha ng mga tauhan at gusto niyang isa siya sa mapili ko. Well, mukhang maganda naman ang personality niya and I might consider. Kailangan ko lang naman ng isang tao ngayon para masubukan ko kung dapat akong kumuha ng maraming tao sa kumpanya nila.

Naglakad ako at sumunod sa kanya. Sumakay kami ng elevator at nakita kong sa 10th floor kami dumiretso. Ito na ang top floor ng building. Hindi kagaya ng elevator sa amin ay may mga imaheng lumalabas sa glass type na elevator na 'to. More on sceneries. I was too amazed by it instead of being bothered na nakasakay ako sa elevator. May katiting pa kasing natira sa trauma ko noon.

Ang ganda naman dito. Talagang pinagisipan ang pagpapagawa kaya siguro natagalan bago nakapagbukas. I guess mapagkakatiwalaan naman ang kumpanyang ito.

Sa 10th floor ay may isang pintuan lang. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinayaang makapasok sa loob. I got nervous without any particular reason. Bakit bigla akong kinabahan ay hindi ko alam. Parang may mangyayari na hindi ko inaasahan.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

Nakakita ako ng lalaki na nakatalikod at nakatingin sa may bintana pagkapasok ko sa loob. He's tall, clean... and from a distance I could smell a familiar scent from him.

"Good morning, I'm Ever Rose See," pormal kong pagpapakilala sa aking sarili.

Nang humarap siya sa akin ay naestatwa ako. "I'm Eros Delgado. Owner of Greek Myth Corporation," nalaglag ang panga ko nang makita si Tyrell.

"T-Tyrell?" I managed to utter his name!

Kumunot ang kanyang noo, "I'm Eros. Did you hear me right?"

"Yes! Ikaw nga si Eros!" tumakbo ako palapit sa kanya at tiningnan siya mabuti, "You are also Tyrell! What happened to you?" Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit!

"How are you so sure that I am this guy you are calling Tyrell?" He looked at me like he was solving some kind of a puzzle. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko at dahil sa sobrang pagkadesperada ay nawala na ako sa wisyo.

I kissed him.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon