"Isang welcome party ang isasagawa para sa bagong may-ari ng S.E.E na si Mrs. Felicia..."
Naglakad na ako palayo, shutting down my consciousness about it.
I decided not to listen to this news anymore. It's just too much and upsetting to bear. I mean, how could she do this to her own relatives? Wala ba siyang puso?!
I guess I shouldn't be asking this because the answer is so obvious. Of course she doesn't care. She even hired people to eliminate us. She's pure evil.
Umalis na ako sa lobby upang dumiretso sa kwarto ni Eros. Hindi pa rin siya nagkakamalay matapos ng makaubos hiningang pagtakas na ginawa namin sa kagubatan halos isang linggo na mula ngayon.
Pero gigising naman siya hindi ba? Malakas siya. Hindi ito ang magiging katapusan niya. Tyaka...
There's so much I need to know about him... from him.
***
"Eros!" I cried his name several times before he finally spoke to me. 'Yung dugo sa kamay ko ang labis na nagpapanginig sa buong katawan ko.
"Run! Umalis ka na at hayaan mo ako rito." His voice sounded desperate. It was fear that's already eating my system.
"Huh- What? No!" I protested. Hindi ko alam paano niya naisip na iiwanan ko siya rito. Hindi man niya tanggapin ang nararamdaman ko para sa kanya, that won't change what I feel! Not a bit!
Tumayo ako at mabilis na kinuha ang mga gamit namin na madaling dalhin tyaka bumalik sa pwesto ni Eros. Itinayo ko siya at inalalayan para sabay kaming tumakbo palayo. Wala na akong pakielam sa mga gamit na maiiwan basta madala ko si Eros sa ligtas na lugar.
"Hayaan mo na ako! Hindi ka ligtas dito!" sabi ni Eros na nagpainit sa ulo ko.
"Stop it okay?! You brought me here and you have no choice but to bring me out of here as well!" Mariin kong sinabi na nagpatahimik sa kanya.
May putok ng baril na nagmula sa kung saan at napasinghap ako dahil dito. "What's going on here?!" Bangungot lang ba 'to? Kasi kung Oo ang sagot, pakisampal lang ako para magising na ako!
Nakita ko ang pagdurugo ng tagiliran ni Eros at takot na takot na ako dahil hindi ko alam kung daplis lang ba ito o malalim na. Sobrang nagdurugo kasi talaga...
Hindi ko alam kung gaano kalayo ang kailangan naming takbuhin para matakasan sila. I couldn't even think of it because all I have in mind is the thought of running away from those killers. This couldn't be the end for us.
Kinuha ko ang baril ni Eros at hawak-hawak ko lang ito nang makita ko ang isang armadong lalaki hindi kalayuan sa amin. Awtomatikong humarang si Eros sa harapan ko. "Don't you dare cross the line." Hinarang niya ang braso niya sa akin. Nakita ko ang paglalakad nung lalaki palapit.
"What do you think you're doing?" mahinang tanong ko kay Eros pero hindi niya ako sinagot. Sa tingin niya kaya niya pang lumaban sa kalagayan niya?
"Sumuko na kayo." malalim ang boses nung lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa pareho sila ng ayos ni Eros. May maskara nga lang itong suot.
Eros laughed. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kayabangan ng isang 'to. "Ikaw ang sumuko." Ano bang gusto niyang mangyari?!
Suntukan na lang ganuon ba?!
Inangat ko ng mabilis ang baril na hawak ko at pinaputok ito sa lalaking hindi ko kilala. Nagulat ako dahil hindi ko akalaing asintado ito. Bumagsak 'yung lalaki at napasigaw ako sa takot.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...