Kabanata 7 : Hindi Pagbalik

870 23 0
                                    




I had a nightmare that night.

Halos palagi naman. Kaya nga hindi ako madalas nakakatulog ng maayos.

Hindi ko na maalala ang buong detalye pero sa pagkakaalam ko ay isa itong parang walang katapusang pagbabalik tanaw sa mga masasamang nangyari sa akin pagkauwing-pagkauwi ko rito sa Pilipinas.

May parte roon na may kapangyarihan ako pero hindi ko pa rin matalo-talo ang mga gustong gumawa ng masama sa akin. Alam ko nga ay nanduon din sa panaginip ko si Eros.

Maaga akong nagising. Basang-basa ako ng pawis kahit na hindi naman mainit sa kwarto ko.

Hindi talaga ako kumportable sa bikini or ano mang suot na talagang kitang-kita ang katawan ko. Kahit na pagpalitin nila ako ngayon ay hindi ko balak gawin. Nagsuot ako ng simpleng white printed shirt (Icecream ito) at black knee-ripped jeans.

Dumiretso ako sa restaurant at sa pagkakataon na ito ay ako ang nauna.

Or should I say pangalawa sa nauna?

"Hi." Tipid na bati ko kay Tyrell nang makita ko siya bago naupo sa may harapan niya. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape.

Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa sinabi ni Bianca sa akin kagabi kaya hindi ko naiwasang titigan siya.

"I saw a picture of you in his wallet!" rumehistro ang sinabi ni Bianca sa akin ng paulit-ulit. "Nalaglag niya kasi 'yung wallet niya sa hallway kanina and I accidentally saw your picture there!"

"Stop drooling." Umirap ako nang sabihin iyon ni Tyrell. It's impossible. Baka namalikmata lang si Bianca. Napakasama niya sa akin para maging totoo na may nararamdaman siya para sa akin. Hindi ba dapat ay mabait siya para magustuhan ko siya? Kabaliktaran siya nito kaya imposible talaga.

Baka naman pakipot lang siya at gusto niyang habulin ko siya ganun ba? Pwes, hindi ako 'yung tipo ng babae na madaling mahulog ang loob. Kasi kung ganuon ako ay matagal na akong may nobyo ngayon.

Kinalimutan ko na lang ang sinabi ni Bianca sa buong umagahan namin hanggang sa magtanghalian. Naging matagumpay naman ako. Wala kaming naging interaksyon ni Tyrell, hindi nga kami nagpapansinan o di kaya'y natitingin sa direksyon ng isa't isa talaga, at nag-enjoy ako kasama ang mga kaibigan ko. Nagspeed-boat kami na talagang na-enjoy ko sa lahat ng ginawa namin. Nilibot din naman syempre ang buong resort nila at kumain kami ng patok dito.

Nagkaroon ako ng alaala rito sa pamamagitan ng mga larawang kuha ko. Marami ito at agad kong ipapa-develop pagkauwing-pagkauwi ko sa Maynila.

Ang ganda-ganda talaga rito sa resort nila Emily. Maganda ang Bataan. Ayoko pang umalis. Parang bumilis ang takbo ng oras dahil sa walang humpay na paguusap naming magkakaibigan. Nalungkot tuloy ako nang dumating na ang gabi at kailangan na naming umuwi.

Nakaayos na ang gamit ko at sasakay na kami sa van ngayon. Nauna silang apat sa pagsakay habang ako ay nagaalangan pa rin. Ayoko pang umalis.

"Hoy sakay na!" sabi ni Emily pero umatras ako.

I guess I'm not leaving. Hindi muna ako babalik ng Maynila.

"I want to stay. Bukas na ako uuwi." Matatag kong sinabi. Wala namang nagtangka ng masama sa akin sa loob ng dalawang araw ko rito kaya palagay ko ay ligtas naman ako hanggang bukas. Besides, maganda ang security nila rito. Magpapasundo na lang ako sa amin.

"Uy sira ka ba? Baka mapano ka." sabi ni Drix. Nakikita ko naman ang sinseridad sa mga mata niya bilang kaibigan ko.

"Babalik na lang tayo rito, sakay ka na Ever." sabi ni Bianca. Lahat sila gusto akong bumalik pero ayoko pa.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon