Kabanata 42: Leaving is not a Choice

509 20 9
                                    

"Pwede niyo na bang sabihin sa akin kung ano talaga ang nangyayari rito?" tanong ko pareho kay Tyrell at Drix dahil sa naguguluhan na talaga ako. Pinagkakaisahan ba nila ako? Alam ko na nagkasama na kaming tatlo dati sa bakasyon kasama si Bianca at Emily pero hindi ko alam na close silang dalawa para magkampihan ngayon.

I still can't get over the fact that my identity was revealed that easy. Si Tyrell pa ang nagsabi kay Drix na hindi ko talaga inakalang gagawin niya. Now Drix has to be more careful!

"Pwede bang mayakap muna kita?" Natatawang tanong ni Drix na halata namang gusto lang pagaanin ang sitwasyon. Inirapan ko siya kaagad. "Hay! Na-miss ko 'yang kasungitan mo."

Hindi ko alam kung paano niya nalamang ako talaga 'to bago pa umamin si Tyrell dahil instinct lang ang naging sagot niya sa akin. Kaya pala ganuon na lang siya kung ngumiti pagkakita pa lang sa akin.

Nakaupo kami ni Tyrell ngayon at parehong nakasandal sa pader. Tumayo lang ako para sana lapitan si Drix sa kama at yakapin nang tumayo rin si Tyrell. Inunahan pa ako sa dapat sanang gagawin ko! Napa-aray tuloy silang pareho! Natatawa ako kasi para silang baliw. I couldn't think of other stuff funnier than two manly man hugging each other with a straight face.

"Ikaw na pala ngayon si Ever? Tyrell naman eh!" Iritang sinabi ni Drix na halatang nagbibiro lang. Ngayon ko naalalang hindi niya nga pala alam na may iba pang identity si Tyrell at 'yun ay ang alyas niyang Eros. Dapat ko bang i-bring up 'yun kapag pinagusapan na namin ang mga nangyari sa akin?

"I happened to be at the same place that night," Sinimulan na ni Tyrell ang pagkukwento at nanahimik na ako para makinig ng mabuti.

"I received an anonymous message before I went to sleep. It's about the location of your mother," nagkatinginan kami ni Tyrell lalo na at hindi ko inasahan na may ganuon siyang natanggap na balita. I should have known!

"Dapat sinabihan mo ako-"

"Ayokong bigyan ka ng false hope kaya gusto ko muna sanang siguraduhin kung totoo ang text na 'yon. At tama ako sa pagdududa ko dahil pagdating ko sa tv studio na sinabi sa akin, si Drix ang nakita ko. Hindi totoo ang text sa akin."

"Lalapitan ko sana si Tyrell nang makita ko sa parking lot pero nakarinig na ako ng putok ng baril at una siyang tinamaan bago ako. Kung hindi siya lumapit para itulak ako, baka hindi na ako rito sa ospital dinala," Kinilabutan ako sa sinabi ni Drix.

Itinuloy ni Drix ang kwento niya, "Dahil sa wala na 'yung bumaril at nakita kong may baril si Tyrell sa bulsa niya, pinaalis ko na siya bago pa may dumating para pagsuspetsahan siya. My manager will do everything to have someone to blame. We just decided to meet here in the hospital and I didn't expect him to bring you."

Hinilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha, "May ideya ba kayo kung sino ang gumawa nito?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Umiling lang sila pareho na gaya ko ay mukhang bigo dahil walang mahanap na sagot sa tanong ko.

"Ayos na rin na nangyari 'to, at least nabalik ka na sa akin," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Drix at napatingin agad kay Tyrell na hindi malaman ang timpla ng mukha.

"Ha! Kailan pa ako naging sa 'yo?" pagtataray ko habang sobrang kabado dahil baka bigla siiyang sugurin ni Tyrell kahit hindi pa sila parehong magaling.

Nang tingnan ko si Tyrell ay nakapikit ito na akala mo nagdadasal. Pagdilat niya ay bumuntong hininga siya bago nagsalita, "Maiwan ko muna kayo para makapagusap. Bibili lang ako ng inumin." At pagkasabi niya, agad nga siyang naglaho sa eksena. Anong problema 'nun?

"I smell jealousy," panunukso naman ni Drix at inirapan ko lang siya.

"I smell your feet! Ang baho maghugas ka nga!" At bumelat lang siya na parang bata kaya binato ko ng unan.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon