"Malayo pa ba?" Ang sakit na kasi ng mga binti ko. Ilang oras na ba kaming lumalakad ngayon? Parang pudpod na ang suot kong sapin sa paa! Hindi naman niya ako kinakausap kaya sobrang boring ng ginagawa namin. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
I still ended up going with him inside this forest. As if I have other choice right? Kung anu-ano pang ingay sa paligid ang naririnig ko kaya naman panay ang sigaw ko. Nakakatakot naman kasi talaga rito. Hindi ko nga alam kung ano talagang klaseng lugar ang pinasok namin eh. Paano kung may mga hayop na nangngain dito? O kaya mangyari sa amin 'yung parang sa pelikula na "Green Inferno"? Wag naman sana!
"Dito kami madalas nagpupunta ni Mr. See noon. Siya ang nagsanay sa akin." narinig ko lang na sinabi ni Eros sapagkat sa nilalakaran lang namin nakatuon ang atensyon ko. Baka may kung anong trap or what kasi akong matapakan mahirap na.
"Paano ba kayo nagkakilala ni Daddy?" Ngayon ko lang naisip na hindi ko pala alam kung paano siya naging parte ng buhay namin.
"I'm his personal secret agent. Bata ako at walang kamuwang-muwang noong mailigtas niya ako. I'm doing everything for him because I owe him my life." Simple lang ang sagot niya. Nagawa pa rin niyang hindi ibunyag ang pagkatao niya.
"Aray!" sabi ko nang mauntog ako sa kanyang likuran. Bigla na lang kasi siyang tumigil sa paglalakad. Wala man lang pasabi.
"Nandito na tayo." He revealed. Humarap siya sa akin at napaisip tuloy ako kung hindi ba siya nahihirapan na palaging nakasalamin at sumbrero. Sabagay, sanay na siguro siya?
Tumingin naman ako sa paligid dahil sabi niya narating na namin ang pupuntahan namin. Puro mga puno pa rin pero rito ay may espasyo, na mas malawak kumpara sa mga naraanan namin. May mga nasunog na kahoy ding animo ginamit para gumawa ng apoy.
Pero wala naman akong makitang pwede naming tuluyan. Kahit na kubo o maliit na bahay wala. Kumunot ang aking noo dahil iba ito sa inaasahan ko. "Seryoso ka? Dito?" Imbes na sagutin niya ako ay binaba na niya ang bag niya sa lupa. May inilabas siya mula rito and that's when I notice that he's setting up a tent!
"Do you really expect me to sleep here in the wilds with a stranger?" Hindi makapaniwalang tanong ko kasi totoo naman. Masyadong delikado rito sa gubat tapos ano? Siya kasama ko? Paano kung biglang ma-activate ang pagiging lalaki niya at atakihin niya ako? Paano kung bigla maging wild na siya kasi nature daw 'yon ng mga lalaki eh! Paano na lang ako nun 'di ba?!
Bumuntong hininga siya. "Kung hindi mo ako tutulungan. Wag ka na lang magsalita pwede ba?" pagsusungit niya at nagkunwari ako na-zipper ko ang bibig ko at tahimik na lang siyang pinagmasdan. Ang cool niya kahit nagse-set up lang siya ng tent. 'Yung muscles niya sa braso ang sarap... ding pagmasdan! Ano ba Ever?! Kanina siya iniisip mong gagawa ng masama tapos ikaw itong naglalaway na 'di pa man!
"Wag mong tatangkaing gawan ako ng hindi maganda kung hindi-"
"Kung hindi?" Huminto siya at tumingin sa akin para sa sagot ko.
"Ano... ano..." Kung hindi ano? Anong gagawin mo Ever? "Gagawan din kita ng hindi maganda!" Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya at nag-init agad ang pisngi ko.
Nasabi ko ba siya ng malakas at hindi lang sa isip ko? Nakakahiya!!!
Mabilis lang naman niya ito nagawa at dapat lang dahil palubog na rin ang araw. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na rito kami mananatili ng isang linggo. Paano na lang 'yon 'di ba? I didn't have experience in camping because my parents were so protective of me. Ayaw nga nilang sumasama ako kahit sa field trip ng eskwelahan at nagkaroon pa ng oras na panay guards kasama ko sa pagsakay sa mga rides imbes na mga kaklase ko. Look, I didn't have a very happy childhood despite being rich.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...