Kabanata 18 : Psyche

583 28 9
                                    

Tunog pa rin ng tunog ang doorbell kaya napatakip na ako ng bibig. Parang nagmamadali 'yung tao sa labas. Hindi Psyche ang tinawag nito sa akin gaya ng bilin ni Eros at mas lalong hindi naman niya ako tinatawag na Ever kaya sino ang nasa labas?

Sinong nakakaalam na nandito ako?

Parang tatakas ang puso ko mula sa dibdib ko sa sobrang kaba. Baka nasa labas ang may balak na pumatay sa akin! Baka nalaman na nila kung saan ako nagtatago at nandito sila para tapusin na rin ang buhay ko gaya ng ginawa nila sa mga magulang ko...

Pero paano kung may alam ito tungkol kay Mommy? Paano kung may balita ito? Paano kung hindi naman masamang tao 'yung nasa labas?

Pero paano rin naman kung oo? Kung panganib ang naghihintay sa akin?

Ugh! Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa nagtatalo ang isip ko ngayon. Ano ba ang dapat kong paniwalaan?

Sabi ni Eros, wag kong bubuksan kung hindi niya sinabi ang code name kong Psyche... pero posibleng makatulong ang taong tumatawag sa akin ngayon.

Kaya lang walang pwedeng makaalam na nandito ako. We need to bury Ever Rose See gaya ng plano namin ni Eros.

Napatakbo ako sa loob ng kwarto ko at humarap ako sa salamin. Hindi ko pala naalis ang disguise ko pero medyo humulas at nagulo na ito kaya inayos kong muli. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa ko ito.

Ako ito, si Mirna Dimalanta. Binilisan ko ang pagaayos sa akin at kahit na hindi gayang-gaya sa itsura ko kanina ang pagkakaayos ko ngayon ay papasa na naman ito.

Huminga ako ng malalim at bumabang muli. Kumuha ako ng kutsilyo sa may kusina at maingat itong itinago sa aking bulsa. I need to protect myself in case there's a need to do so.

Paglapit ko sa may pinto ay dahan-dahan ko itong binuksan nang nakangiti. I could feel my fast heartbeat.

There I saw Drix. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko at halatang nagulat sa akin.

"Hillu! Senu kaelangan neyu?" tanong ko kahit na mukha lang akong tanga ngayon sa harap ng kaibigan ko. Nakita kong kasunod niya ay bumaba na sa kotse si Emily. "Siya na ba yan- oww hindi." She changed her mind after seeing me. Hindi nga nila ako nakilala. Sigurado kapag nalaman nilang ako ito ay pagtatawanan nila ako ng sobra.

"May nakatira ho bang Ever ang pangalan dito?" tanong ni Drix at nakita ko sa mga mata niya ang labis na pagaalala.

"Ay ehu walang ganong babai retu sa logar namen." pagsisinungaling ko.

"Ay ganun ba. Sorry ho, namali lang kami." sabi naman ni Emily at tumalikod na sila ni Drix. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa hindi sila masamang tao gaya ng iniisip ko.

Kaya lang ay hindi rin sila makakatulong sa nawawala kong nanay.

Ngayon ay nakikita kong naglalakad na sila palayo sa akin. It's sad to see them leave. Pero hindi ko pwedeng ipaalam na ako 'to at nandito ako - buhay. Dahil baka malagay din sila sa panganib.

What I'm asking myself now is, paano nila nalaman na posibleng nandito ako?

I guess I'm not safe here anymore. I need to tell Eros.

Isasarado ko na sana ang pinto nang may mapansin akong lalaki hindi kalayuan. Hindi naman ito nakatingin sa akin pero pakiramdam ko kanina lang tinitingnan niya ako.

Madali kong sinarado ang pinto ng bahay pati na rin ang pinto sa likuran. Sinarado ko na rin ang mga bintana sakaling may magtangkang pumasok mula rito.

Napahawak ako sa dibdib ko. It feels like someone's watching me.

***

"Layuan mo ko!" sigaw ko sa lalaking sumira ng pintuan. Hindi ko makita kung sino ito dahil sa walang liwanag sa loob ng bahay. Binato ko siya ng mga nakukuha kong gamit sa paligid pero parang walang epekto sa kanya.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon