Wakas

865 23 1
                                    

I fell in love with her without knowing when.

Was it love at first sight?

Hindi siguro. Noong una kong nakita si Ever, nagulat ako. Iyon ang una kong naramdaman dahil sa kamukha niya ang babaeng minahal ko ng sobra. Kaya naman agad akong nakaramdam ng poot nang malaman ko na hindi sila iisa. Bakit ba kasi kailangang may kamukha pa siya? Magkaibang-magkaiba silang dalawa kaya naman Miss Rose ang tawag ko sa kanya noong umpisa.

Nahirapan akong pakisamahan si Ever dahil iba ang ugali niya sa kanyang kapatid. Matigas ang kanyang ulo. Tingin niya lagi ay kaya niyang mag-isa kaya panay ang pagtaboy niya sa akin.

Noong simula, pinoprotektahan ko siya dahil ito ang trabaho ko at malaki ang utang na loob ko kay Mr. See pero habang tumatagal ay mas lumalalim ang dahilan ko para panatilihin siyang ligtas.

I had to be overprotective when it comes to her. Mas dumami ang banta sa kanyang buhay na tipong mawala lang ang atensyon ko sa kanya ay may nangyayari nang hindi maganda. Pero hindi siya matuto-tuto. Hindi ko alam kung mahina ba ang isip niya o ayaw lang niyang tanggapin kung ano ang sitwasyon niya.

Naging interesado ako sa kanya dahil sa pagmamatigas niya. Dahil gusto ko siyang makasama without trying to hide who I am, sumama ako sa lakad nila ng kapatid kong si Bianca.

Pero agad akong nagsisi dahil mas naging interesado lang ako sa kanya. Mas gusto ko siyang protektahan habang pilit kong tinatago sa kanya kung sino ako. Pero mas naging masama rin ang trato ko sa kanya dahil hindi ko maiwasang mainis sa tuwing may ibang lalaking tumitingin sa kanya.

Nang manganib ulit ang buhay niya dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Bumalik agad ako sa pagiging Eros. At bilang Eros ay hindi ako dapat magpakita ng kahit na anong personal na bagay tungkol sa akin. Kahit ang nararamdaman ko ay kailangan kong ibaon sa limot.

Takot pa rin ako dahil sa nangyari noon.

Hindi ko alam kung dapat din niya akong pagkatiwalaan. Natakot ako sa kung ano man ang maaaring mangyari sa kanya dahil sa akin.

Pero kahit na anong pigil ko sa sarili ko, ako mismo ang bumasag ng pader sa pagitan namin nang halikan ko siya. Tinawag ko siya sa kanyang pangalan bago ko hinalikan and I had to lie. I had to hide my face in order to stay with her because that's the real deal between me and her father.

"Hindi ka pa ba gigising?" Narinig kong bulong ni Ever sa tabi ko. Napangiti ako. Ito ang unang beses na napasarap ako ng tulog.

Being with Ever, I felt that it's also a must for me to be safe. Being with her made me feel secured. At doble ang takot ko na mawala siya.

It was actually the first time I fought the hardest just to be with someone, iyon ang bagay na hindi ko ginawa para kay Everlister dahil hindi ganuon kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya hindi gaya ng kay Ever.

"Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan?" Nahihiyang tanong niya ngayong nakaharap na ako sa kanya.

"I want to confess something..." bulong ko sa kanya habang inilalagay ang kaunting buhok na nakaharang sa mukha niya sa kanyang tainga.

"Hmm?"

"I never saw her in you," namilog ang kanyang mga mata at may nagbabadya agad na luha. Ayoko man na nakikita siyang umiiyak pero palaging humahantong sa ganito... "I was just scared to love you." Dagdag ko.

Hindi siya makapagsalita at panay lang ang pagkagat niya sa mamula-mula niyang labi.

"But when I already had the courage to love you. I was scared again because I wanted more. I wanted to be your world. I wanted to keep you to myself. I knew then I was being selfish." Huminto ako at pumikit ng mariin. "Being your knight was the hardest job I had to take."

Hinawakan ko ang kanyang mukha habang nakapikit pa rin. Gusto kong mas rumehistro sa isip ko na totoo ito at hindi lang panaginip.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay umiiyak na siya. Agad ko itong pinunasan.

"But if I would be given the chance to go back from when we first met? There's just one thing I want to change." Natawa 'ko.

Nakita ko ang pagiintay niya sa kasunod kong sasabihin. Napangiti naman ako.

"Imbes na tutukan kita ng baril noong binalak mo kong hampasin ng walis, sana hinalikan na kita kaagad," It felt like I've seen the most beautiful thing in this world with her laugh.

I kissed her again, with the softness of her bed and the heavenly smell of scrambled eggs and fresh-brewed coffee.

"Kung uulitin man natin ang lahat, wala akong gustong baguhin kahit isa sa mga pinagdaanan natin. Masaya ako na kasama na kita ngayon."

Finally, I was able to confess how I really feel.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon