Tumakbo ako palapit sa highway at doon ko sinimulang hanapin ang kotse ko dahil baka hindi pa ito nakakalayo. Aba dapat lang! Hindi ko alam kung saang kangkungan ako pupulutin sakaling hindi ko ito mahanap!
And I'm right.
Hindi pa nga ito nakakalayo dahil nakahinto ito sa gilid ng kalsada. Naglakad agad ako palapit na kasabay naman ng pagbukas ng pinto nito. Ramdam ko na ang inis sa loob ko lalo na at makikilala ko kung sino ang bwisit na nagtangkang tumangay sa kotse ko.
I was actually prepared to punch this person pero nawala lahat ng inis ko nang bumaba ang taong matagal ko nang gustong makita.
"You should learn how to lock your car," Tyrell said while smiling playfully and I couldn't help but smile back.
Nakasuot lang siya ng simpleng white shirt at jeans pero para siyang modelo. Nakadagdag pa ang suot niyang itim na salamin na agad niyang tinanggal nang makalapit na nga ako sa harapan niya.
Malakas ang hangin kaya naman ang mga buhok namin sumasabay dito. Para akong tatangayin - tatangayin sa sobrang saya dahil kaharap ko na siya.
Gusto kong magalit dahil ngayon lang siya nagpakita pero nawala lahat ng ito dahil mas nangibabaw 'yung kagustuhan kong makita at makasama siya. Kung bakit ba naman kasi ganito siya parati. Sumusulpot at nawawala na lang bigla.
I wanted to say something but I couldn't find the words to express how I feel right now. Natulala na lang tuloy ako na para bang ginayuma niya ako.
"Tatayo na lang ba tayo rito ng tatlong araw?" natatawang tanong niya na nagpatawa rin sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalamang nandito ako pero mabuti na lang at alam niya.
Magsasalita na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kanya tyaka hinawakan ng isa pa niyang kamay ang mukha ko. Then I felt his lips pressed on mine, like I've been waiting for this all along. Hinayaan ko ang isang kamay ko na hawakan din ang kamay niya sa mukha ko. Para akong nananaginip lang sa mga oras na ito at ayaw kong magising na.
Pero sana nga... sana pwedeng mapahinto ang oras kapag ganitong sobrang saya ko. Kasi nakakatakot, na baka may kumuha na naman ng kaligayahan ko at bumalik na naman ang bangungot sa buhay ko.
***
"Sure ka alam mo kung saan tayo papunta?" tanong ko sa kanya at tumango siya. Naninigurado lang ako dahil baka maligaw kami.
"I've been there before," pag-amin niya at kumunot naman ang noo ko.
"Bakit? Sinong kasama mo? Anong ginawa mo dun?" sunod-sunod kong usisa.
"Oh teka isa-isa lang!" natawa na naman siya at napairap na lang ako. Kasi naman simula kanina hanggang ngayon na nasa kotse na kami at nagmamaneho siya, hindi pa rin niya pinapaliwanag 'yung matagal niyang pagkawala.
"Bakit ka ba kasi nandito? Sinabihan mo ba si Mommy?"
Umiling siya bago nagsalita, "Sinurpresa lang talaga kita. Walang may alam na kasama mo ako ngayon."
I felt heat in my cheeks, "What took you so long?" pag-iiba ko na lang ng usapan kaya naging seryoso na siya.
"Pagkatapos kong malaman ang mga ginawa ni Emily, naniwala ako sa sinabi niyang hindi naman niya intensyon na patayin ka. And so I tried to find the truth..." He looked at the road intently as if he's seeing something else.
"At ano naman ang nalaman mo?" Hindi ba at si Tita Felicia na nga ang nasa likod nito?
"There's more than what we both know," He simply replied and I shivered.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...