Kabanata 38: Bianca's Ex

493 19 4
                                    

Alastair Castellano pala ang buong pangalan ng boss ko. Kung hindi lang siya parang diablo kung umasta ay ayos na sana ang itsura niya pati pangalan niya. Ang lakas kaya ng dating. Kaya siguro ang daming babae ang hindi maiwasang sundan siya ng tingin sa tuwing naglalakad siya in public.

Isang linggo ang lumipas na parang iwas si Mr. Alastair sa pagsigaw-sigaw sa akin hindi gaya nung mga unang araw ko siyang nakilala. Madalas nga ay sa iba na lang niya ibinubunton ang kanyang galit kahit na ang totoo'y ako ang may atraso sa kanya.

May pangyayari pa na imbes na magalit ay nagalala siya sa akin. Iniiwasan niyang masaktan ako ngayon na hindi ko alam kung may iba bang motibo.

Magkaganun man ay isa lang naman ang nagpapatibok ng mabilis sa puso ko at malayo siya sa akin ngayon.

Ano kaya ang nangyari at bigla siyang nagbago? Parang nagkaroon tuloy ng himala dahil sa pagtrato niya sa akin. Ayoko man isipin pero hindi kaya may kinalaman dito si Tyrell? Nabanggit kasi siya ni Mr. Alastair last week... And after that night, he never mentioned him again like there's something about them that I shouldn't know.

Hay. Kung anu-ano na namang iniisip ko. Hindi naman siguro. Basta ang mahalaga ngayon, kailangan kong pagbutihan ang trabaho ko. Magpasalamat na lang ako at mas naging ayos ang lahat para sa akin.

Sa loob ng isang linggo ay nagawa ko ring subukan hanapin si Mommy kasabay ng pagtatrabaho ko. Kahit na paunti-unti ay gumagawa ako ng paraan para makita siya pero para kasing hindi pa rin ako umuusad.

Nandito ako ngayon sa isang sikat na TV studio kasama si Mr. Alastair dahil may interview siya tungkol sa kanyang much awaited movie na on-going ang paggawa. Wala akong ideya kung tungkol ito saan dahil hindi ko naman trabahong alamin ito by heart. Ginagawa ko lang kung ano ang gusto niya dahil hindi rin naman niya gusto ang nangingielam sa kanya. Ayoko kasing sumama pa ang tingin niya sa akin lalo na at hindi na nga niya ako inaaway.

Who wants to make the beast mad right?

Nagaayos pa lang si Mr. Alastair sa dressing room kaya naisipan kong maglibot-libot dito sa studio. Actually pangarap ko naman talaga ang magtrabaho sa ganito kaya hindi ko na-imagine ang sarili ko bilang assistant ng isang direktor.

Nakita ko ang mga mamahalin nilang gamit dito at ang mga nasa likod ng kamera na abalang-abala bago ang airing ng show.

I want to become a director slash scriptwriter someday. Matutupad ko pa kaya ang pangarap kong ito kung ganito na ang estado ko ngayon? I even have to avoid cameras dahil baka malaman agad kung sino ako sakaling makita ako ng maraming tao. My true identity stopped existing long time ago.

"Ever." Nanigas ako sa tawag na 'yon. Biglang lumamig sa paligid at ang ingay ng mga tao ay biglang humina.

Tinawag ba ako sa totoo kong pangalan?

"Ayan ka na naman sa kaka-whatEVER mo," Ahhh mga staffs lang pala. Kala ko tinatawag ako eh hindi ko lang pala napakinggan ng mabuti. Ilang ulit nang nangyari sa akin na akala ko ako ang tinatawag tapos hindi pala. Bwisit din kasing pangalan 'to eh.

"Ever!" Hay eto na naman ako sa maling dinig. Makabalik na nga kay Mr. Alastair at baka may kailangan pa ito sa akin. Ang dami pa namang magutos nun na para talagang sinusulit ang sweldo ko-

"Uy Ever! Ay este Psyche pala," OMG. Ako na talaga ang tinatawag 'di ba?

Dahan-dahan akong lumingon para makita kung sino ang tumatawag sa akin. S-Siya?

"D-Drix?" Siguro ay maputla na ako ngayon. Nandito ang kaibigan ko! Nandito ang kaibigan ko!

"You know my nickname? Ikaw ba 'yan Ever? Magsabi ka nga ng totoo," tiningnan niya ako ng malalim at para bang bistado na niya na ako nga si Ever.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon