Kabanata 36: Alastair Entertainment Productions

521 20 2
                                    

Dahil hindi pa siya humihingi ng tawad sa akin ay hindi rin ako magiging mabait sa kanya.

"Get out," sabi ko habang hindi kumukurap. Napakagat ako sa labi na parang bata sabay turo sa pintuan kung saan siya pumasok na lang bigla. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko lalo na dahil sa nangyari kanina. Mahigpit din ang hawak ko sa bathrobe na suot ko sa takot na mahubad ito sa akin.

Nakayuko lang siya ngayon at nakaupo sa isang sulok. Wala pa rin siyang imik na parang hindi pa napoproseso sa utak niya ang sinabi ko. He makes me feel really vulnerable right now.

"Paano ka pala nakapasok dito ng basta-basta ha?" inis na tanong ko. Hindi pa ako nakakapagbihis ngayon kaya naman nilalamig na ako. Ramdam ko pa ang pagtulo ng tubig mula sa buhok ko. I feel so uncomfortable and I'm so pissed at him for making me feel this way.

"You told them you were waiting for your husband and I told them that it's me," Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pa niya ginagawa ito at wala na rin akong intensyon na malaman pa.

"Hindi ikaw 'yon! Wag kang umasa!" inis kong sinabi na alam kong defensive pero bahala na si batman.

"Sinagot ko ang tanong mo kaya ako naman ang sagutin mo," seryoso niyang pagkakasabi.

Nagtaas ako ng kilay para ipagpatuloy niya ang gusto niyang sabihin, "Bakit ako ang tinawag mo kanina? Hindi ka ba galit sa akin?" Painosenteng tanong niya.

Umirap ako sa kawalan. "Nakasanayan lang," pagsasabi ko ng totoo. Siya ang unang beses na pumapasok sa isip ko sa tuwing nanganganib ang buhay ko.

"Please Tyrell, just leave," pagod kong sinabi kaya naman hindi na siya nakipagtalo o nagdahilan pa. Nakita ko ang likod niya bago ko isinarado ang pintuan sa kanyang paglabas.

Napasandal ako sa pader at napahawak sa dibdib ko pagkatapos. I can't believe he followed me here. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng inis at hiya ay may saya pa rin sa loob ko dahil sinundan niya ako hanggang dito. Ibig sabihin ba ay may halaga rin ako kahit kaunti sa kanya?

May kumatok ulit sa pinto at dahil alam kong siya na naman 'to ay binuksan ko na.

"Bakit na naman?" tanong ko na para bang nagmamaldita.

Hindi ko alam pero medyo pinkish ang pisngi at tainga niya, "Wala nga pala akong nakita."

Sinara-bukas ko ang mga mata ko at napaisip.

"Huh?" Anong sinasabi niya?

"I mean doon," tiningnan ko ang direksyon ng hintuturo niya at nakitang sa pinto ng CR na halos transparent kung saan ko siya naaninag ang tinutukoy niya. Agad nangamatis ang mukha ko nang maintindihan ko siya.

"Labas!!!" sigaw ko at pinagsarhan ulit siya ng pinto. Sobrang nakakahiya! Kailangan pa talagang sabihin ganun?! Sigurado akong mas namumula ako ngayon kumpara sa kanya!

Tinapos ko na ang pagbabanlaw ko ng mas maayos at nagsuot ng damit. Palagay ko naman ay umuwi na rin si Tyrell sa kanila dahil wala nang kumatok pa sa pinto ko magmula nang itulak ko siya palabas.

Nahiga ako sa kama dahil alam kong kailangan kong makapagpahinga. Pagkatapos ng mga nangyari sa akin, I deserve some rest. Hindi naman nagtagal ay nakatulog din ako ng mapayapa. Siguro dala na rin ng pagod physically, mentally at lalo emotionally.

Mabuti na nga lang at nagising pa ako ng maaga. Hindi na ako naligo dahil sobrang lamig pagdilat ko dala ng aircon. Nagpalit na lamang ako ng damit, naghilamos at brush. Ipinuyod ko rin ng isa ang buhok ko. Naninibago pa rin ako sa maigsing buhok ko pero okay na rin ito.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon