Kabanata 60: Galit, Pagmamahal o Takot?

450 14 7
                                    

"Ngayon, patay ka na talaga para sa pamilya mo," Nagising ako sa boses ni Tyrell ngunit sa pagdilat ko ay dilim lang ang sumalubong sa mga mata ko. Hindi ko alam kung nasaan ako pero ramdam kong iba na ang suot kong damit kumpara kanina at mas malamig na rin sa paligid.

Nakahiga ako sa malambot pero hindi ko maikilos ang katawan ko dahil sa nakatali ang mga kamay at paa ko sa kung saan.

Mabilis ang tibok ng puso ko ngayon pero hindi ako takot.

"What do you mean?" Oh God. He's here. I'm hearing his voice now.

I knew it was him who kissed me in the comfort room. He was following me the whole time.

"You can't go back. You can never be See's heiress Ms. Ever," Mariin niyang sinabi at agad may sumagot sa isip ko. Napalitan ang excitement at saya sa loob ko.

I can never be the heiress because it should have been Everlister right? Siya lang at wala nang iba ang may karapatan, iyon ba?

Nakaramdam ako ng kurot sa dibdib ko dahil sa mga salitang binitiwan niya sa akin.

Ano ba ang nananaig sa akin ngayon? Galit, pagmamahal o takot? I couldn't understand myself anymore.

"Patayin mo na ako. Nagsasayang ka ng pagkakataon," Nanginginig ang boses ko nang sabihin ko ito. Siguro nga kaya niya ako kinuha ay para patayin dahil galit siya sa akin. Hindi niya ako mahal.

He never loved me. He just saw her in me for a moment and was fooled.

I never heard a reply from him. Sa dilim ay parang mag-isa lang ako kahit na hindi naman ako nakarinig ng paggalaw mula sa kanya.

"Paano mo ako balak patayin para makapaghanda naman ako?" I sarcastically asked just to have a conversation with him.

Wala pa rin akong sagot na narinig mula sa kanya.

Pumikit ako ng mariin kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Nagiwan ako ng dugo sa rest house. Alam na nilang kaya kitang saktan," sabi ni Tyrell.

Pero hindi sapat ang dugo para isipin ng lahat na patay na ako. Kailangan nila ng katawan o 'di kaya, kailangan nila ng closure sa akin at hindi basta na lang maglalaho...

Malamang ay hinahanap na ako ng lahat ngayon. Magiging malaking balita ito at baka isali na ang mga pulis sa issue.

"They will find me. Ililigtas nila ako," sabi ko naman sa kanya. Wag siyang magpapakasigurado.

I heard his dark laugh, "Ililigtas ka? Sila pa nga ang may balak na patayin ka talaga." I know.

"They will never do that to me. It was our plan. We almost captured you," I hissed.

"Kung ganuon ako kadaling makukuha, dapat matagal na akong nahuli ng mga pulis," sagot naman niya. "Hindi ka pa rin nagbabago, madali ka pa ring maloko," dagdag pa niya na agad nagpakunot ng noo ko.

We had nothing to say after.

"Kamusta na ang pamilya mo?" bigla ko na lang natanong na agad kong pinagsisihan.

"Wala akong pamilya. I left them. I'm on my own and this time, I will never lose a part of me again," He bitterly said and I had nothing to say after. Perhaps he's thinking that I'm behind everything... sinira ko ang pamilya niya. Pero ayokong masira pati ang pagkatao niya.

I felt bad lalo na nung naalala ko ang pagkasunog ng bahay nila...

"Bakit wala kang masabi? Pagkatapos mong sunugin ang bahay namin, hindi ka na ngayon makapagsalita?" He asked like a jerk. Ngayon lang siya nakipagusap ng ganito sa akin kaya naman hirap akong sagutin siya.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon