"Kanina ka pa nakatitig sa akin." pagputol ni Eros este Tyrell sa tingin ko sa kanya. Hindi pa rin talaga ako sanay na tawagin siya sa totoo niyang pangalan. Mas lalong hindi ako makapaniwala na hindi ko inisip na iisa pala si Eros at ang kapatid ni Bianca na nakasama namin sa resort ng mga kaibigan ko.
"I can't believe na iisa kayo ng masungit na lalaking nakilala ko. Well, hindi na ako magtataka kung bakit ang dami niyong pagkakapareho para sa 'kin-"
"Ang daldal mo." I saw him smirk and I just rolled my eyes.
"Ayan ang sungit mo na ulit kasi magaling ka na." Inirapan ko siya ng isa pa. Pumasok siya sa CR habang malalim ang pagtawa para makapagbihis dahil aalis na kami ng ospital ngayong araw. Mabuti nga at hindi ko rin talaga gusto ang pagpunta sa ospital bata pa man ako.
Habang nagiintay, hindi ko maiwasang isipin ang una naming pagkikita ni Eros sa bahay. Akala ko pa noon ay masamang tao siya at may kung ano siyang balak sa akin at pamilya ko.
Then he became my knight.
Nagkaroon din ng pagkakataon na akala ko nawala siya at hinayaan niya ako 'yun pala siya rin si Tyrell...Kaya hindi mawala-wala ang paningin niya sa akin noon. Siya rin 'yung lalaking may gusto raw sa akin sabi ng kapatid niya.
Teka! Totoo nga kaya 'yon? Pero hindi ba may girlfriend siya? Imposible talaga. Gusto pa yatang mambabae ng isang 'to ah.
But who is really that lucky girl?
Anyway, back to our mission. Napagusapan namin na kailangan ko raw ipakita sa lahat na buhay ako ngunit paano? Kailan naman ang tamang pagkakataon? Minalas kami nitong nakaraan kaya paano namin masisiguradong iba na ngayon ang mangyayari sa kapalaran namin? Paano kung higit pa ang mangyari?
"Ayos ka lang?" boses iyon ni Eros kaya napatingin ako sa kanya. As expected ay nakasumbrero at shades na naman siya. "Sobra yang pagkakakunot ng noo mo."
"Bakit nakaganyan ka na naman?"
"You're not the only reason why I hide my identity Miss Rose." seryoso niyang sinabi at napabuntong hininga na lang ako. Syempre mapanganib pa rin naman kasi.
He made me wear his black hoody and I didn't resist this time. I know he has his reason and I'm going to do what he wants. Ayoko naman na bumaha na naman ng dugo. Baka hindi ko na kasi kayanin at mag break down na ako.
Naging tahimik lang ako sa buong byahe namin pabalik sa rest house. Pinilit niya kasi na siya ang magmamaneho kaya wala na akong nagawa. Sa totoo lang ay nakatulog na rin yata ako dahil sa muling pagbukas ng mga mata ko ay nakahinto na ang sasakyan at wala na si Eros sa tabi ko. Para naman akong nilagay sa freezer.
Nakaramdam ako ng pangamba dahil baka iniwan na rin niya ako gaya ng pamilya ko o may nangyari sa kanyang masama nang hindi ko namamalayan dahil tulog ako!
"Eros?" tanong ko pagbaba ng kotse. Hirap na akong lumanghap ng hangin. Tumingin ako sa paligid bago naglakad papasok ng rest house. Rumehistro sa isip ko ang mga namatay na tao sa bahay namin. Nanginig naman ang mga tuhod ko. Nanlambot ito sa sobrang takot. Mas nilakasan ko ang pagtawag, "Eros? Eros!"
Saan na ba kasi ang isang 'yon?!
May humawak sa balikat ko at napasigaw ako sa gulat. "Ako lang 'to!" Kumalma lang ako nang magsalita siya. I know his voice. Alam na alam ko na ito ngayon kaya hindi ako maaaring magkamali.
"Bakit naman iniwan mo ako ha?! Akala ko ano nang nangyari! Akala ko-"
"Shhh." Nagulat ako sa paghaplos niya sa buhok ko. Natulala ako. I'm still not used to this kind of comfort or treatment I'm getting from him. Dapat ba akong matuwa dahil ganito siya sa akin? Matakot dahil sa hindi ko alam kung ano ba itong pinapakita niya? O malungkot dahil sa alam kong may iba naman siyang mahal at umaasa akong mapunta sa akin ang nararamdaman niya?
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
AksiAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...