Kabanata 17 : Meet Mirna Dimalanta

640 27 8
                                    

"Naku mari! Ang alam ku patay na amu neyu. Anu nang baleta? Senu na bang bagu nyung buss?" I gulped but still managed to smile para hindi sila makahalata. This act is freaking me out. Humanda ka talaga Eros kung pangti-trip lang 'tong ginagawa mo sa akin ngayon. Ang hirap pero kailangan kong kayanin para makuha ko ang impormasyong kailangan namin. Hindi rin pwedeng malaman na ako si Ever dahil baka manganib ang buhay ko lalo't 'di pa namin alam kung sino ang tunay naming kalaban.

Ginagamit ko lang naman ngayon ang mga natutunan ko sa drama class ko nung college. Parte kasi ito ng new identity na suggestion ni Eros. Nandito ako ngayon mismo sa S.E.E at nakikichismis sa mga empleyado habang nagbebenta ng miryenda! Mabuti nga at hinayaan akong pumasok dito sa loob nung mga guards kasi chinika ko rin at binentahan. Naisip ko tuloy na pwede pala akong maging tindera sa hinaharap. Wag nga lang Bisayang tindera kasi ang hirap! Halos makagat ko na ang dila ko.

I am doing this because we need to get an update on everything that's going on with our company after the reported death of my father. This is our first move.

Kaya ko pa 'to!

Kausap ko ngayon ang secretary ni Daddy na si Ms. Honey at mukhang hindi ako nakikilala nito. Paano nga naman niya ako makikilala eh binago talaga ni Eros ang itsura ko!

Tanda ko pa kung anong nangyari kanina sa rest house...

***

"Ang baho naman!" reklamo ko kay Eros.

"Mas hindi kapani-paniwala na mayaman ka kapag iyon ang pagpapakilala mo sa sarili mo." He's still convincing me while doing sort of things with my face and hair. Oo at mukhang make-up artist at hair stylist din siya. Teka, hindi kaya bakla talaga ang isang 'to? Ewan ko!

"Seriously? You want me to introduce myself as Mirna Dimalanta? Ikaw ba ang nakaisip 'non ha?" Napabuntong hininga na lang ako. Gusto niya kasing Mirna Dimalanta ang maging pangalan ko. Oo hinding-hindi talaga ako malalanta! 'Di na kailangang diligan!

Wala naman siyang reaksyon sa inis ko at iginiya lang niya ako sa harapan ng salamin pagkatapos niya akong ayusan. Napabuntong hininga ako.

That's when I really freaked out. "What did you do with my face?!" May diin sa bawat salita ang tanong kong ito.

May bangs lang naman ako ngayon na halos umabot na sa mata ko tapos nakatirintas magkabila ang buhok ko. Hindi lang 'yon dahil sa may make-up pa ako ngayon na pagkakapal-kapal! 'Yung kilay ko parang tinubuan ng marami sa kapal ng eyebrow na nilagay niya! I look so hilarious with my red lips na animo sasabak sa club! I couldn't contain myself anymore kaya nahampas ko si Eros sa tabi ko ng ilang ulit hanggang mapa-aray na siya. "Pinaglalaruan mo ba ako ha?! Sabi mo ikaw bahala eh ano 'to?! Ano 'to?!" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang sa mapaupo na kami sa sahig dalawa at natahimik ako. I was on top of him!

"Miss Mirna Dimalanta, please cooperate." He said mockingly and I just rolled my eyes.

Oo at lahat ng laman nung nilapag niya sa lamesa ay pang-disguise naming dalawa!

Tumayo ako at ganun din siya. May kinuha siya mula sa isang plastic at iniharap ito sa akin. An orange cheap dress.

***

"Ayun hinahanap pa rin 'yung asawa at anak ni Mrs. See. Pero ang usap-usapan, uuwi 'yung kamaganak nila galing sa ibang bansa at 'yon na ang magiging bagong boss namin." pabulong na tsismis ni Ms. Honey habang kumakain ng puto na binili niya sa akin.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Uuwi si Tita Felicia at Dheniel dito sa Pilipinas? Sila lang naman 'yung kamaganak namin na kilala ko eh. Pero ibig sabihin ba sila ang may kagagawan sa lahat ng nangyayari sa pamilya ko? Kung sabagay ay nung nanduon ako sa kanila ay ramdam ko namang hindi nila ako gusto... may chance na sila ang nasa likod ng lahat ng 'to.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon