Kabanata 12 : Ingay sa Kwarto

763 24 11
                                    

Sino ang nasa kwarto ko sa mga oras na 'to at ano 'yung ingay na nanggaling doon?

Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ni Eros sa mga sandaling 'to. Inilipat ko ang kamay ko rito sa takot na baka siya rin ang bumitiw sa akin kung hindi ko iyon gagawin. Ang bilis na rin ng tibok ng puso ko dahil sa kalabog na nanggaling sa kwarto ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid para malaman kung may tao ba bukod sa amin ni Eros. Nandito kami ngayon sa sala sa itaas ng bahay. Sa kaliwa namin 'yung kwarto ko at ng mga magulang ko samantalang sa kanan naman 'yung sa mga kasambahay. Mas malapit kami sa huli kong sinabi.

Ginawa nilang taas ang kwarto ng mga kasambahay para madali kaming mapuntahan kapag may kailangang iutos. May iba pa namang kwarto pero bakante ang mga 'to. Sa ibaba naman matatagpuan ang headquarters ng mga guards. Hindi ko nga lang alam ngayon kung anong lagay nila at kung alam ba nila ang kasalukuyang nangyayari. Ang alam ko kasi, bumaba 'yung dapat sanang magbabantay dito sa second floor.

Biglang nawalan ng kuryente kaya naman dumilim sa buong paligid. Napasigaw ako pero may tumakip sa bibig ko. Hindi na ako nagalala pa nang may humawak ulit sa kamay ko. Malamang ay si Eros ito dahil tanda ko ang gaspang ng kamay niya. Narinig ko ang pagbulong niya. "Don't speak. Just hold on tight." Hindi ako dapat matakot dahil kasama ko siya. Kailangan ko lang siyang sundin at magiging ligtas ako. Tama naman siya, kung magiingay ako ay mas madali kaming mahahanap ng mga nanloloob sa bahay naming.

Naglakad kami ng dahan-dahan at pinahawak niya ako sa pader. Pababa na kami nang makarinig ako ng malakas na pagtili. "Sh*t." sabi ni Eros at naalala kong hindi lang kami ang tao rito dahil may mga kasambahay kami. Maaaring may nangyaring masama sa kanila at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling tama nga ang hinala ko.

Ibig sabihin ay kung hindi kami umalis sa sala ay malamang sa malamang, naabutan kami ng kung sino mang pumunta sa kwarto ng mga kasambahay. Napalunok ako nang mapagtanto ko iyon.

Ayokong may inosenteng madamay dahil lang sa akin.

Magsasalita na sana ako nang hilahin na ako ni Eros pababa. Wala akong makita pero adrenaline rush na rin siguro ang gumagana sa akin ngayon sa kakaunting liwanag na naaaninag ko. Alam kong gusto akong ilabas ni Eros ngayon pero paano ang ibang tao rito? Iiwanan ko na lang ba sila gayong wala s ilang kasalanan? Sa kwarto ko sila nanggaling kaya ako ang puntirya hindi ba?

Huminto ako sa paglalakad kahit na hinihila na niya ako. "Let's go. Ano ba?" pinipilit niyang hinaan ang boses niya. Takot ako. Sobra. Pero paano sila?

"Iligtas natin sila." sabi ko pero agad siyang nagsalita.

"No." At nang sabihin niya 'yon ay nahatak na niya ako ng tuluyan.

Sa may pinto ay may nakaabang. Parang silhouette ang itsura niya dahil sa liwanag sa labas ng bahay at dilim kung saan siya nakatayo. Napatakip ako ng bibig dahil nakita kong may hawak itong baril na pinaiikot-ikot niya sa kanyang daliri. Napatago kami agad sa likod ng pader. Paano kami aalis gayong nakabantay siya sa pintuan?

Hindi kalayuan mula sa amin ay may naaninag akong mga nakahandusay. Nanlamig ang buong katawan ko dahil dito. Patay na ba sila?

"Paano mo ako tinakasan noon?" kalmadong tanong ni Eros na umagaw ng atensyon ko.

"My room." Tipid kong sagot at hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako paakyat ulit. Dahan-dahan lang at parang pinakikiramdaman niya bawat hakbang namin. Hindi ko na napansin na pumasok na pala kami sa isang kwarto na nung una ay nagtaka pa ako kung kwarto ko kasi magulo ang kama nito.

 Hindi ko na napansin na pumasok na pala kami sa isang kwarto na nung una ay nagtaka pa ako kung kwarto ko kasi magulo ang kama nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon