Bumagsak ako sa sahig sa pagpupumilit kong makawala sa taong pumipigil sa akin.
"Are you trying to kill yourself?!" malakas na sigaw ang gumising sa akin sa katotohanan. Ilang minuto na rin siguro akong nakatulala sa lugar kung saan ko huling nakita si Mommy. "Tingin mo may magagawa ka kung ililigtas mo siya ngayon? You can't even defend yourself!"
Nakita ko ang suot na sapatos ng taong nangielam sa akin. Kung hindi niya ako pinigilan ay baka nasundan ko pa si Mommy at ang sasakyang tumangay sa kanya. Tumingala ako upang malaman kung sino ang pakielamerong ito.
"T-Tyrell?" Hindi ako makapaniwalang sinundan niya pa rin ako hanggang dito. Kaya nga lang ay nakasuot na naman ang disguise niya. Nakaitim siyang sumbrero at shades gaya ng Eros na una kong nakilala.
Aalalayan niya sana akong tumayo pero mas pinili kong unahan na siya. Kinuha ko ang mga dala ko at tyaka naglakad sa direksyon na pinuntahan ng kotse nila Mommy.
"Saan mo ba balak pumunta?" Narinig ko pang tanong ni Tyrell pero hindi ko siya nililingon. Bakit ba kasi niya ako pinakielaman pa?! Kung hindi siya nangielam ay hindi sana nakaalis sina Mommy!
Mas binilisan ko ang paglalakad nang maramdaman ko ang pagagos ng luha sa magkabilang pisngi ko. Wala akong lakas para makipagtalo sa kanya ngayon dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung saan ako pupunta pero isa lang ang sigurado ako. I will do everything to save my mother and to be able to do that, I have to save myself first. Tama si Tyrell... Kung hindi ko maiaayos ang buhay ko ay siguradong wala akong magagawa para sa nanay ko. Nagkaroon na ako ng rason para mabuhay ngayon.
Sumakay ako ng jeep para makalayo kay Tyrell pero nakita kong may sumusunod pa ring kotse sa jeep na sinakyan ko. I know it's him... Ano ba ang gusto niyang gawin at sinusundan pa niya ako? Nagi-guilty ba siya? Pwes 'wag na lang. Pity? Hindi ko rin kailangan ng awa niya.
I have to think straight now if I want to help and save my mother.
***
Sumakay pa ako ng bus pagkababa ng jeep at ngayon nga ay nandito na ako sa probinsya na palagay ko ay hindi ako masyadong kilala. Gabi na nang makarating ako kaya naman naghanap muna ako ng matutuluyan para ngayong gabi. Hindi na ako ganuon kakumportable lalo na at hindi ko na namataan si Tyrell sa paligid. Naligaw na siguro siya o 'di kaya ay sumuko na sa pagsunod.
Sa Jollibee kaya ako mag-stay tutal 24 hours naman itong bukas? Ay wag na lang pala dahil mahirap 'yon. Masakit sa likod at kakailanganin kong bumili ng bumili. Hindi rin ako makakatulog ng maayos.
Pinili kong magtanong sa mga tao kung saan may matutulugan sa lugar na 'to. Nakakapagod pero sa guard na ako lumapit ngayon.
"May alam po ba kayong pwedeng matulugan malapit lang dito? Pang isang gabi lang sana," paglalakas ko ng loob lalo na at tiningnan na ako nito mula ulo hanggang paa. 'Wag lang niyang subukan na gawan ako ng masama!
May lumapit na babaeng maigsi ang suot. Tingin ko ay nakainom din ito dahil sa kanyang amoy at narinig niya ang tanong ko dun sa guard, "Ay miss galing ako dun sa motel dyan lang, dun ka na lang."
Hindi na ako mayaman gaya ng dati dahil savings ko na lang ang bubuhay sa akin. Kaya naman hindi ko ito dapat na aksayahin. Pupuntahan ko na lang siguro ang motel na sinasabi niya.
Pagkatapos kong magpasalamat sa kanila ay dito na nga ako nagpunta. CharMaine Court ang pangalan ng motel na itinuro sa akin nung babae at pagpasok ko puro lalaki ang sumalubong sa akin na nagtatrabaho rito. Aatras pa sana ako pero nagpatuloy din. Tatagan na lang talaga 'to ng loob lalo na at bumuhos na ang ulan.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...