Huminto ako sa pagmamaneho nang makarating ako sa bar kung saan kami nagpunta noon nila Emily at Drix. I decided not to park it and so I stayed at the driveway instead. Baka kasi kailanganin agad itong paandarin pagdating ni Eros.
Nanginging ang mga kamay ko nang bitawan ko ang manibela. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung paano ako mapapakalma. Mabuti pa sana kung bangungot lang ito pero hindi, totoo ang mga nangyayari.
Dito namin napagusapang magkita ni Eros pero ilang minuto na akong nandito at hindi pa rin siya sumusulpot. Pilit kong tinitingnan kung nasa labas na ba siya para agad ko siyang mapagbuksan. Ni-lock ko kasi ito incase na may masamang loob na magbalak pumasok. Ayoko nang magpakampante ngayon lalo na at ang dami nang nangyayari na higit pa sa inaakala ko.
Biglang pumapasok sa isip ko ang nakita ko kanina habang papunta ako rito.Eros was fighting with them alone. He could make it right? Malakas siya kaya hindi siya magpapatalo sa mga gustong pumatay sa akin. I trust him... And I think he's the only one I could trust right now.
Nag-ring ang phone ko at nakita kong si Emily ang tumatawag kaya agad kong sinagot. "Nasa news ang pamilya mo! Are you okay?" tanong nito na halatang nagaalala. Kung nasa balita kami, sana ay matulungan kami ng awtoridad. Sana pati ang mga magulang ko mailigtas nila bago mahuli ang lahat.
"Yes I'm okay. Babalitaan ko na lang kayo agad." Binaba ko na ito sa takot na baka madamay pa pati ang kaibigan ko. They shouldn't know anything about me so as not to put their lives at risk.
Tama nang alam nilang ligtas ako. But for how long right?
Inintay ko si Eros kahit na ang pagandar ng oras ay pinapatay na ako. What if right now he needs someone to save him and I'm just here waiting?
I was about to break down until I saw a man running towards where I'm actually sitting. I mean palapit sa van. Sobrang bilis ng takbo nito! Kung hindi ko agad ito nakilala ay hindi ko pagbubuksan ng pinto. Lumipat ako sa likod habang siya naman ay mabilis na pinaandar ang sasakyan kahit nakabukas pa ang pintuan. Ilang putok ng bala ang narinig ko kaya napatago ako. Tinakpan ko rin ang aking magkabilang tainga. "They're still alive?!" I yelped. I could hear gunshots loud and clear. Gusto kong batukan ang sarili ko sa pagtatanong dahil halata na naman ang sagot.
"What's happening?!" tanong ko ulit nang masara na ni Eros ang pinto at pinalilipad na niya ang van ngayon.
"I'm sorry, they're hard to fool. Nagpadala pa sila ng mga tao. And... Miss Rose, I'm also sorry because I need to do this. Hold on tight." Mabilis at hinihingal niyang sinabi kaya napakapit agad ako sa kinauupuan ko. Para kaming lumilipad at iniitsa pakaliwa at pakanan. Hinahabol kami ng itim na sasakyan at tingin ko ay balak niyang iligaw ito. Kailangan naming makalayo sa kanila!
I cried when I heard a gunshot from the back. "Stop looking! Yumuko ka lang!" sigaw ni Eros and I did what he asked me to do without but's!
Hindi ko alam kung ilang santo na ba ang natawag ko para lang maging ligtas kami ni Eros. Ayokong silipin ang daan namin pero alam kong nakailang ikot na rin kami pakanan at pakaliwa para lang hindi na masundan ng mga 'to. Ang tibay nga lang nila dahil kanina pa ganito ang aming ginagawa pero nakasunod pa rin sila. Sa totoo lang ay masakit na ang katawan ko at para bang binugbog ako ng paulit-ulit ng kung sino.
Ilang minuto ang lumipas nang maisipan kong sumilip muli sa harapan upang makita ang pupuntahan namin at pinagsisihan ko kaagad ito dahil napasigaw ako nang makitang may truck sa harapan namin "EROS!" mababangga kami kung hindi siya pupunta sa ibang kalsada!
Just when I thought his name was the last thing I could say, nalagpasan namin 'yung truck at nakita kong nagbanggaan na ang mga sasakyan sa likod namin. Kahit na malamig dito sa loob ay pinagpapawisan ako ng sobra. Itinira ko na lang ang puting sandong suot ko at itinaas hanggang tuhod ang pajama ko. Ipinuyod ko rin ng isa ang aking buhok dahil nanlalagkit na ang balikat at leeg ko dahil dito.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...