"Oh my God, you're alive!" Mangiyak-ngiyak si Tita Felicia habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin. Hindi ko alam kung dapat akong mapaniwala ng pag-arte niya dahil totoong panay ang agos ng luha sa kanyang pisngi. Kung wala akong alam tungkol sa kanya, na tinangka niya akong patayin bago pa man makabalik dito? Siguro naniwala na ako.
I sighed. Nakita kong kasunod niya si Dheniel na pinsan ko.
Patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato ang media. May ilan pang nagsagawa ng live coverage. Siguro naman ay hindi na nila ako magagawang saktan 'di ba? Not with all these people for sure.
Hinanap ng paningin ko si Eros pero wala na siya sa pwesto kung saan ko siya huling nakita. Saan kaya siya nagpunta at hindi man lang nagawang magsabi? Kakayanin ko ba nang wala siya?
"Masaya ako't buhay ka! Halika sumama ka sa amin ng pinsan mo at kailangan nating makapagusap." sabi ni Tita at nakaramdam ako ng pangamba lalo na nang tangkain niyang hawakan ako. Gusto nila akong masolo? Paano kung gawan nila ako ng masama?
Hindi ko hinayaang makalapit sila sa akin. Umatras ako ng bahagya.
"I prefer to be here in the party right now so maybe later?" I just laughed it off. Kaya nga lang mas nagmukha itong peke na hindi ko gustong iparating. Nagiging madali yata akong basahin.
Nakita ko ang sandaling pagbabago ng timpla ng kanyang mukha bago bumalik sa pagiging plastik.
Maybe she wants me dead right now.
Pinunasan niya ang kanyang luha bago nagsalita, "Okay, enjoy yourself." sabi niya bago maharang ng media. Narinig ko pa ang ilang tanong ng mga ito.
Si Ms. Ever Rose See na ba ang mamamahala sa See?
Ano nang mangyayari sa kumpanya?
Babalik na ba kayo ng Amerika?
Sana oo ang sagot niya sa huling tanong na narinig ko.
"Let's dance?" aya sa akin ni Dheniel nang magkaroon ng mabagal na tugtog. Nagbago rin ang kulay sa paligid. Bumalik na sa party ang mga tao at tila hindi na tanda ang nangyari ngayon lang.
"Sure." sabi ko dahil kahit papaano magkadugo kami.
Kasabwat kaya siya ng nanay niya sa pagpatay sa akin at pamilya ko? Is he that kind of person? I should know since I was the one with him in the States...
"Mabuti at buhay ka. Akala namin may nangyari na ring masama sa 'yo." He opened and I don't know if it's real.
Hawak na niya ang kamay ko at ngayon ay nagpunta na kami sa gitna kung saan abala sa pagsasayaw ang lahat.
Nanlamig ako nang mapagisip-isip kong nandito ngayon ang mga taong nagtatangka sa buhay ko... ang mga pumatay sa magulang ko...
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Dheniel na ikinabigla ko. I am really close to tears. "Namumutla ka."
"Are you really concerned?" hindi makapaniwalang tanong ko.
He smirked, "Of course. You're like a sister to me so let me give you an advice." He moved his mouth closer to my ear. I gulped. "Get lost like you never existed." I shivered at napabitaw ako sa paghawak sa kanya.
Kasabwat siya ng nanay niya?!
"A-are you threatening me?" magkahalong galit at takot na tanong ko.
"Like I've said, it's an advice." Napalunok ako dahil sa malalim na tingin niya sa akin. Nadepina lalo ang pag-igting ng kanyang panga. Madilim na rin ang awra nito kaya mas lalong makikita ang pagiging intsik.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...