Nang sabihin ko ito ay hindi man lang natinag ang ekspresyon ni Mommy. It felt like she already knew before I even told her - like she's only waiting for me to say it.
Inisip ko pa tuloy ulit kung may mali ba sa sinabi ko. Kung mali ba ang nararamdaman ko.
"I have nothing against what you feel dear... pero mas maganda siguro kung pagiisipan mo pa 'yan ng mas maigi," naging madiin ang mga huling salita na binigkas niya.
What's there to think about? I love Eros... I love Tyrell. I am in love with him and he said he's in love with me too.
"What do you mean Mommy?"
"Do you really know him well to love him?" She asked.
My mother's question hunted me that night. Oo nga at may punto siya. Hindi ko kilala ng buo si Eros o si Tyrell pero siya kilalang-kilala niya ako. Kahit nga 'yung naging ex niya hindi ko man lang nakita ang larawan. Gusto ko tuloy ngayon na makita siya upang maging malinaw ang tungkol sa aming dalawa.
Hahayaan ko na naman ba na magulo kaming dalawa? Hindi ba ganuon katatag ang pagmamahal ko kaya paulit-ulit ko siyang pinagdududahan?
It took a week before I got used to my old life as Ever Rose See. Ang hirap din talaga na magpapalit-palit ng buhay. Kaya nga umaasa akong huling beses na ito na kailangan kong mag-adjust. Mami-miss ko rin talaga ang maging si Psyche...
May mga inasikaso kami sa kumpanya lalo na at may mga nabago sa pamamahala rito. Nagtataka nga lang ako kung saan na napunta ang pinsan ko. After my aunt's death, parang bula itong naglaho. Inaasahan ko pa naman na maghahabol ito lalo na pagkatapos ng nagyari sa nanay niya pero wala. Parang "poof" magic at hindi na siya nagparamdam pa. Gusto ko siyang matulungan dahil alam kong nagiisa na lang siya pero I have no way to contact him at baka hindi rin niya ako gustong makita.
Nasa mall ako ngayon dahil sa sinabihan ako ni Mommy na bumili ng mga bagong damit at magpaayos. Patapos na naman ako dahil sa gusto ko na ring umuwi para sabay kaming maghapunan.
Pinadiretso ko ang buhok ko at mukhang humaba na ito ng bahagya kumpara nung nakaraan. Siguro naman ay hindi ko na hawig si Everlister lalo na at bumalik na ako sa buhay ko bilang Ever.
Pero ang ipinagtataka ko... Kahit na bumalik na sa dati ang lahat, may iba pa rin sa pakiramdam ko.
Hindi na rin kasi nagpaparamdam sa akin si Eros. Iniisip ko tuloy kung alam na niya ang sagot sa naging tanong ko sa kanya o patuloy pa rin niya itong hinahanap kaya hindi niya magawang magpakita sa akin. Mas mabuti pa sanang wag na niya itong sagutin para nasa tabi ko lang siya eh.
Karga ang mga dala ko, lumabas na ako ng mall at dumiretso sa parking lot para sa kotse ko. Binuksan ko ang radyo para hindi ako balutin ng katahimikan habang nagmamaneho pauwi. Tumugtog naman 'yung "Summer Nights" na mas nagpalungkot sa akin. Kahit na okay kami nung huli kaming nagkita, parang hindi ko na alam ngayon.
It felt like a long trip. Napapatingin na lang ako sa mga kotseng nilalagpasan ko at sa mga nauuna sa akin. Maybe this is what life really is. Sometimes it's full of happiness, sometimess it feels gloomy and there are times when you just feel nothing. May oras na parang mabilis lang ang lahat... may pagkakataon ding napakabagal na parang unti-unti kang nauubusan ng hangin.
Finally I reached our house.
Dati ay excited ako sa tuwing uuwi ako sa amin pero ngayon ay magkahalong kaba at lungkot parati ang nararamdaman ko. Paano ba naman... baka makatagpo ako ng eksenang hindi ko magugustuhan gaya ng nangyari noon. Masaya na lang talaga ako na isang linggo na ring walang panganib na nangyayari sa akin. Siguro nga ay si Tita talaga ang nasa likod ng lahat kaya nang mawala siya ay hindi na ito nagpatuloy pa. Masarap din talagang walang panganib ang bawat araw ko. Nakakatakot lang na baka dumating ang araw na mawala ulit itong katahimikan na 'to sa 'kin.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...