Kabanata 66: Being His Inspiration

382 17 0
                                    

Hindi mababali ang tingin namin sa isa't isa kung hindi dumating ang mga pagkain. Inilapag na ang order namin at nang maiwan na kaming dalawa ay tyaka siya nagdesisyong magsalita.

"Gaya ng sabi ko... I'm a fan of yours."

Edward's voice was husky and that sent shiver down my spine. Nakakatunaw ang tingin niya pero hindi ko ipinahalatang apektado ako lalo na at hindi pa rin malinaw sa akin ang kanyang sinasabi. Oo nga't malakas ang kanyang dating pero hindi ko pwedeng makalimutan na weird kung bakit kami ngayon nandito at magkaharap. It's either there's something scary about his intention right now or there's something genuine about it.

Nandito kami sa isang fine dining restaurant sa labas ng mall. Dito niya ako dinala para makapagusap kami. Mabuti na lamang nakakain ako kanina kung hindi ay baka inuna ko ang gutom ko imbes na mahiya sa mga oras na ito. Dalawa lamang kaming nandito dahil sa private reservation ito para sa kagaya niyang sikat. Ayaw naman namin na mapagpyestahan kami ng publiko dahil lang sa magkasama kami sa hindi malamang dahilan.

I crossed my legs and folded my hands above my lap. "So Mr. Limen, pwedeng linawin mo sa akin ang sinasabi mo? It's hard to believe that someone like you would be my fan."

Humalakhak ito at napabuntong hininga lamang ako.

"I've read your post online. About how you were bravely facing your fears. In fact naging usap-usapan ka talaga dahil sa mga nangyari sa 'yo. I am a fan because looking at you right now, I can see that you have become a very strong woman while overcoming those fears of yours," malalim ang kanyang tingin sa akin. 'Yung tipong nakakalasing ito. Magaling siyang maglaro ng mga salita para maparamdam sa akin na espesyal ako...

Ininom ko ang wine sa aking harapan. Walang gumalaw ng pagkain na hinain sa amin dahil sa binabasa namin pareho ang nasa isip ng isa't isa.

He's smiling all the time kaya naman mahirap alamin kung ano ang tunay na laman ng isip niya.

"You are my inspiration for the book that I am currently writing. Mabuti na nga lang at nalaman kong isa ka sa pupunta sa book signing ko. I still can't believe you are in front of me right now."

Dahil sa mukhang wala naman siyang balak na masama sa akin ay kinausap ko na siya ng maayos. Well, I really hate doubting people in the first place. Kaya nga madali akong maloko eh. Pero hindi naman siguro ganuon ang nangyayari ngayon.

"So you're writing a book about me?" nagtaas ako ng kilay. Syempre ay nagsusungit pa rin para seryosohin niya ang pakikipagusap sa akin.

He smirked, "Not literally about you, but about fears." He paused for a while. "Or do you want me to write something about you instead?" mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

"Well that's good. You don't have to write a story about me. But then, babasahin ko talaga ang sinusulat mong libro ngayon," sabi ko naman. "Malaki ang naitulong mo para maging maayos ako," pagtatapat ko pa.

Nagliwanag pa ang kanyang mukha sa narinig. Mukhang lumaki yata ang kanyang ulo, "Talaga? Then we should meet again some time para naman makabawi ka sa akin. Please give me some of your precious time."

Nakakatakot makihalubi sa ibang tao. Marahil dahil natatakot na akong magtiwala muli. Dahil sa hindi naman ako gaya ng iba. Mahirap talaga kapag kilala at alam na may hawak na pera. Parang ulo ko ang nakataya rito.

Napailing ako, "Wow ah? Hindi pa sapat ang pagbili at pagbasa ko ng libro mo?"

Tumingin siya sa kanyang plato at nagsimulang maghiwa ng steak, "Yes because I want to know you better."

Huminga ako ng malalim, "Wow. You're very straightforward." Tumawa kaming dalawa.

"I want a picture of us pala! Ang pangit kasi ng kuha ng assistant mo kanina," sabi ko habang tumatawa. I want to at least be friends with him. Nagulat ako nang tumayo siya mula sa long table at lumapit sa akin. Kinuha niya ang phone ko at itinapat sa aming mukha.

Kinabahan pa ako nang maramdaman kong sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. I could even smell his manly perfume. Nakailang kuha rin kaming dalawa at nang tingnan ko ay ito ang gusto kong kuha sana kanina. Although we're too close yata sa mga litrato.

"Thank you!" mabilis kong sinabi kahit na natagalan siya bago bumalik sa upuan niya. Para kasing may dumi sa aking mukha dahil sa labis niyang pagtitig. Ano kaya ang kanyang problema?

Masarap kausap si Edward Limen. May sense of humor, very entertaining, higit sa lahat ay kumportableng kasama. Hindi ko na nga namalayan ang oras kasama siya dahil pareho kaming madaldal.

Pagkabalik namin sa parking lot ng kinainan namin ay hindi ko na balak pang sumabay sa kanila pero ayaw niyang pumayag. "Enough of being very independent Ever," sabi pa nito kaya wala na akong nagawa. Ayoko na lang makipagtalo and in fact, libreng transpo na rin ito. Sumakay ako sa kanyang kotse at ihahatid daw ako nito sa aking condo.

"Hindi ka ba natatakot sa sumusunod sa 'yo?" bigla niyang tanong. Ngayon ay seryoso na siya. "I've seen someone again in the restaurant." Umigting ang kanyang panga.

Nagpigil ako ng hininga. So it's real? Someone's really watching my every move. Hindi ako namamalikmata or nagha-hallucinate lang.

"Nope. As long as wala namang masamang ginagawa sa akin it's fine," Because I am secretly hoping that it's Tyrell. Pero hindi ko ito sinabi kay Edward.

"Hindi ka na dapat mag-intay pa na may mangyaring masama. Gusto mo bang ihanap kita ng-"

"It's okay. May pupuntahan na akong kumpanya para magkaroon ng personal body guard," sabi ko naman kahit na natatakot akong kapag nagkaroon na ako ng bantay ay baka hindi na muling lumapit si Tyrell sa akin.

"Okay. I'm just worried," sabi niya at nagpasalamat naman ako.

"Thank you for the concern but I can really manage," sabi ko.

Nang makarating na kami sa condo ko ay nagsalita muna ako bago bumaba, "Maraming salamat! I had fun tonight."

"I had fun more than you do gorgeous," sabi niya at napangiti na lang ako sa kanyang pagiging cheesy masyado.

Bumaba ako at sinarado na ang pintuan. Tiningnan ko ang pagandar ng kotse papalayo mula sa pwesto ko. Natigilan ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ako umalis sa parking lot. Walang ibang tao kung hindi ako...

Tumayo lang ako at pumikit. Pinakiramdaman ko ang paligid ko. If he's here, I want to talk to him.

"I still love you Tyrell... Let me-" bumuhos agad ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan talaga ako sa tuwing binabanggit ko ang pangalan niya.

"Let me see you. Let me feel you," humikbi ako hanggang sa binalot lamang ng katahimikan ang buong paligid. He's not coming near me at all and I hate it! "Bakit ba ang hirap para sa 'yo na magpakita sa akin? Bakit kailangan kong mabaliw ng ganito dahil sa 'yo?"

"I love you Tyrell! Mahal na mahal kita!" Naubo ako at naramdaman ang hapdi ng lalamunan ko.

Narinig ko ang sarili kong paghikbi.

"Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito?!" I screamed on top of my lungs. Napaupo ako sa sahig habang nakatakip ang dalawang kamay sa aking mukha. Gusto kong saktan muli ang sarili ko gaya ng dati. Gusto ko na lang tapusin 'tong sakit sa loob ko.

Suddenly, I saw a can of beer rolling on the cement. Tumigil ito nang tumama sa sapatos ko.

Natulala ako at nakitang may binti sa aking harapan. May kaunting pag-asa na umusbong sa loob ko. Tyrell?

Nag-angat ako ng tingin at nakita siyang muli.

"Edward?" tanong ko nang makita muli di Edward Limen dahil alam ko umalis na siya kanina. Sakay siya ng kanyang kotse at kanina pa ito nakaalis. Kaya paanong nandito siya muli?

"Let's drink?" tanong niya habang pinapakita ang latang hawak niya.

Tumango ako nang hindi ko namamalayan bago niya pinulot ang lata sa sahig. Tinulungan niya rin akong tumayo at nagpagpag ako ng damit.

He's really full of surprises.

Edward and I were walking together while he was trying to wipe away my tears when a car from the parking lot suddenly sped up and drove away. Balak kong hindi pansinin but that caught my attention though. Kulay pula ang sasakyan nito na parang race car.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon