Naramdaman ko ang vibration ng phone ko. Nung una ay hindi ko ito pinapansin dahil sa antok na antok ako pero nang pumasok sa isip ko na may usapan nga pala kami ni Edward ngayon ay agad ako nagising. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan!
Inakap ko ang sarili ko dahil parang lumamig yata rito sa sala. Ang sakit tuloy ng katawan ko dahil sa hindi maayos ang pagkakahiga ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinain ng pagod sa araw na 'to.
Kinuha ko ang phone ko at nakita na ilang text ito galing kay Edward. Hindi na raw siya matutuloy sa pagpunta dahil sa biglaang event na nadagdag sa kanyang schedule. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko kanina pa siya nagiintay sa akin. Usapan kasi namin ay pupunta siya ng 9 pm at almost 3 am na ngayon! Hindi lang ata idlip ang nagawa ko.
Nag-reply muna ako sa kanya dahil akala yata niya nagalit ako dahil hindi ako sumasagot. Sa huling text niya ay panay na ang hingi niya ng sorry.
Pagtapos kong ma-send ang text message ko kay Edward, tumayo na ako at bahagyang naginat. Pupunta na sana ako sa kwarto ko upang doon ituloy ang pagtulog nang makarinig ako ng katok sa pinto.
Syempre ay agad akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi na pupunta si Edward kaya sino naman ang pupunta sa unit ko ng ganitong oras? Naniniwala pa naman ako na may multo kapag 3 am! Kinikilabutan na ako with just the mere thought of it!
Napatalon ako nang may sumunod pang mga katok. Hindi naman ito malakas pero nakakatakot naman kasi! Wala akong inaasahang bisita!
Paano kung hindi nga ito multo? Paano kung may tao na gusto akong gawan ng masama? Aba mas nakakatakot iyon!
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto para masilip kung sino ito. Nakahalukipkip ako at panay ang paglunok. Pinagpapawisan na ako ng malamig.
Sumilip ako sa may bilog sa pinto imbes na buksan agad ito. Malay ko ba kung sino na ito at baka may kung anong gawin pa sa akin.
To my surprise...
Anong ginagawa niya rito? At ganitong oras pa talaga?
I saw Eros.
Agad kong binuksan ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang akapin niya ako nang mahigpit. Pawisan siya na para bang nag-marathon. He looks very exhausted habang mahigpit ang yakap sa akin. Syempre gulat na gulat naman ako dahil sa nawala ang distansyang siya mismo ang humingi mula sa akin.
"Are you drunk?" I asked dahil hindi naman siya ganito sa akin these past few days. A
minado ako na ilang ulit kong hiniling ang ganitong pangyayari pero ang gawin niya ito sa ganitong oras ay hindi ko pa rin naiintindihan. I reached for the door at sinarado ito upang hindi makaabala sa iba.
Hinayaan kong kumalma muna si Eros kahit na takang-taka ako sa kanyang kinikilos. Ang lalim ng kanyang paghinga. Halata ngang tumakbo ito. Bakit naman kasi siya nagmamadali?
"Anong problema?" tanong kong muli dahil akala ko maayos na ang kung ano mang mayroon kami. Sinabi ko sa kanya na tapos na ang deal namin pero bakit siya nandito ngayon? Bakit parang ang hirap ng pinagdaanan niya bago nakarating dito sa condo ko?
"I can't..." Humugot siya ng hininga. Ako ang nahihirapan para sa kanya. "I can't let you go..."
Tumigil ako sa paghinga. Tama ba ang narinig ko?
Hinarap niya ako at nabigla ako nang makita ang pagbuhos ng kanyang luha. Hindi ko alam kung bakit pero mas nasasaktan akong makita siya na umiiyak. Akala ko hindi ko na iisipin pang siya si Tyrell pero seeing him like this, makes me believe in miracles.
"I wanted to wait but I really can't. Please tell me it's okay... please tell me you are already okay to be with me," Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Takot na takot siya. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata at sa higpit nang pagkakahawak niya sa magkabilang braso ko.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...