Kabanata 50: Ang Pagtataksil ni Emily
Sabi ni Tyrell ay magtiwala lang ako pero talagang iba ang kutob ko sa narinig kong boses. Bukod sa boses ito ng babae, pamilyar ito sa akin pero hindi ko maisip kung sino unless makita ko o magpakilala siya. Lalo na at parang lasing ang pagsasalita nito.
Inintay ko na marinig ko sa kabilang linya ang boses ni Tyrell para naman makasigurado akong siya nga ang tinawag na Tyrell nung babae. Baka naman kasi may kapangalan lang siya.
Sa ginagawa ko, alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko pero mahal ko 'yung tao eh. Ayokong magduda na naman ng walang pinanghahawakang kahit na ano.
"Emily, pwede mo nang itigil ang pagkukunwari mo ngayon," Napatakip ako ng bibig dahil sa boses ito ni Tyrell at si Emily 'yung babae kaya pamilyar ako sa boses. Bakit naman magkasama sila gayong hindi naman sila magkasamang umalis kanina?
Gusto ko mang tapusin na ang tawag ay may nagudyok sa loob ko na makinig pa. Is this an accidental call or sinadya ni Emily para marinig ko?
"What? I'm not pretending. You came all the way here to flirt with me right? Sabi mo hindi mo naman talaga mahal si Ever-"
"I know what you're trying to do and you're trick won't work on me. Calling her through my phone right now just adds fuel to the fire. Pero mas maganda na rin ang ginawa mo."
Oo sa sinabi ni Emily ay parang sasabog na ang puso ko pero biglang pumasok sa isip ko ang bilin ni Tyrell sa akin. Kung bakit magkasama sila, sigurado akong may dahilan at kailangan ko talagang magtiwala sa lalaking mahal ko.
Alam din niyang nakikinig ako sa mga oras na 'to. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit mas magandang nakikinig ako sa pribado nilang paguusap? Kung may malisya ito ay hindi niya gugustuhin na malaman ko kaya siguro iba ang nangyayari ngayon.
Natahimik sila kaya tuloy mas lalo lang bumilis ang paghinga ko.
Nakarinig ako ng ilang yabag na para bang nilapitan ni Tyrell si Emily, "Tell me everything you did to hurt her. Mas magandang umamin ka na ngayon sa amin kaysa patagalin mo 'yan sa sarili mo at gabi-gabi mong pagsisihan," mariing sinabi ni Tyrell na parang nagpabagal sa mundo ko.
Kung ano man ang malalaman ko ngayon, siguradong may magbabago na naman sa buhay ko.
"Kung hindi mo kayang ikwento, sagutin mo na lang ako ng Oo o Hindi," Tyrel sounded so impatient like me. I'm dying with anticipation.
"Please wag..." pagmamakaawa ng kaibigan ko. Gustuhin ko man na si Emily ang kampihan sa pagkakataon na ito ay mas pipiliin kong pumanig kay Tyrell ngayon. Mukhang siya ang tama kung hindi madedepensahan ni Emily ang sarili niya.
"Doon sa club noong magkaroon ng chloroform, ikaw talaga ang may pakana noon kaya nawala kayo sa eksena ni Drix tama ba? Sinadya mo para malanghap ni Ever."
Natahimik na naman sila kaya mas lalo kong idinikit ang phone sa tainga ko. What I heard did not make sense...
"Tama ba?" paguulit ni Tyrell na mas mariin pa.
Narinig ko ang mabilis na paghinga ni Emily sa kabilang linya, "Oo! Pero-"
Mabilis kong inisip kung ano ang tinutukoy ni Tyrell at naalala ko rin 'yung nangyari noon na muntikan ko nang ikamatay. Matagal na kasi iyon kaya hindi ko agad naalala. Ibig sabihin... si Emily ang nasa likod 'non? Ako ang gusto niyang saktan at siya ang-
"Noong magsarado 'yung elevator habang nasa loob si Ever, ikaw rin ang may pakana 'di ba?"
"Oo..."
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...