"Anong nangyari sa 'yo?" mariing tanong sa akin ni Tyrell. Sobrang nagaalala ang boses niya. Nakayuko lang ako ngayon. Hindi ako kumikilos o nagsasalita pero panay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Syempre naman hindi ako bato.
Siguro ay na-miss ko lang talaga siya and it's so fortunate to have him right now when I need him the most.
Pero naaawa siya for sure.
Ano ba naman Ever! Ngayon ka pa ba magiinarte?! 'Yung totoo?
"Psyche." Boses iyon ni Alastair (nawalan na ako ng respeto at magre-resign na ako sa kanya) at mukhang naka-recover na siya sa ginawa ko kaya nandito na siya ngayon. Syempre nagangat na ako ng tingin at napatingin na ako sa kanya lalo na kinabahan ako sa pagtawag niya sa akin.
Pagkatapos ng nangyari sa basement, ano pa ba ang kailangan niya sa akin? Kulang pa ba 'yung sakit para tigilan niya na ako?
Ikinabigla ko naman ang paghigit sa akin ni Tyrell at itinago niya pa ako sa kanyang likod bago nakalapit si Alastair sa amin.
"Don't get close to him," bilin ni Tyrell na akala mo may alam sa nangyari. I was almost kissed by that demon!
Pagtingin ko sa paligid ay ngayon ko lang napansing nakarating na pala kami malapit sa front door. May guard pa rin sa labas at nakatingin na ito sa aming tatlo. Ayos 'yan dahil mukhang may mangyayaring gulo. Nararamdaman ko na ito dahil sa tinging ibinibigay nila sa isa't isa. They don't look friends now.
Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon pero sigurado akong tama ang hula ko na mukha akong basura. Yes and I hate to admit that.
"Bakit mo pa ako sinundan?" Nanginging pa rin ang boses ko!
"I'm sorry-" Bago pa man makalapit si Alastair sa akin ay nakatanggap na siya ng malakas na suntok mula kay Tyrell kaya napasinghap ako. Ibinalik naman ni Alastair ang suntok na ito kaya naging mainit lalo sa pagitan nila.
In short nagkaroon ng pisikal na away sa pagitan nila. What I did back in the basement was enough! Mukhang natuto na naman siya eh. Bakit ba kailangan pa nilang magkasakitan ngayon?!
Pinigilan ko si Tyrell bago pa niya mapatay si Alastair dahil sa lakas ng suntok niya. Nagsisipaan pa nga sila na parang mga bata eh. Ewan ko ba pero noong una ko silang makita ay mukhang malapit talaga silang magkaibigan kaya bakit sila nagkakaganito ngayon.
Tumulong naman 'yung guard sa pagawat kaya hindi na natuloy ang away nila.
Nang mapaghiwalay sila ay tyaka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Balak niyo bang magpatayan?!" sigaw ko para magising sila. May mga sugat na pareho ang mukha nila. Si Tyrell putok na ang labi tapos dumudugo yata ang ngipin ni Alastair!
"I told you to take care of her but what did you do instead?!" singhal ni Tyrell. Hindi ko alam kung bakit ganito siya magalit kay Alastair ngayon. Para kasing siya ang nasaktan at natakot, hindi ako. He takes it too serious as if his life depends on it.
Is my knight back?
Or is he more than that right now?
"You have no right to ask help from me!"
"Pumayag ka tapos tatraydurin mo ako? Anong klase kang kaibigan?"
Panay ang sumbatan nila pero wala naman itong mapatutunguhan.
"Bakit ba kasi siya nakipaghiwalay sa akin? Ano bang nangyari?!" Alastair asked in pain. Pinaalis na niya 'yung guard kaya kaming tatlo na naman ang naiwan. Inantabayanan ko pa rin dahil baka magtuloy ang suntukan nila.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...