Nakapikit ako habang ang mga kamay ko ay nakapulupot sa leeg ni Tyrell. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan pero pilit akong nagpakatatag kahit ang napakaraming emosyon ko ay kasalukuyang nagtatalo. Napakaraming tanong sa isip ko na hindi pa rin nasasagot ni Tyrell. Bakit siya nawala? Anong nangyari sa mga panahong wala siya? Ayos lang ba siya?
My lips moved tenderly above his, savoring every inch of it. I felt his arms enveloped my waist dahilan para mas mapalapit ako sa kanya. Napasinghap ako nang madali niya akong naiupo sa kanyang lamesa. Now this is much better unlike my earlier position. I know our lips are not in sync because I am not really used to kissing someone however I am trying my very best to make him feel how much I missed him. Marahan ko siyang nasasabunutan at nang mapaawang ang labi ko ay sinamantala naman niya iyon.
Mas lumalim ang kanyang halik sa akin and he's already responding. He completely occupied my mouth. As much as I want to focus on this very moment, my mind seems to be drifting away.
Images of what happened with us in the past haunted me. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa pero ang multo ng nakaraan ay biglang bumalot sa buong pagkatao ko.
My body started to violently shake.
Natigilan ako at agad na inilayo ang mukha sa kanya. Naghahabol kami pareho ng hininga. He looked at me with his weary eyes. He looked so... sad. I can't explain why pero alam ko na may malalim siyang iniisip at nasasaktan siya dahil dito. Bahagyang nagulo ang kaninang nakapirmi niyang buhok.
Habang tinitingnan ko naman siya ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Alam kong kailangan ko itong iiyak kaya naman hinayaan kong bumuhos ang luha ko. Nanlaki ang mga mata niya at agad akong hinigit palapit sa kanya para mayakap. Naramdaman ko ang pagsiksik niya ng kanyang mukha sa leeg ko, his hot breath sending shivers down my spine.
Nilabanan kong pilit ang mga alaalang nagpahirap sa akin. Nakatulong naman ang dahan-dahang paglapat ng labi ni Tyrell sa aking leeg. Para akong nalalasing sa kanyang ginagawa.
"Do you still remember me Tyrell?" I asked kahit na sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
He chuckled, "How can I forget you Ever?" Then he continued tracing my neck with his kisses.
"T-Tyrell..." Huminga ako ng malalim, "Ikaw na ba talaga 'yan?" tanong ko ngunit binangga ng tanong ko ang alaala ng pagkalunod ko noon. I pushed him away in an instant.
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang sakit sa kanyang mga mata.
"I knew it. Pero hindi ko na kaya pang magintay," He whispered at mas lalo akong umiyak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ako takot na takot? Bakit ako nahihirapan gayong ayos na nga ang lahat?
Wala akong masabing salita. Sobrang nanghihina ako ngayon at mabuti na lang may nakakapitan akong lamesa.
"I don't want to be your kryptonite anymore Ever..." Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Hindi ko matandaan kung nakita ko na bang umiyak si Tyrell ngunit mas masakit na makita siyang ganito at nahihirapan dahil na naman sa akin.
"What d-do you mean?" I stuttered. Nahihirapan akong huminga! Nanlalabo rin ang aking paningin...
Ipinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata bago ako tiningnan muli. Ngayon ay mas seryoso na ito.
"Sorry Miss Ever Rose See. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy mo pero hindi ako ang taong 'yon. Now, what do you want from me aside from stealing a kiss?" I got confused with the sudden change of his emotion. Halata namang nagsisinungaling siya kaya ano ngayon ang kanyang sinasabi?
Siya si Tyrell! Siya si Eros! Siya ang lalaking mahal ko!
I wanted to speak more of what's inside my mind pero bigla na lang nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...