Kabanata 43: Panahon Para Lumaban

520 20 9
                                    

Pagkatapos kong pumayag na talikuran na ang lahat ganito pa ang gagawin ng tita ko sa mga kaibigan ko? Sila na nga lang ang mayroon ako tapos tatangkain pa niyang patayin?!

They don't want me to leave, they want me and the people I love to disappear completely and I'm not going to let that happen. Ayoko nang may mawala pa na mahalaga sa buhay ko lalo na at inosente sila.

Inosente ako.

Oo at nagtagumpay sila dati na burahin ang pagkatao ko pero may problema na sila ngayon, hindi ako naging isang See dahil sa apelyido lang, I was raised to become the heiress of SEE; to think and behave like a See; and to die as a See.

Dinala na ng parents niya sa ospital si Emily at kami naman ni Tyrell, nakauwi na rin sa bahay. Imbes na makipagtalo kay Tyrell ay nagdesisyon akong dumiretso na lang sa kwarto. Hindi ko rin naman siya maintindihan at dahil ayaw niyang ipaintindi sa akin kung ano ang problema niya ay mas makakabuti sigurong hayaan ko muna siya. Baka sa ganuong paraan ay maproseso niya ng maayos kung bakit biglang nagbago ang mood niya pagdating sa akin.

Hindi kaya 'yung ex na naman niya ang dahilan? Ay ewan!

Nakatalukbong lang ako ng kumot habang pilit na iniisip ang dapat kong gawin para mapatigil na si tita. I have to think of something kung hindi ay maraming mapapahamak sa paligid ko.

Pumalpak dati ang plano namin ni Tyrell sa party dahil sa sumuko ako ng ganun na lang. Wala rin akong laban ng mga sandaling 'yon kahit na kung tutuusin ay dapat ipinakulong ko siya pagkatapos niyang patayin si Daddy na kapatid pa niya.

Sumugod lang ako at nagtago sa likod ng media. But what if I use the same formula and just add more to it? Mas maging epektibo kaya ito at magtagumpay na kami?

May kulang kasi sa ginawa namin noon, we don't have evidences to prove that my aunt is behind everything. Iyon ang dapat magkaroon kami sa pagkakataon na 'to.

Kinabahan ako nang maramdaman kong hindi lang ako ang tao ngayon dito sa kwarto ko. Malakas nga kasi ang pakiramdam ko. Hindi kaya may pumasok na naman mula sa bintana? Ako na kaya ang sunod kay Tyrell, Drix at Emily?

Hindi pwede. Hindi na ako dapat magpadaig sa kanila.

Inalis ko ang kumot ko at agad na sinipa ang kung sino mang nakatayo sa tabi ng kama ko without even thinking. Ginawa ko ang tinuro sa akin ni Tyrell noon.

Nagsisi nga lang ako agad pagkakita kay Tyrell na bumagsak sa sahig. "Bakit hindi ka man lang nagsabi na papasok ka sa kwarto ko?!" Akala ko kung sino na! Tuloy ay sa kanya ko pa nagamit yung itinuro niya!

"Kaya mo na palang ipagtanggol ang sarili mo," sabi niya and I felt bad habang tinutulungan siyang tumayo. Iniupo ko siya sa kama ko at ganun din ang ginawa ko.

"Bakit ba kasi bigla ka na lang nandito sa loob? Hindi ka man lang marunong kumatok?"

"Akala ko natutulog ka na kaya balak sana kitang bantayan lang. I never thought you'll become one of the characters in Kung Fu Panda tonight," He teased kaya agad nag-init ang pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita sa T-shirt niyang puti na may bahid ng dugo, "Ayan tuloy!" sabi ko sabay turo rito. Nagawa pa niya akong pagtawanan ah. Kumuha ako ng pampalit sa cover ng sugat niya at agad itong pinalitan pagkatapos buksan ang ilaw kahit na parang kanina lang ay hindi kami maayos.

"So nasa mood ka na ba?" paniniguro ko nang matapos na ako sa ginagawa ko sa sugat niya. Pagkababa ng shirt niya ay tyaka ko siya tiningnan sa mata.

Tumango siya na parang maamong tuta kaya naman hindi na naging bato ang puso ko. "Sus, sa susunod sabihin mo kasi sa akin kung ano ang nararamdaman mo at kung ano ang dahilan nun. Hindi naman ako manghuhula eh."

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon