"Miss Ever!"
Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil sa pagbukas ko ng aking mga mata, mukha na ni Tanjiro ang nakita ko at ramdam ko na ang malamig na tiles. May mga tao rin sa paligid ko na hindi ko naman kilala pero bakas sa mukha nila ang labis na pagaalala.
Huli kong natatandaan ang halik ng kung sino. Tapos bigla na lang nagdilim ang paningin ko. I have an idea but I don't want to think about it. Baka naman manyak lang iyon na walang magawang matino sa buhay.
"Are you okay? What happened?" narinig kong tanong ni Tanjiro at nang hindi ako makasagot ay itinayo na lang niya ako. It was so quick that I did not see things coming.
Wala akong masabi hanggang sa dalhin niya ako sa parking lot. "Itutuloy pa ba natin 'to? Sabihin mo lang at agad kong ipapatigil lahat," sabi ni Tanjiro kaya nagsalita na ako.
"We have to get him. We have to do everything and capture him," I insisted while he was trying to place me comfortably at the backseat. Kumbaga, now or never na talaga ang plano namin.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdamang mabuti ang mabilis na kabog sa loob nito.
***
We arrived safely in our rest house at doon ay sinimulan na nilang itali ako sa loob ng kwarto ko. Agad agad nga eh. Hindi na nila ako pinagsalita pa at parang praktisado na nila ang mga dapat gawin. Aba mukhang expert na sila sa ginagawa nila. Kung hindi ko alam ang plano namin, iisipin kong totoo itong nangyayari ngayon.
Kakausapin ko pa sana si Tanjiro kaso bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Saan na naman kaya lumusot ang karterong 'yon?
Nang matali na nila akong mabuti ay tyaka nila nilagyan ng piling ang mga mata ko. Hinayaan nga lang nila ang bibig ko para makasigaw ako gaya ng napagusapan.
Alam ko nasa apat ang kasama namin dito ngayon. Hindi pa kasama si Tanjiro sa bilang so anim kami ngayon sa loob ng rest house
Huminga ako ng malalim at nakahanda nang umarte. Syempre ay sumigaw-sigaw na ako. As in 'yung malakas. Dapat marinig ito kahit ng mga tao sa labas.
"Tulong!! Tulungan niyo ako! May tao ba dyan?!" tanong ko pa na parang may sira sa ulo. Ramdam ko tuloy ang pagpapawis ko dahil mas pinili nilang gumamit ng fan kaysa buksan ang aircon.
Gaya ng plano, maya-maya lang ay may panyo na sa ilong ko. Mukhang may binago nga lang sila sa plano namin...
Akala ko kasi ay iaarte ko lang ang paghimatay ko kaya confident ako sa lahat, iyon pala ay totoong patutulugin nila ako.
***
"Eat her yourself or let the wolf do it for you? It does't matter as long as that poor little red riding hood becomes a meal tonight."
***
Nang magkamalay ako, naramdaman ko ang sakit ng katawan ko dahil sa biglang paghigpit ng tali nila sa akin dito sa upuan. Parang kanina lang ay mas maluwang akong nakakahinga kaya naman nagsimulang manikip ang dibdib ko. Wala na rin akong maramdamang fan sa paligid. It's either pinatay nila o nawalan ng kuryente.
"May tao ba dyan? Tulungan niyo ako..." Totoong may takot na sa boses ko dahil wala na akong ideya sa nangyayari. Nandito na ba si Tyrell? Nagiintay pa rin ba kami?
I couldn't ask a real question to them dahil baka nandito na si Tyrell at mabuko pa kami sakaling gawin ko iyon.
Kung mahal pa niya ako ay pupunta siya... sigurado akong hindi niya kayang nandito ako sa panganib ngayon.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
AksiAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...