Kabanata 3 : Unang Banta

1.2K 40 1
                                    

"Ikaw ba? What are your plans now? Sa mga posts mo online, mukhang kagagraduate mo lang right?" sabi ni Emily. Nandito kami ngayon sa lamesa namin at nakakailang higop pa lang ako ng wine. Madali lang kasi akong mahilo kaya naman hindi ko balak uminom ng marami.

"Oo nga Ever, magtatrabaho ka na ba sa S.E.E?" tanong ni Drix. Halatang may tama na sila ni Emily pareho dahil sa mamula-mula na ang kanilang pisngi.

"Nope. After more than 20 years, I want to be just an ordinary woman. Hindi muna ako magtatrabaho." sagot ko.

Sa peripheral vision ko, nakita ko si Eros na papalapit. Napalunok ako dahil ang lakas na kaagad ng dating nito kahit na naglalakad lang naman siya. Naupo siya sa upuang katabi ng lamesa namin. Nakakainis lang kasi may balak pa atang chumismis o di kaya napagod tumayo. Para kasi siyang may sira sa ulo sa pwesto niya kanina. Mahigit dalawang oras din siyang nakatayo roon na para bang walang kapaguran.

Kanina pa nagiinit ang pisngi ko sa ginagawa niyang pagtitig sa direksyon ko. Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng babae na gustong-gustong pinagmamasdan ng kahit na sino.

Nakaramdam rin ako ng awa. Hindi nga kaya siya napapagod? Para siyang robot kung titingnan e. Natanong nga siya kanina sa akin ni Drix ulit e. Inulit ko na lang ang sinabi ko kanina at sinabing ayaw nitong nauupo.

Nilibang ko ang mga mata ko sa ibang tao. I just smirked when I noticed girls looking. Nakatingin sila kay Drix syempre. Sa batch namin, sikat na sikat siya dahil sa mestizo siya at sabi nga, sobrang matipuno. Ang lakas ng dating dahil sa magkabilang dimples na lumilitaw kahit na hindi siya nakangiti. Kaya nga pagmomodelo ang ginagawa niya ngayon dahil doon ang mundo niya.

Gusto ko na sanang tuksuhin si Drix doon sa mga babae pero mabuti at naalala ko na gusto siya ni Emily. Nakapagsabi na kaya ito ng nararamdaman niya sa kaibigan namin? Palagay ko ay hindi pa dahil hindi naman sila sweet dalawa tapos walang ilangan. Alam ko ang nararamdaman niya para rito noon pa man pero hindi niya ito masabi dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Wala siyang lakas ng loob pero sana ngayon ay magkaroon na siya.

Teka, malapit na palang magmadaling-araw...

"Let's dance!" sigaw ni Emily kaya imbes na magpaalam ay napasama ako sa kanila ni Drix sa dance floor. Hila-hila na rin nila kasi ako. Mabuti at wala namang tao masyado ngayon pero minalas ako dahil sa biglang dumami nang makarating na kami sa gitna.

Lumakas ang tugtog na halos bumasag sa pandinig ko. Tingin ko nga'y kulang na lang magkapalit na kami ng mga mukha sa sobrang siksikan. Nagiba-iba rin ang kulay ng ilaw. Seryoso, sinubukan kong i-enjoy. Nagsayaw ako pero hindi ko talaga ito mundo e. I couldn't do anything but frown.

Nakaramdam pa ako ng biglaang pagkahilo kahit hindi naman marami ang nainom ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero kakaiba ang pakiramdam ko. Para akong masusuka. Nawalan ng linaw ang paningin ko. Hindi ko na nga rin makita bigla sina Emily at Drix e.

Aalis na sana ako sa dance floor pabalik sa lamesa namin pero hilong-hilo ako. Masikip pa at hindi ako makaalis.

Hindi ko alam pero parang ayokong langhapin ang hangin. Tinakpan ko ang ilong ko. Pinilit kong wag huminga kahit na mahirap. Umiikot na ang paningin ko at naninikip na rin ang dibdib. Nagsimula na akong umubo.

Nakita ko na lang si Eros hindi kalayuan sa akin na papalapit.

Nagdilim ang paningin ko.

***

I've always imagined dying as if I'm having a deep sleep. It's like I'm having an endless rest. 'Yung tipong sa oras na mamatay ako, titigil na rin ang buong mundo. Siguro mali iyon. Siguro ang mundo ko lang talaga ang titigil. I'm not a hero or something.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon