"Gumawa ka ng paraan para mahuli si Eros. Dalhin niyo siya sa akin ng buhay para ako mismo ang pumatay sa kanya," sabi ko kay Tanjiro nang makabalik na kami sa mansyon. Wala pa si Mommy dahil sa may biglaang meeting pa raw. Hindi ko alam pero parang masyado siyang abala magmula nang bumalik ako at hirap akong makasama o makita man lang siya.
Siya na nga lang ang naiwan sa akin na pamilya pero parang wala pa rin siya..
"Pero kami na ang nagaasikaso nyan," Tanjiro said abruptly. I looked at him and he immediately looked away. Kita ko ang namumula niyang pisngi dahil sa malakas na sampal ko sa kanya kanina sa kotse.
Before he even spoke a word earlier, I slapped him really hard. What was that kiss for?! I couldn't ask him because I was too concerned with what Tyrell saw between us!
I sarcastically laughed, "What? Inaasikaso?" Tumawa ulit ako, "Seryoso? Eh bakit hanggang ngayon hindi niyo pa rin makita? Kailangan ko pa bang mangielam para lang makuha niyo siya?" Mapait kong tanong. I want - no - I NEED to see Tyrell and fix all this mess between us.
Isipin na niya ang gusto niyang isipin pero gusto ko lang talaga siyang makita at makausap. Gusto kong magkaalaman na kami. Patayin niya ako kung gusto niya.
Papatayin ko rin siya kung gusto ko.
***
Gagawa raw muna ng plano sina Tanjiro at pagkatapos ay tyaka nila ito ipapaliwanag sa akin at kay Mommy for approval. Nandito ako ngayon sa kumpanya namin dahil sa nagpahatid ako sa karterong manyak na 'to upang makausap si Mommy dahil nga hindi kami makapagkita sa bahay.
"Ano ba kasing ginagawa niya?" tanong ko kay Tanjiro. We were asked to wait by her secretary. Kung ako na ang nandito bilang boss ay baka hindi na ako pinaghihintay pa. I just want to ask her if she's okay and if nothing's wrong. Baka akala ko ayos siya at buhay pa pero kabaliktaran na pala dahil hindi ko pa siya nakikita.
"Talking with your father's lawyer," simpleng sagot ni Tanjiro. He looked so weird kaya naman tumayo ako at hinarap siya.
"Why did you do that?" tanong ko.
"What?" walang emosyong tanong niya pabalik.
"T-That kiss," I stuttered because of the tension building between us and nothing more.
Napapikit siya bago tumingin sa akin, "I just had to," He mumbled.
What a stupid way to say. Jerk!
Mabuti na lang at dumating na si Mommy kaya nawala na ang atensyon ko sa karterong manyak na ito bago ko pa siya masampal sa pangalawang beses.
Tatakbo sana ako para yakapin si Mommy pero parang wala siya sa mood at pagod na pagod. Imbes na sa akin ay kay Tanjiro siya nakatingin. "Nakapili ka na ba sa dalawa?" tanong pa nito na parang wala ako.
"Dinala ko si Ms. Ever dahil gusto ka niyang kamustahin," mabuti at sinabi ni Tanjiro, kung hindi ay parang extra lang ako rito sa kanilang dalawa.
"Oh dear, I'm just tired of eliminating a mouse in the company," Mommy said while trying to hide her weariness with a soft smile. "I asked Tanjiro to do that for me one way or another at mukhang alam ko na ang pinili niyang gawin."
A mouse? In the company?
***
I had a nightmare.
Nagising na naman ako agad dahil sa napanaginipan kong sasaksakin ako ni Tyrell sa dilim. Naghahabol ako ng hininga ngayon dahil parang totoo talaga ang nakita ko.
Hindi ko alam pero I feel so uncomfortable with everything that's happening in my life right now. Mas natatakot ako dahil hindi ko alam kung ligtas na ba ako o nasa panganib pa rin.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...