Ano naman ang rason niya para saktan si Drix? Alam niyang kaibigan ko ito at isa rin ito sa dahilan kung bakit iniwan ko ang pagkatao ko. Ayokong masaktan ang mga kaibigan ko at lalo na si Tyrell na mukhang kabaliktaran ng nangyayari ngayon.
Napapangiwi ngayon si Tyrell sa sakit at hindi ko ito matagalang tingnan kaya mas itinuon ko ang atensyon sa ibang direksyon. Kung ano man ang nangyari sa kanya ay dapat ko munang isantabi lalo na at nasasaktan siya ng sobra.
Balak sana akong lapitan ni Tyrell pero agad akong umiwas sa kanya. Napahawak ako sa ulo ko at pagkatapos sa beywang na naging patunay ng pagiging balisa ko.
"You're b-bleeding..." I stuttered.
Pumunta ako sa kusina para kunin ang nakatagong first aid kit. Mabuti na lang at may ganito rin sila rito sa bahay. Ilang ulit na kaya siyang umuwing ganito? After all, his identity as Eros should be kept secret.
I'm trembling not because I'm afraid of him but because I'm... I'm afraid that he'll die because of losing too much blood. Sa nakikita ko sa sahig, mukhang kagabi pa ang iba rito dahil kita sa kulay na tuyo na. "Tama ba 'yan ng bala ng baril?" I asked him to confirm even though it's already obvious. Gusto ko lang makipagusap sa kanya para masigurong ayos pa siya.
"Oo pero naalis ko na kagabi 'yung bala," Napapikit ako. Sobrang nahirapan siguro siya habang ako, mahimbing na natutulog.
"You should have asked me to help you," Para naman nakatulong ako sa kanya. Palagi na lang kasi siya ang may ginagawa para sa akin pero ako wala pang nagagawa na kahit na ano para sa kanya.
Nilapitan ko siya at agad siyang pinaupo sa couch. Maingat lang dahil halatang nasasaktan siya sa kaunting galaw lang. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ito napansin gayong kanina lang ay nagkita kami sa kusina. Siguro dahil na rin sa mas iniisip ko 'yung lasa ng niluluto ko...
Itinaas ko ng dahan-dahan ang kanyang T-shirt tyaka inalis ang duguang tela na nakabalot dito at doon ko nakita ang pinanggagalingan ng dugo niya. Malala ito at mukhang kailangang dalhin sa ospital!
I could see an opening surrounded by blood and skin. Kung hindi ako matibay sa dugo ay malamang na nahimatay na ako.
"Dadalhin kita sa ospital," sabi ko at itatayo na siyang muli nang umiling siya. Ano mang pilit ko sa kanya ay ayaw niyang umalis kami.
Siguro baka maging isa siya sa suspect kaya hindi siya pwedeng magpunta ng ospital. Kung hindi makikita ang nasa likod ng pamamaril, baka hanapin nila ang gaya niyang may tama ng bala sa mga ospital.
"Fine," pagsuko ko. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay linisin ang kanyang sugat.
I did my best but he seems to be in so much pain na halatang kinakaya lang niya. Parang ako tuloy ang nasasaktan sa bawat reaksyon niya.
Habang ginagamot ko siya, doon siya nagtanong tungkol sa bagay na agad nagpakonsensya sa akin.
"Don't you want to know if I'm the culprit?" His voice cracked and I stopped to look at his face.
For a moment, I know I doubted him... hindi ko kasi pinagisipan at hinusgahan ko agad siya sa isip ko. Pero hindi dapat 'yon nangyari kaya nahihiya ako sa kanya. Kung mayroon mang tao na dapat kong pagdudahan sa mundong 'to, he has to be the last one. Yes. It has to be that way.
"Pagkatapos mo akong iligtas ng paulit-ulit, imposibleng ikaw ang nanakit sa kaibigan ko." I said to him confidently.
Para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig dahil sa nakatulala siya ngayon sa akin. Parang balewala nga 'yung sakit na kanina pa niya iniinda pagkatapos ng sinabi ko.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...