"H-hindi pa ba kayo makakauwi?" I tried to remain calm kahit nanginginig ang boses ko. I'm thankful that I managed to at least call Eros despite the situation I'm in.
"Why? What's wrong?" I could feel the warmth of his voice this time. 'Yung pakiramdam ko yakap-yakap ako ng boses niya. Gusto ko tuloy maiyak, "May problema ba dyan?" tanong pa nito ulit nang hindi ako makasagot agad.
Huminga ako ng malalim, "May pumasok sa kwarto ko pero nakaalis na siya, h-hindi ko siya nagawang pigilan." Napakagat ako sa labi ko lalo na nang matahimik sa kabilang linya, "And I'm bleeding."
"Pauwi na ako. Don't worry." At naputol na ang linya. Hindi ko alam kung gaano katagal ko sila aantayin...
Pabalik-balik sa isip ko ang mga naranasan ko sa kamay ng Tita ko - sa kamay ng mga taong gustong pumatay sa akin. Ubos na ang luha ko para umiyak kaya naman nangibabaw lamang ang matinding takot sa loob ko. Mahigpit ang kapit ko ngayon sa bed sheet habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.
***
"Miss Rose!" Narinig ko ang pagtawag ni Eros sa akin. Akala ko ay matatagalan ang pagdating niya pero hindi naman pala dahil ilang minuto lang ang lumipas mula nang makausap ko siya ay nakarating na nga siya.
Bumukas ang pinto at akala ko una kong makikita si Bianca pero si Eros pala ito. Naghahabol ito ng hininga. Tumakbo siya palapit sa akin at tiningnan ako ng mabuti.
I couldn't look at him properly but it feels like he's so concerned.
Hinawakan niya ako at iniupo sa kama. Unti-unting napawi ang takot ko dahil kasama ko na siya. Tiningnan ko siya at malinaw na nakita ang kaba sa kanyang mukha.
Mahigpit ko siyang niyakap habang nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa takot dahil sa nangyari. "Nandito na ako, wala ka nang dapat ipagalala pa," mahina niyang sinabi habang hinihimas ang buhok ko.
Napangiwi ako dahil dito, "Ouch..." Hindi ko na napigilang sabihin. Dahil ito sa pagkauntog ko kanina sa pader nang itulak ako nung lalaki.
Iniharap niya ang mukha ko sa kanya at nakita ko ang kunot niyang noo, "May masakit ba sa 'yo?" Hindi ko naman masabing wala dahil nakita na rin niya ang sugat ko sa braso. Napasuntok siya sa pader at hindi ko alam kung galit ba siya sa akin.
"I'm sorry..." I said but he just hissed.
Wala akong sinabi na kahit na ano at sinunod lang siya nang itayo niya ako. Dinala niya ako sa kanyang kwarto at doon na ginamot ang sugat ko sa braso na medyo mahaba pala. Ang hapdi nito kaya bawat pagdampi ng gamot ay napapasinghap ako.
Natulala naman ako nang makita ang pagihip ni Eros dito. Ganito ba talaga siya sa lahat? Ganito siya kabait? I'm worried because I could feel my heart wavering because of him again. It's also getting stronger.
"Do you treat me the way you treat Everlister before?" I got surprised with my own question pero hindi ko na ito mababawi pa.
Natigilan siya kaya kinabahan ako kung ano ang sasabihin o gagawin niya.
"No, she's... a different case."
Hindi na lang niya ako diretsuhin na espesyal si Everlister para sa kanya kumpara sa akin?
Akala ko ay makakalampas ang ulo ko pero nilagyan din niya ito ng yelo. May bukol yata ako dahil sa nangyari. Magtataka pa ba ako? Napapa-aray naman ako dahil sa lamig ng nasa ulo ko.
"Saan pa masakit?"
Ang corny kung ituturo ko ang puso ko. Pero totoo naman kung tutuusin.
Umiling na lang ako bilang sagot sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...