Nagmasid lang ako sa bintana ng kotse buong byahe namin papunta sa God knows where. Hindi ko naman na matanong si Mommy dahil kung hindi abala sa pagbabasa at pagtulog, panay ang pagkausap niya sa kung sino-sino over the phone. Para bang wala siyang interes na makausap o tingnan man lang ako. Kasama ko nga siya pero pakiramdam ko mag-isa pa rin ako.
Kapag ipinipikit ko ang mga mata ko ay nararamdaman kong muli ang yakap sa akin ni Tyrell sa madilim na kwarto kung saan niya ako dinala... and it hurts. Masakit dahil sana pwedeng manatili na lang ako sa tabi niya. Sana pwedeng ganuon na lang kami...
Hinayaan ko lang na mulat ang mga mata ko sa buong byahe habang panay ang pagiisip ko sa mga bagay na gumugulo sa isip ko.
"Oo nga pala, sinaktan ka ba nya?" Mukhang bigla lang nakaramdam si Mommy sa tabi ko dahil sa late niyang tanong sa akin.
"Sobra." Isang salita lang ang isinagot ko sa kanya. Pero may biglang rumehistrong tanong sa isip ko, "Nasaan na nga pala si Tanjiro?"
Bago pa niya ako masagot ay biglang tumunog ang phone niya kaya naman balik na naman siya sa hindi pagpansin sa akin.
Bakit may kaba sa loob ko nang mabanggit ko si Tanjiro? Huli ko siyang makita ng gabing 'yon. 'Yung gabi kung kailan niloko ako ng lahat...
***
Huminto na ang sasakyan. Pagkababa namin, akala ko ay malaking barko ang sasakyan namin pero nagkamali ako. Speedboat lang ito at mukhang si Mommy, isang tauhan niya at ako lang ang sasakay dito.
Nauuna sa paglalakad sa akin ang dalawa. Bawat hakbang ko, parang ang bigat-bigat sa loob. Pero handa na naman ako. I've come here prepared of the consequences of my action.
Huminto ako. Pumikit at huminga ng malalim. "Malaya ka na..." I whispered blankly.
Paghakbang ko ay may sumigaw mula sa malayo. Kung tama ako ng pagkakarinig ay pangalan ko ang sinambit nito.
"EVER!"
Pamilyar na boses.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong siya ito. Gustong-gusto kong tumakbo palapit sa kanya pero alam kong magiging madamot ako kung iyon ang gagawin ko.
Lilingon sana ako pero lumapit na si Mommy sa akin at hinila ako palapit sa speedboat. Naisakay na nila ako nung lalaki nang makita kong papalapit sa amin si Tyrell. Naghahabol siya ng hininga pero pinilit niyang magsalita.
"Wag kang sasama sa kanila..." He said while he's out of breath. Tagaktak na rin ang pawis niya.
Ngumiti ako at kasabay nito ang pagbagsak ng luha sa gilid ng mga mata ko.
"May pupuntahan lang daw kami! Wag ka nang magalala, you're free to go. It's not like I'm her anyway. Baka naman iniisip mo pa rin na siya ako ah? Mas maganda kaya ako sa kanya!" I tried to laugh it off pero hindi ito umepekto dahil sa nakita ko ang pagtulo ng luha ni Tyrell. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa loob ko.
Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makapagsalita dahil pinilit na ni Mommy na umalis kami. Dito ako nakaramdam ng matinding takot na ayokong ipakita kanina.
We're finally here at this point I guess.
Nakita ko ang malakas na alon ng dagat habang papalayo kami sa pwesto ni Tyrell. Nakita ko pa ang paghahanap niya ng paraan para mapuntahan kami hanggang sa maging maliit na lang ang imahe niya para sa akin.
Tahimik lang kami sa speedboat when I suddenly broke the silence.
"Mommy ba talaga kita?" Nang itanong ko ito sa kanya, agad na nagbago ang kanyang itsura. Ramdam kong hindi na siya ang nanay na kilala ko.
Tumawa siya, "So after all, you're not really stupid I guess. Bakit ngayon ka lang napaisip? Kung anak kita, mas matalino ka siguro."
"P-pi-" Bumuntong hininga ako, "Pinatayo mo ba si Daddy?" Hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili kong tanong. I had suspicions pero hindi ko ito pinakinggan dahil parang imposible talaga...
"Instead of you asking questions, sasabihin ko na lang lahat. Tutal, hindi ka naman makakaalis dito ng buhay. Alam na rin ng lahat na patay ka na kaya paninindigan na lang natin 'di ba? Let's not confuse the public again," sabi ni Mom- niya. Ganuon kadali lang para sa kanya ang sabihin lahat ng kasamaan niya. Wala siyang puso... wala siyang konsensya. I'm going to show everyone how evil this woman is. I will.
"Syempre dapat sa simula tayo magumpisa. I tried to kill you pero biglang lumitaw ang kakambal mo kaya siya ang napatay ng mga inutusan ko. How stupid right? Anyway, at least they eliminated her bago pa siya nakisawsaw sa eksena. Ang nakakatawa nga, we even hired the clueless Eros para magbantay sa inyong magkapatid pero hindi naman siya naging matagumpay," Huminga ako ng malalim. Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi niya sa mga oras na 'to. Nahihilo na rin ako dahil sa nasa gitna na kami ng dagat.
"Next story - I killed your Daddy. It was so easy to play as the poor wife. I got the sympathy of everyone! Isn't that great?" Parang baliw niyang sinabi. "And now, I'm going to kill you," kinilabutan ako sa kung paano niya binigkas ang huling pangungusap niya habang nakatingin ng matalas sa akin.
"Bakit?" Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil ayokong ma-satisfy siya ng luha o ng takot ko. "Bakit mo ginagawa 'to?"
Nakita ko ang hinanakit sa mga mata niya, "I have always wanted a child with your father pero dahil hindi ko siya mabigyan, nagampon kami at ikaw 'yon. Nang malaman niya na may kakambal ka, hindi siya nakuntento at hinanap rin niya 'to. Umikot ang buong mundo niya sa 'yo. Sa 'yo lang pero ako ang asawa niya. Ampon ka lang. He wanted to give everything to you kahit na ako ang asawa niya. Syempre bakit ko naman tatanggapin ng maluwag 'yon? Ayaw niyang makinig sa akin kaya ayan ang nangyari sa kanya-"
"Dahil sa pera?! Dahil sa pera ginawa mo 'yan?! Anong klase kang tao?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. This woman is crazy. Hindi ko na siya makilala. Hindi ko akalain na inakala kong nanay ang gaya niya. Napakasama niya. Parang hindi siya tao!
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at umuga ang speedboat kaya natakot ako lalo.
"OO! Bakit? Pera ang nagpapatakbo ng buhay ng tao. Hindi niya ako minahal. Kahit minsan hindi ko 'yon naramdaman! At dumating pa kayo para agawin ang kakaunting atensyon niya para sa akin. Kasalanan mo. Ikaw ang may kasalanan!" Nasasaktan ako ngayon hindi dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko kung hindi sa mga nalaman ko. Kung bakit ngayon lang niya sinabi ang nararamdaman niya. Dapat sana ay naiayos pa ito... ngayon ay huli na ang lahat. Malabo na ring bumalik kami sa dati.
"Kung sinabi mo na lang sana 'yan baka sakaling-"
"There's no way he'll give me anything! In fact, nalaman ko na anak niya kayo sa ibang babae! At balak niyang makipagbalikan sa nanay niya at itapon na lang ako basta! Bago pa niya magawa 'yon ay inunahan ko na siya," Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nalaman ko. Buhay ang nanay ko? Oo... hindi pa ako nagiisa dahil imposibleng wala akong totoong nanay. Pero nasaan siya?
"Nasaan ang tunay kong nanay?"
"How would I even know that?! Hindi nga siya nahanap ni Tanjiro!"
"Si... si Tanjiro? Nasaan talaga siya?"
She paused and laughed so hard, "By now, baka nadiskubre na nila si Tanjiro sa kwarto nito. Ang alam ng lahat, nagpakamatay ito."
I gasped in despair, "B-Bakit?"
"Wala ka na bang ibang masabi kung hindi bakit? Sabagay, ang boba mo nga naman. Well. Hindi niya ginawa ang gusto ko kaya ayan ang naging kapalaran niya. Kung sinunod na lang niya kasi ang gusto ko na patayin ka, edi sana buhay siya ngayon. Ang daming nagsakripisyo para lang mabuhay ka. Baka nga ngayon, sumunod na si Eros sa kanila."
Nakaramdam ako ng init sa loob ko dahil sa huli niyang sinabi, "Anong ginawa mo kay Eros?"
"Just like the old times..."
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...