Kabanata 54: Si Tanjiro, Ang Dakilang Kartero

387 10 1
                                    

Hindi naman siguro ako naikasal ng tulog 'di ba? Malabo namang mangyari 'yon! And I would never dream of it!

Ngayon, bakit kailangan kong magpanggap na asawa ng karterong 'to?!

Lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin at nang makalabas na kami ng airport, may itim na kotseng huminto sa harap namin. Hindi ako makatakas dahil sa hawak niya ang kamay ko! Akalain niyo nga naman! YUNG KAMAY KO HAWAK NIYA!!

Aba! Masyado naman yatang sinuswerte ang lalaking 'to!

Nakatingin lang ako kay Tanjiro na kasalukuyang hawak ang phone niya dahil mukhang may ka-text siya. I have to leave now or else I'll lose this chance forever. Binitiwan niya kasi ang kamay ko para ayusin ang unfashionable niyang hat.

Saktong pagbukas ng pinto ng kotse ay tinuhod ko siya sa pagkalalaki niya at nang medyo yumuko siya ay agad kong kinuha ang phone na hawak niya tyaka mabilis na tumakbo palayo.

Binigay ko lahat ng lakas ko para mapabilis ang takbo ko. Para bang mas mabilis na akong tumakbo ngayon. Thanks sa lifetime experience ko sa pagtakbo. Hindi pwedeng ngayon pa ako pumalya! Sobrang dami ko nang tinakbuhan at tinakasan para ngayon pa ako mabigo sa pagtakas.

Nakakapagtaka nga eh. Parang hindi ako heiress kung tutuusin sa hirap ng pinagdaanan ko sa buhay. Buti pa 'yung iba na masaya sa simpleng buhay nila...

Kaya kailangan ko na talagang mahanap si Tyrell para naman maging masaya na ako sa buhay ko at magkaroon ako ng tahimik na buhay... Hindi ko gustong ganito na lang parati ang nangyayari.

Dahil malamig ang panahon dito ay kitang-kita ko ang pagbuga ko ng hangin. Naalala ko tuloy bigla ang sinabi kanina ni Tanjiro. May kapatid ako? Kakambal pa? Gusto ko pa sana mag-isip kaya nga lang ay napatid ako! LETSE LANG TALAGA!

Sa beywang ko ay may agad humawak na parang niligtas ako sa pagkakangudngod. Napapikit na ako at handa na sanang bumagsak kung hindi dahil sa tao- "Tanjiro!" Sigaw ko nang makita kong siya itong may hawak sa akin ngayon. He abruptly pulled me up to stand on my feet. Bwisit na karterong 'to! If I know, siya rin ang pumatid sa akin!

Tiningnan ko siya ng masama at ngumisi lang siya na akala mo demonyo.

"I told you. You can't win against me Miss See," At wala na nga akong nagawa dahil huminto nang muli ang kotse kanina sa harapan namin at pilit niya akong sinakay sa loob kahit na ano pang palag ko. I had to keep my mouth shut while he was busy with his phone na nabawi niya nang hindi ko nalalaman.

Sh*t.

Hindi ko inakalang may makakahabol pa sa bilis ng takbo ko.

***

Hindi ako aware kung saan ako dinala ni Tanjiro pero isa itong malaking bahay kung saan walang mga kapitbahay. Medyo creepy tuloy lalo na at makakasama ko yata rito ang karterong 'to. Nakasimalmal lang ako habang papasok kami sa loob. Mabuti na nga lang at may mga katulong tapos hardinero dahil hindi ko talaga gugustuhin na kaming dalawa lang.

Ilang oras ang naging byahe namin kaya masasabi kong malayo ito mula sa airport na pinanggalian namin. Wala man lang akong ideya sa kung paano ko matatakasan ang sitwasyong ito.

Bakuran pa lang ay kita ko na ang laki ng paligid at bahay. Pero syempre mas malaki pa rin ang bahay namin sa Pilipinas. Kaya lang mas malago ang mga halaman dito at kung nagpunta ako para magbakasyon ay maganda ang lugar na ito dahil sa mga bulaklak na talaga namang buhay na buhay. May mga roses pa nga na nakakabighani talaga.

Nagmadali ako papasok at naupo sa sala kung saan itinaas ko ang dalawang binti ko. Inakap ko ito at yumukyok na parang bata. I'm just so tired about everything in my life. Why should I experience all of these hardships? Ano ba ako nung past life ko at pinaparusahan ako ng ganito ngayon?!

"Gusto kong malaman mo na hindi ako o si Ma'am See ang masama ngayon. Inilalayo ka lang namin sa panganib," narinig ko ang boses ni Tanjiro na palagay ko ay nakatayo sa harapan ko ngayon. "Hindi ako nandito para saktan ka."

Inangat ko ang ulo ko, "Then bring me back to him. Mas kaya niya akong protektahan kaysa sa 'yo," agad kong sinabi.

"Kakasabi ko lang. Inilalayo ka namin sa panganib," bumuntong-hininga siya.

"Hindi mo ako kilala at mas lalong hindi mo kilala si Tyrell para husgahan mo siya. Hindi niya ako magagawang saktan," paliwanag ko naman dahil baka bigla ko siyang makumbinsi.

Umigting lang ang kanyang panga.

"Kumain ka muna at mamaya tayo maguusap," tinalikuran niya ako at nagpunta siya sa may kusina.

Napatingin ako sa front door nang marinig ko ang pahabol niya, "Don't think of escaping. I have my eyes on you."

Mas nawalan ako ng pag-asa na makakaalis p ako rito sa poder ng karterong ito and I had to just look around the house...

It's pure... brown . Halos walang ibang kulay kung hindi brown at pagkatapos ay may kaunti lang na mga gamit. Ang lungkot naman dito... mas pinalungkot pa ng sitwasyon ko ngayon.

"Mabulunan ka sana," I bitterly whispered.

***

Hindi ako kumain kahit na inaya ako ng karterong 'to. Inintay ko lang na matapos sila sa may dining room para makausap ko na siya tungkol sa kanyang sinasabi sa akin kanina.

Panay ang pagungol ng tyan ko pero ayokong kumain. I don't want to give him the satisfaction he wants by eating. Ayokong makita niya na ayos ako sa set-up namin ngayon because I will never be. Baka maisip p niyang ayos lang sa akin ang pagtangay nila sa akin mula sa Pilipinas.

Ilang minuto ko pa siyang inintay bago siya lumapit sa akin. He's still wearing his formal attire kaya nangingibabaw siya sa bahay na 'to.

"So ano 'yung mga kasinungalingang gusto mong sabihin sa akin?" sarkastikong tanong ko sabay sandal ng maayos sa upuan na para bang naghahamon.

Nakatayo lang siya sa harapan ko gaya kanina. Ang tigas niyang kumilos na aakalain mong robot!

Napapikit siya bago tumingin sa akin ng diretso. "Naghihiganti sayo ang lalaking iniisip mong hindi ka kayang saktan."

I'm still not convinced.

"Ano bang sinasabi mo? Alam mo? Ginugulo mo lang ang isip ko. Kanina may kakambal ako, tapos ngayon naman naghihiganti siya?" Natawa ako bago nagpatuloy, "I think you can lie better than that."

"Kung gusto mo kong maunawaan, dapat maging bukas 'yang isip mo. Hindi 'yung hindi pa ako nagsasalita, may iniisip ka na agad tungkol sa mga sasabihin ko," Pabalik niyang sinabi na nakapagpatahimik sa akin.

Parang huminto ang paligid namin dahil sa walang nagsasalita.

I was about to say something when he pulled out something from his pocket. Nakita kong larawan ito pero nang iharap niya sa akin ay agad akong nanlamig sa kinauupuan ko.

Nakita ko si Tyrell... Oo si Tyrell ito na iba lang ang gupit. Nasa isang coffee shop siya at kasama niya ako.

Hindi.

Hindi ko matandaan na may ganito siyang kuha kasama ako - sobrang saya niya at naniningkit ang mga mata.

Hindi rin pamilyar sa akin ang lugar kung saan kuha ang litratong hawak ngayon ni Tanjiro.

Napatakip ako ng bibig at bumilis din ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ng isip ko at kung ano ang dapat kong unawain dahil talagang naguguluhan ako. Para akong namanhid. Parang ang hirap iproseso lahat sa isip ko.

Tumindi lang ang kaba sa loob ko nang makarinig ako ng pagkatok mula sa labas.

Mali ba talaga na nagtiwala ako kay Tyrell?

Mali bang minahal ko siya?

***

Please read

I plan on writing more stories in the future and sana suportahan niyo pa rin :) For now, I will finish my on-going stories ^_^ thank you so much for reading!

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon