Kabanata 10 : Pool Party

761 27 0
                                    


"Ilang beses ko bang sasabihin na ayos lang ako? Isa pa, nandiyan ka naman hindi ba? It's your job to keep me safe."Inis na inis na ako kay Eros kasi ayaw niya akong palabasin ng bahay. To be specific, ayaw niya akong papuntahin sa pool party na ginawa para sa akin nila Emily at Drix! But I always keep my word that's why he can't stop me!

"No Miss Rose. Bawal ka munang malapit sa ganung klaseng tubig. Hindi ka pa ba nadala?" may diing tanong nito sa akin. Ngayon siya bumabawi ng pangangaral sa akin. Palabas na kasi sana ako ng kwarto ko eh kaso bigla siyang dumating at ngayon nakaharang sa daanan ko.

"Then save me again! Para saan pa at kasama kita. Ayaw mo 'nun? May trabaho ka kapag nalalagay sa panganib ang buhay-" I got shocked when he pinned me on the wall of my room. "...ko." I managed to end my sentence.

"If I say that you can't leave. You're not leaving. Kung sa 'yo wala lang kwenta ang buhay mo, well take your parents into consideration. They gave you your life and so you don't have the right to waste it." 'Yung pangangaral niya this time ay mas malalim at para bang may pinanghuhugutan.

Iniwan niya ako sa loob ng kwarto ko at nang tangkain kong buksan ang pintuan ay naka-lock na ito. Nakaramdam ako ng inis dahil kay Eros. Nagpaalam naman ako kagabi sa kanya at hindi siya tumanggi pero bigla na lang siyang nagkaganito ngayon. Sinapian ba bigla ang lalaki na 'yon o 'di kaya nagpahula na bawal akong lumabas ngayong gabi?

Kung akala niya mapipigilan niya ako pwes nagkakamali siya. Ako yata si Ever Rose See at ang mga See, hindi nagpapadikta sa kung sino-sino lang. Kaya kong dumaan sa butas ng karayom makaalis lang dito.

Dumaan ako sa may bintana pababa gamit ang isang lubid na itinali ko sa matibay na gamit ng kwarto ko. Kaya nga lang kapag minamalas ay napigtal ito bago pa man ako makatungtong sa damuhan kaya ayun at iika-ika akong humanap ng taxi papunta sa rest house na pinili ni Emily.

Ngiting tagumpay ako nang makasakay na dahil natakasan ko si Eros pero nakaramdam din ako ng pangamba dahil wala siya sa tabi ko. Paano kung may mangyari na namang masama sa akin?

Hindi naman siguro. Puro kakilala ko naman ang kasama namin at isa pa, kailangan lang hindi ako lumapit sa pool. I can stay sitting somewhere far from it right?

***

Pagdating ko sa rest house ay nagkakasiyahan na ang lahat. Malakas ang tugtog at may mga kumakain din. Hindi ko na tinangka pang tumingin sa mismong pool pero sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong may mga lumalangoy na. Karamihan sa nandito ay babae kaya naman si Drix ay enjoy na enjoy siguro ngayon.

"Ever!" sigaw ni Emily at nawala ang tugtog. Lumapit siya sa akin at tyaka nagsalita sa lahat. "Let's welcome Ever Rose See! She's back here in the Philippines for good. Enjoy lang tayong lahat!" sabi nito at natawa na lang ako. Parang lasing na kasi ang isang 'to.

"Oh God, I'm glad I made it." sabi ko sabay sunod sa kanya sa isang table kung saan kaming dalawa lang ang nanduon.

"Bakit?"

"Basta-basta. Mahabang istorya. Kamusta nga pala kayo ni Drix?"

Kumunot ang noo niya. "Let's swim?"

"Ay ikaw na lang ok lang ako rito. I'll just eat." sabi ko at tamang-tama dahil nakatalikod ang upuan ko sa may pool. Mukhang ayaw niyang pagusapan si Drix kaya naman hindi ko na ito binanggit pa.

Iniwan muna ako ni Emily habang tahimik ko lang na kinakain ang chips na nasa table. Nginitian ko ang ilang lumalapit sa akin. Kinausap ko rin at kinamusta yung mga nakikipagusap. It's fun to have a social life.

"Do you actually think you can escape from me?" pamilyar na boses ang narinig ko. Ipinagtataka ko lang kung bakit parang nagdalawang isip pa ako kung si Eros iyon o si Tyrell na kapatid ni Bianca. Hindi pa naman ako nakainom para malasing bigla. Pero para kasing magkaboses sila.

 Pero para kasing magkaboses sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naupo ito sa upuan sa harapan ko. Wala na ngang araw pero nakasumbrero, shades at jacket pa. May ilan tuloy na nakatingin sa kanya dahil pansinin ang porma niya sa isang pool party!

Gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito na siya ngayon pero ayoko namang umuwi pa. Siguro ilang oras pa ay aalis din ako pero wag naman ngayong kadarating ko pa lang.

"Wag mo akong titigan." sabi niya at napangisi ako. Naiilang siya sa akin? Inilapit ko lalo ang mukha ko at nakapangalumbaba ko siyang tinitigan.

Tumingin siya sa ibang direksyon dahil sa ginawa ko and I chuckled.

"Nilalabhan mo pa ba 'yang mga suot mo?" natatawang tanong ko kahit na wala siyang reaksyon sa sinabi ko. "Tao ka ba or robot?" Tawa lang ako ng tawa at nang mapansin kong para na akong baliw ay tumigil na ako.

"Let's go home Miss Rose. Delikado ka rito." I just rolled my eyes.

"CR lang ako. Please wag mo na akong sundan. Kaya ko na." tumayo ako at nakailang hakbang na nang sumakit ang binti ko. Dahil ito sa pagkabagsak ko kanina. Kahit na nakaramdam ako ng sakit ay pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad dahil alam kong tinitingnan ako ngayon ni Eros. I want him to see me as a strong woman hindi 'yung palagi lang akong nakadepende sa kanya.

Hindi ko nga lang inasahan na bigla na lang akong itutulak ng mga naging kaklase ko sa pool! Narinig ko pa nang sabihin nilang "Welcome Back!!"Sige lang ipagpatuloy nila 'yan at baka Goodbye na ang sunod nilang isigaw sa akin!

Bago ako tuluyang bumagsak sa pool ay nakita ko na dapat hihilahin ako ni Eros. He was about to hold my arm pero huli na dahil sa ngayon ay hindi na ako makahinga. Hindi pa man ay naramdaman kong nalulunod ako kahit alam ko namang mababaw lang itong pool. Bigla kong naalala ang nangyari sa akin sa dagat, 'yung takot at kaba ko ng mga oras na 'yon...

***

Naiahon ako ni Eros alam ko pero hindi ako dumilat kahit na umubo ako ng umubo para mailabas ang nainom kong tubig. Gusto kong malaman kung panaginip lang talaga ang nangyari noon. Iniyakan ba ako ni Eros? Iiyakan din ba niya ako ngayon?

"Miss Rose... dumilat ka na." mahinahon lang ang pagkakasabi niya nito pero hindi ako kumibo.

Nagulat ako nang buhatin ako nito at dalhin kung saan. Hindi naman kasi ako makadilat dahil ayokong malaman niyang gising na ako.

Naramdaman kong nakahiga na ako sa malambot ngayon. Mukhang ipinasok niya ako sa isang kwarto at inihiga sa kama. "Ako nang bahala sa kanya." sabi ni Eros sa kung sino at nagsara na ang pinto.

Ilang sandali lang ay nagsalitang muli si Eros. "Ever... please wake up."

May kakaiba akong naramdaman nang sabihin niya iyon sa akin. Bakit ba napakahalagang malaman ko kung iniyakan ako nito? Kung may pakielam siya sa akin?

Why does it feel like I'm starting to like him?

"Ever..." Ang sarap pakinggan ng pangalan ko na binibigkas niya.

Ikinabigla ko nang may maramdaman akong malamig na malambot sa ibabaw ng labi ko. Did he just... he...


A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon