"Ang bagal mo namang mag-drive." Hinaing ko kay Eros. Paano ba naman kasi ang kupad magmaneho. Akala mo may prusisyon.
"It's for your safety."
"Safety safety ka dyan e wala namang sasakyan, hindi mo pa bilisan. Kung ako ang nagmamaneho kanina pa tayo nandun." Bumuntong hininga ako.
Ayoko ng grand entrance sa reunion na ito pero mukhang ganun ang nangyari dahil pagdating ko sa loob ng hall?
Everyone's staring at me. Tumigil pa talaga sila sa paguusap para tingnan ako. Hindi pa sila nakuntento dahil ayaw nilang alisin ang mga mata nila sa akin. Para akong napapaso.
Nasa likod ko lang si Eros. He said he'll just act like he doesn't exist and I should just enjoy this night. Posible kayang magawa ko iyon? With all these people being weird?
To be honest, hindi talaga ako sanay pumunta sa mga ganitong okasyon. Anti-social nga raw ako noon ang sabi ng iba. Pero kailangan kong pumasok sa mundo na ito lalo na at ako ang kaisa-isang anak ng mga See. I should be able to get along well with other people.
"Ano na?" narinig kong bulong ni Eros mula sa likod ko. Kinilabutan ako dahil sa hininga niya na tumama sa batok ko. Sensitive pa naman ang bahagi na 'yon.
"Stop it." sabi ko nang hindi masyadong binubuka ang bibig. Para akong napako sa kinatatayuan ko habang pinagtitinginan ng mga tao. "Ang panget ko ba?" bulong ko pabalik kay Eros. Pinagpapawisan na ako kahit may aircon.
"You look so dazzling." Hindi ko alam kung nakatulong ba 'yung sinabi niya kasi mas lalong gumalaw 'yung butterflies sa tyan ko.
"Ever!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
"Em-Em!" It's really her!
She giggled. "Emily na lang ano ka ba!"
God, ang laki ng pinayat niya! Ang sexy na niya ngayon kumpara noong huli ko siyang nakita. Tabachoy pa kasi siya noon at dahil sa tampulan siya ng tukso, ako ang nagging kaisa-isang kaibigan niya. We're bestfriends!
She's so gorgeous sa suot niyang midnight blue strapless jumpsuit. Muntikan ko na nga siyang hindi makilala kung hindi pa niya ako tinawag. Napakaelegante niyang tingnan.
He's actually with our guy bestfriend. "Drix! Nandito ka rin!" Lumapit ako sa kanila at nakipagbeso-beso. Nawala kahit papaano ang kaba sa loob ko nang makita ko sila. Kaklase ko sila simula pa nung elementary kami.
"Kamusta ka na?" halos sabay na tanong nila kaya naman natawa ako.
"Maayos naman ako. I'm back for good. Kayo? Ano na bang pinagkakaabalahan niyo ngayon?" Sa pagkakaalam ko kasi ay nalate ako ng one year dahil tumigil ako saglit sa Amerika. Kaya una silang nagtapos sa kolehiyo.
"I'm in charge with our clothing business now. Itong si Drix naman tuluyan nang pinasok ang pagmomodelo." Napa-wow ako sa sinabi ni Em-Em ay este Emily pala. It's actually short for Emily de la Vega. Hendrix Tan naman ang buong pangalan ni Drix.
"Okay pala e, I can ask you for clothes then si Drix pwedeng maging artista. Seems like a perfect match." masayang sabi ko.
Naupo na kami sa bakanteng mesa at agad kumain. Hindi naman sa patay gutom pero gutom na rin kasi talaga ako dahil nakalimutan kong magtanghalian kanina sa bahay. Napasarap ang kain ko dahil sa mga taong bumabati sa akin. Mga schoolmates ko pero nagkaroon din naman ako ng close encounter sa kanila.
Natigilan nga lang ako nang masulyapan ko si Eros na nakatayo sa isang sulok kung saan pinagtitinginan siya ng mga tao. He looks so weird there. Hindi ko lang makuha kung nagtatago ba talaga siya ng identity dahil kahit na may kung anu-ano siyang suot ay hindi maitatanggi na gwapo siya. Panira lang talaga yung black shades niya e.
Tumayo ako at nagpaalam muna para lapitan siya. Napalunok nga ako dahil mula sa malayo ay kitang-kita talaga na ang ganda ng katawan niya kahit na nakasuot pa siya ng itim na jacket at puting polo.
Tumikhim ako nang makalapit kay Eros para kunin ang atensyon niya na kanina pa palinga-linga.
"Binayaran ko ang pagpasok mo rito kaya kumain ka." May katarayang sabi ko sa kanya.
Naglabas siya ng wallet bago nagsalita. "Magkano ba ang dapat ibayad?" wala na namang emosyong sabi niya.
Umirap ako. "Just eat okay?" Malapit siya sa buffet kaya naman kumuha ako doon ng plato at pagkain tyaka inabot kay Eros.
"Maupo ka sa isang table at kumain. O gusto mo kumain ka ng nakatayo." sabi ko at bumalik na ako sa upuan ko. Hindi naman sa nagyayabang ako tungkol sa pera. Gusto ko lang naman na kumain siya at maging kumportable.
Nang tingnan ko siyang muli ay nakita kong nakatayo pa rin siya ng diretso at hindi ginagalaw ang platong binigay ko sa kanya. Ginamit lang atang props. Ewan ko ba sa kanya at parang hindi siya tao.
"Sino 'yun?" tanong ni Emily at nginuso niya ang direksyon ni Eros.
I'm knowledgable enough para malaman na hindi ko dapat sinasabi kung sino si Eros.
"Kanina ka pa niya tinitingnan ah." sabi naman ni Drix.
"Siguro type ka?"
Tumawa ako. "Fling lang. Hobby niyang tumayo dun at pagmasdan ako." Mayabang na sagot ko at natawa na lang sila.
Hindi nagtagal ang kwentuhan namin dahil sa nag-aya si Emily na magpunta kami sa isang Bar. Nanduon daw kasi ang totoong "fun". Sumama naman ako dahil sabi ko nga, I want to enjoy this night. Sumakay ako sa kotse ni Drix kung saan din sumakay si Emily. Umaasenso na talaga ito dahil sa na ka Montero na siya ngayon. Dati ay sa public vehicle kasi siya sumasakay.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay naalala ko na si Eros.
Nakalimutan kong may kasama pala ako pero okay na 'yun. Siya na lang bahala sa kotse ko. Hindi naman niya siguro nanakawin.
Pagkarating namin sa parking lot, dumiretso agad ako sa loob ng bar. Excited lang dahil hindi ko alam kung gaano na katagal mula nang makatungtong ako rito. I actually didn't enjoy the experience back then pero balak kong subukan ngayon.
Ang ingay dahil sa malakas na tugtog. Tumatalon ang mga tao sa dance floor. Halata namang mga lasing na 'yung mga nakaupo. Humanap kami ng bakanteng upuan at nang makaupo na sina Drix at Emily, nagpaalam akong pupunta lang sa restroom.
Nahirapan pa akong makapunta roon dahil sa kinailangan kong dumaan sa dance floor. Siksikan. Nangangamoy. Buti at nakalagpas nga ako e. Akala ko imposible nung umpisa.
Pagdating sa restroom, pumasok ako sa isang bakanteng cubicle. Good. I was expecting worse pero tolerable naman pala. Inayos ko na rin ang sarili ko sa harapan ng salamin bago ako lumabas.
"Shocks!" Parang iniwan ako ng kaluluwa ko dahil nasa harapan ko bigla si Eros. At least ngayon hindi na siya bumagsak mula kung saan. Pero para talaga siyang multo!
"Why did you leave without me?" Dahil sa madilim ang bahagi kung saan kami nakatayo, hindi ko siya maaninag ng maayos. Alam ko lang agad na siya si Eros dahil sa boses at sinabi niya. Napansin ko lang na wala pala siyang amoy. I mean hindi siguro siya gumagamit ng pabango. Siguro para hindi malaman ang prisensya niya.
"Do I have to call you? Hindi ba responsibilidad mo 'yon? Ayan o, you failed. You missed me." pangaasar ko sa kanya.
"No I didn't, nasundan kita."
"Pero kung pinatay ako sa loob ng kotse kanina, that could have been the end-"
"Don't talk about death as if you know it." Humakbang siya palapit sa akin at napasandal ako sa malamig na pader. Nanigas na ata ako sa kinatatayuan ko. Mas matindi pa kaysa nung nasa resto kami.
No Eros, I've escaped death so many times than you can imagine.
"Buhay ko 'to, kaya hayaan mo ako sa gusto kong gawin." Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko pero hindi ko alam kung nagging matagumpay ba ako. Aaminin ko, nakakatakot si Eros. Lalo na at isa siyang malaking misteryo sa akin at wala akong choice kung hindi pagkatiwalaan siya.
"I'll be watching you from a distance. Don't go far." Bilin niya na dinaig pa ang mga magulang ko sa sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
ActionAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...