Kabanata 6 : Tagahanga

889 29 0
                                    


Dahil sa ginawa ko kay Tyrell sa loob ng van ay wagas ang pagkakasibangot nito pagkababa namin sa resort. Humingi naman ako ng tawad pero nakakunot pa rin ang kanyang noo at para bang malalim ang galit sa akin. Matalim na tingin ang pinupukol niya sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin.

Ilang beses na niya kaya akong pinatay sa isip niya?

"Don't worry, normal na sa kanya 'yan." sabi sa akin ni Bianca sabay ngisi.

"Kapatid mo ba talaga 'yan? Parang pinaglihi sa sama ng loob e." sabi ko at tumawa lang ito.

Umaga nang makarating kami. Sa resort, pumunta muna kami sa mga kwarto namin. Marami ang mga bakasyonista ngayon dahil summer. Mabuti na lamang at kina Emily ito kaya may mga reserved rooms na kami.

Sa second floor ako napunta at kasama ko sa floor na 'to si Emily. Nasa fourth floor naman ang iba pa naming kasama. Hindi niya nagawang pagsama-samahin kami dahil sa wala nang bakanteng kwarto masyado pero pumayag na kami dahil kwarto lang naman namin iyon. Magkakasama pa rin naman kami sa bakasyon na ito.

Inayos ko muna ang mga dala ko sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos ay nagpalit agad ako ng panlangoy gaya ng aming napagusapan. Medyo nahirapan pa akong magdesisyon sa kung ano ang aking isusuot. Nilagyan ko na rin ang katawan ko ng lotion na proteksyon sa araw. Lumabas ako ng kwarto ko nang masigurado kong wala na akong nakalimutang gawin.

Nagusap-usap kaming magkikita sa lounge ng resort para sabay-sabay na magpunta sa dagat. Pagdating ko roon ay kumpleto na sila kaya palagay ko ay natagalan akong kumilos.

"Kanina pa ka-"

"O.M.G!" sigaw ni Emily sabay lapit sa akin kasama si Bianca kaya natigilan ako. Nakatitig lang sa akin 'yung dalawang boys mula sa malayo.

"What are you wearing?" tanong sa akin ni Bianca. Gulat na gulat silang dalawa. Tiningnan ko ang kanilang suot at pareho silang naka-bikini.

"Uhmm tank top at floral short?" Napakamot ako sa ulo.

"No! Of course alam namin kung ano ang suot mo, we're not blind! Pero wala ka bang dalang bikini?"

"I brought one pero hindi ako kumportable e." Pag-amin ko. Sinukat ko iyon kanina kaya medyo natagalan ako. Nagpalit ako sa suot ko ngayon dahil hindi ko yata kakayaning lumabas na ganun ang suot ko. Kakarampot na tela at para bang kita na ang buong kaluluwa ko.

"Wear it! Hindi na tayo mga bata Ever." sabi ni Bianca.

Napanguso ako. "What's wrong?" tanong ni Tyrell at papalapit na sila ni Drix sa amin. Mukhang wala silang alam sa pinaguusapan namin.

"Go change!" sabi naman ni Emily. Bumuntong hininga ako dahil palagay ko ay wala na akong magagawa.

***

"Stop staring!" Ang init init na ng aking mukha dahil sa mga titig sa akin ng mga tao. Nandito kami sa tabing-dagat ngayon at kadarating ko lang dahil sa pinagpalit nga nila ako ng bikini ko. Kulay midnight blue ito. I'm specifically wearing roxy cropped bikini top and side-tie bikini bottom. Wala akong dalang kimono bilang cover-up kaya kitang-kita ang katawan ko ngayon. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko.

"You rock!" sigaw ni Bianca na mas lalong nagpamula sa mukha ko. Nagthumbs up naman si Emily. Ito ang unang pagkakataon na nagsuot ako ng ganito. Hindi rin naman kasi ako lumalangoy talaga dahil takot ako kaya hindi ko talaga kakailanganing magsuot ng bikini.

"Tss." Mahinang komento ni Tyrell. Hanggang ngayon ay hindi pa ata ito nakaka-move on sa ginawa ko sa kanya sa may van. Mas matanda lang naman siya ng isang taon sa amin pero kung makaasta akala mo sino.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon