Kabanata 37: Ex-Heiress

517 19 2
                                    

Parang nag-echo ang tawag na Ms. Hernandez sa akin ng may-ari ng production company na 'to. At least he paid attention when I introduced myself to him.

Sisigawan kaya niya ako kaya niya ako tinatawag pa? Ganuon kaya kasama 'yung kapeng tinimpla ko? Kakasuhan ba ako ng dahil lang doon? Hindi naman siguro niya ako balak-

"You're hired," flat niyang pagkakasabi. I should claim him as Mr. Alastair siguro kasi mukhang siya nga ang-

Teka...

Sinabi ba niyang... I'm hired?!

Humarap ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata, "T-Talaga po?" Sinara-bukas ko pa ito ng ilang beses.

"Yes. I like how you make my coffee." pag-amin nito at kahit wala man lang pagngiti ay ako na ang pumuno ng kakulangan niyang 'yon.

"Maraming salamat po!" sabi ko sabay yuko na may ngiting abot tainga. Kahit magtimpla ng kape ang trabaho ko ay ayos na muna para sa akin sa ngayon lalo na at hirap akong makahanap ng mapapasukan. Paano ba naman kasi'y madalas puro aplikanteng may koneksyon ang natatanggap kaysa sa kagaya kong ordinaryo.

Masaya na sana akong lalabas nang pahintuin niya akong muli.

"Ms. Hernandez," maawtoridad niyang tawag.

"Po?" At napalunok ako nang harapin ko siyang muli. Hindi naman siya nakatingin sa akin dahil naka-focus siya sa hawak niya.

"Pagalingin mo 'yang paso mo," his voice sounds sexier when he speaks in Filipino.

"Yes sir!" I said enthusiastically. Mukhang may puso pa rin siya kahit papaano. Para kasing nakakatakot siyang tao.

Salamat naman at may trabaho na rin ako ngayon!

***

Sa mga panahon na 'to, traffic dahil simula na naman ng pasukan ng karamihan. I have many plans for my family but they destroyed everything.

Ang sarap sigurong bumalik sa dati... pero pag nangyari pala 'yon ay kailangan ko ulit danasin ang lahat kaya wag na lang pala. Binabawi ko na ang sinabi ko.

Siguro by this time ay nakaalis na si Bianca. Nakakalungkot na hindi ko man lang siya nakita bago siya umalis. Pero ayos lang naman, at least nakalayo na siya sa perwisyong dala ko sa buhay nilang magkapatid.

"Are you DEAF?!"

"AY 'DI PO! AKO PO SI PSYCHE HERNANDEZ SIR!"

Nakarinig ako ng malakas na tawanan kaya nagtaka ako kung bakit. Natigilan lamang sila dahil sa galit na singhal ni Mr. Alastair. Napahawak tuloy ako sa ulo at ngumisi na lang.

I look so stupid! Pwede po bang lumubog na lang sa kinatatayuan ko? Ugh. Kung bakit ba naman lumilipad ang isip ko eh!

"Tinatanong kita kung binge ka pero mali pala ako because you're worse than that," he sounded disappointed kaya mas napahiya ako sa lahat. "Now, can you please just do your job properly?" Mukhang pagod na ito dahil maghapon na kaming nandito sa set. Lumapit ako sa kanya para gawin ang ipaguutos niya.

Na-brief na ako noong isang araw sa trabaho ko sa prod. company na ito. According kay Mia, 'yung mataray sa receiving area na hindi makapaniwalang natanggap ako dahil pihikan ang boss niya, I'll be Mr. Alastair's personal secretary. Ibig sabihin ay kasa-kasama ako nito sa kung saan man nito gustuhing pumunta na dinaig pa ang artista. Hindi talaga mataas ang sweldo pero sasapat na para makaraos sa isang araw. Ang main priority ko rin ay magtimpla ng kape nito dahil sa mahilig ito roon.

Ayos naman sana maging personal secretary. Hirap lang ako kay Sir dahil sa ugali niyang high blood. Parang walang kapaguran ang paninigaw niya at sama ng loob. No wonder kung isang araw atakihin na lang siya sa puso. Halata ngang wala siyang girlfriend dahil walang makakatiis sa magiging moody niya.

A Knight's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon