I've sent the recording of what I've just heard to my friends. Sila na ang bahala maglabas ng katotohanan dahil mukhang ito na ang katapusan para sa akin.
Nawalan ako ng lakas dahil sa sinabi ng babaeng nasa harapan ko. Kung gagawin niya ang dati, malamang ay hindi makaligtas si Tyrell dito. Masyado siyang mautak... masyado siyang masama. Ang dami na niyang karanasan sa pagligpit ng tao at lahat naging matagumpay.
Natulala ako at umikot ang paningin ko. Nakaramdam ako ng kakaibang panghihina.
Naramdaman ko na lang ang pagtali nung lalaki sa mga kamay at paa ko. Nilagyan din nila ng bato ang tali sa paa ko at hindi ako lumaban. Parang nawalan na ako ng gana pang magpumiglas.
I can hear her tiny voice beside me, "You're such a sweet little girl."
Nakakakilabot marinig ang ganitong boses niya.
"Kung alam mo lang ang hirap ko sa pagpapatahimik sa 'yo."
Pumikit ako at pilit na nilagay sa ayos ang isip ko. Hindi ako dapat sumuko. Dapat hindi ko sayangin ang mga nagbuwis ng buhay para lang sa kaligtasan ko.
Pagdilat ko, nakita kong wala akong laban sa dalawa. Nasa gitna pa ako ng dagat. Pagkatapos ng nangyari sa akin noon, alam ko sa sarili ko na takot talaga ako sa tubig.
All I can do right now is to take a risk. Alam kong wala na akong chance na maka-survive pa sa sitwasyon na ito pero I still have to at least try living right?
Inalala ko lahat ng itinuro sa akin ni Tyrell noon pero parang nablanko ang isip ko. Bigla na lang akong nakipagtulakan sa babaeng nasa harapan ko. Malakas siya kahit na may edad sa akin. Nakisawsaw pa ang tauhan niya. Sinipa ko ito sa kanyang pagkalalaki kaya napaupo siya at namilipit sa sakit. Nasabunutan naman ako at pilit akong kumawala rito.
"Sa tingin mo may laban ka sa amin?!" sigaw nito at siniko ko siya sa tagiliran para bitiwan niya ako.
Inagaw ko ang kontrol sa speedboat at pilit itong pinabalik sa pinanggalingan namin. Agad naman akong hinila palayo nung lalaki. Sa lakas niya ay bumagsak ako.
Natadyakan ako ng ilang beses. May kung ano ring binato sa ulo ko dahilan kung bakit tuluyan nang nagdilim ang aking paningin.
Huli kong narinig ang sigaw nila na hindi ko alam kung bakit.
***
I don't know why pero si Tyrell ba ang nakikita ko ngayon? Umiiyak siya habang nakatingin sa akin. Paulit-ulit din niyang sinasabi na mahal niya ako... Kung panaginip ito, ayoko nang gumising. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong marinig mula sa kanya na mahal niya rin ako... Gusto kong sabihin na mahal ko siya... mahal na mahal...
***
Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko sina Drix at Emily...
"Ever..." Pareho nilang sinambit ang pangalan ko. Emily broke into tears. Ang tagal din noong huli ko silang nakita at masaya ako ngayon na nandito sila sa harapan ko. At least, they remembered me and came.
Sa amoy ng paligid, kahit hindi ko itanong ay alam ko nang nasa ospital kami.
Ang tanong ko ngayon ay paano ako nakarating dito sa ospital?
Tumawag sila ng doktor para matingnan ako kaya naman hindi ko pa sila natanong tungkol dito. Hinayaan ko munang maging panatag ang loob nila bago ako nagsalita.
"Anong nangyari sa akin?"
Ang huling natatandaan ko, nasa speedboat ako at katapusan ko na. As in there was no way out. Imposible namang niligtas nila ako dahil masyado kaming malayo para mahabol pa nila.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
AcciónAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...