"H-Hello?" tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili para hindi ako bumagsak sa bangka kung nasaan ako.
"Where are you?" 'Yung lamig ng boses niya ay mistulang umaabot dito sa katirikan ng araw.
Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng ginhawa mula sa boses niya o hindi e.
"Nasa gitna ng dagat Eros." Mahinang tugon ko. Kunwari hindi ako apektado. Baka kasi kapag hindi ako kumalma, tumaob itong maliit na bangka na pinaglagyan sa akin ng mga walang pusong may kagagawan nito.
Natahimik siya sa kabilang linya at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya kaya nagsalita akong muli. "Tulungan mo ako please..." Wala na akong pake kung nilulunok ko na ang pride ko ngayon. Hindi ko raw ba kailangan ng bantay e eto nga ako ngayon, nasa peligro ang buhay ko.
"Don't move. I'll save you." Ito lang ang kanyang sinabi bago niya binaba ang tawag. Nakaramdam agad ako ng takot dahil pakiramdam ko mag-isa na naman ako. Dapat hindi na lang niya kasi binaba e. Pwede ko namang bayaran ang load niya.
Pero seryoso. Akala ko ay aasarin o pagsasabihan pa niya ako pero mukhang maayos naman ang takbo ng utak niya dahil hindi niya ito ginawa. The last thing I want to hear now is a sermon from anyone.
Habang nagiintay ako sa pagdating ni Eros, na hindi ko alam kung may kasiguraduhan nga, ay pumikit ako at nagdasal. Oo at pinagdasal ko na makaalis ako rito. Dasal lang. Dasal na lang kasi talaga.
Oras na maalis na ako sa panganib ay hindi na ako magiging matigas sa gusto ni Mommy at Daddy. Kahit na kasama ko pa si Eros sa kahit na anong lakad ko ay okay lang para maging ligtas ako. Hindi na ako magpapakampante kasi ano mang oras ay maaaring maulit ang bagay na ito sa akin.
Pero ang isa pang pinapangako ko? Hahanapin ko kung sino ang nasa likod nito. I won't stay put and wait for me to get killed. Ipapakulong ko sila. Aba! Hindi na tama ang ginagawa nila sa akin at kung akala nila na magpapakanti na lang ako basta sa kanila, nagkakamali sila.
Para ano pa't ako si Ever Rose See na nagiisang tagapagmana ng S.E.E kung magiging duwag lang ako at matatakot ipaglaban ang sarili ko hindi ba?
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero tumunog ulit ang phone ko na agad kong sinagot. Si Eros kasi ito ulit. Hindi na ako nagtangkang tumawag sa iba dahil una, ayokong mag-alala sila. Pangalawa, ayokong masermonan at pangatlo, ayokong maging emosyonal.
Sapat na ang malamig na pagkatao ni Eros para sa sitwasyon ko ngayon.
"Nasaan ka na?" mariing tanong niya mula sa kabilang linya.
"Hindi kita makita. Gaano ka ba kalayo? Sinong kasama mo? Saan ka nakasakay? Tell me everything." Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Nakaka-touch lang. Ito siguro ang namana ko sa Mommy ko. Mukha lang akong matatag pero mahina ako sa loob.
BINABASA MO ANG
A Knight's Confession
AksiAll her life, Ever Rose just wanted to feel safe. Kaya sa murang edad, inilayo siya ng kanyang mga magulang para iiwas sa kapahamakan. She became the heiress with no face and running away became the key to her survival. She used to have full contro...